Chapter 6

4.2K 130 9
                                    

Jean Kaye Emerson

Namiss ko siyang asarin. Dati inis na inis ako sa mga grades niyang puro pasang awa. Ngayon, natatawa na lang ako kapag naaalala ko yon. Di ko akalain na mag-e-excel siya sa baking. Hindi man siya magaling sa academics noon pero atleast nadiscover niya ang totoong talent niya ngayon. Kaya bilib na ako sa kanya. Hindi na siya yong Mira Jane na lagi kong inaasar na mahina ang utak.

"Mira Jane, okay ba to sayo?"

"Oo, basta tulungan mo akong mag ayos."

"Sure may iha-hire akong mga tao at sila na ang bahalang magpaganda nito."

"Ang bait mo naman impakto."

"Gusto ko lang naman na maging happy ka sa ginagawa mo kaya huwag kang matakot na magtry. Naka-alalay ako sayo, hindi kita pababayaan. Babawi ako sayo Mira Jane at mas lalo pa kitang mamahalin. Pangako ko iyan sayo."

"Sige na nga pagbibigyan kita mamayang gabi."

"Talaga mahal?!"

"Naniwala ka naman? Natatawa talaga ako sayo impakto."

"Mira Jane four years tayong hindi nagkita at nagkasama. Kung alam mo lang ang pananabik ko sayo."

"Halatang sabik na sabik ka nga sakin. Namimilit ka na naman, eh."

"Ang hirap mo kasing iconvince, hindi mo ako pinagbibigyan. Dapat kasi hindi ka na umuuwi sa bahay niyo. Sakin ka na sumama."

"Alam mo namang walang kasama minsan si Mama sa bahay."

"Eh di tumira na kayo pareho sa bahay namin. Maraming kwarto ron."

"Hindi yon papayag. Sanay siya sa bahay namin."

"Paano tayo magsasama niyan, Mira Jane?"

Alangan naman makisiksik ako sa bahay nila.

"Saka na natin pagusapan yon, Jean"

"Oh sige ganito na lang alam ko naiilang ka sa bahay ng parents ko, magpatayo na lang tayo ng sarili nating bahay tapos isama natin si Mama mo para hindi ka mag-alala tapos si Kuya Seg mo sa kanya na lang yong bahay niyo. Okay ba yong naiisip ko?"

"Kung papayag si Mama. Pero kung magkakaroon tayo ng sariling bahay, huwag masyadong malaki ha, para kapag inasar mo ako kaya kitang habulin."

Natatawa ako. Yon talaga ang nasa utak ni Mira Jane?

"Impakto, sunod sunod ata ang mga surpresa mo sa akin ngayon."

"Sabi ko naman sayo. Bumabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Gusto kitang pasayahin."

"Jean, makasama lang kita sapat na sa akin. Pero thank you sa lahat ng mga surprises mo sa akin, ha?"

"Wala yon, mahal kita eh. Gagawin ko lahat mapasaya ka lang."

Natutuwa naman ako na tinanggap niya itong regalo ko sa kanya. Makita ko lang na masaya si Mira Jane ay lubos na rin ang kaligayahan ko. Ngiti lang niya ang bumubuo ng araw ko.

.....

WEEKEND.

Wala naman akong ibang gagawin ngayon kundi ang samahan si Mira Jane. Kahit weekend kasi nakabukas ang shop niya kaya halos wala rin siyang pahinga. Nahihirapan lang ako kapag niyayaya ko siyang umuwi sa bahay ng parents ko, ayaw niyang pumayag. Lagi kasing andon sina Mom at Dad ngayon. Naiilang pa rin talaga si Mira Jane sa kanila.

Naiinip na talaga ako, kaya naisipan kong kumuha ng single dettached na bahay sa isang subdivision na malapit sa shop ni Mira Jane. Mapapalayo ako ng konti sa office ko pero mapapalapit naman ako sa kanya. Naghire ako ng interior designer at siya na bahalang mag design, pati na rin ang mga gamit sa loob ay pinaubaya ko na sa kanya. Siya na bahalang pumili at mag ayos.

Miss Playboy 2 (Jean Kaye Emerson) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon