02:04

75 10 9
                                    

COMPANIONSHIP

ZACH's

Tumayo ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang isang babae na pumasok dito sa loob ng restaurant. Nakita ko ang paglinga-linga nito sa paligid bago tumama ang mata sa akin.

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito bago naglakad palapit sa akin. Inusog ko ang upuan ko para salubungin ito.

"Mrs. Javier." Sabi ko at inilahad ang kamay sa harapan niya. "Zachary Velasco." Pakilala ko. Inabot naman niya ang kamay ko.

"It's an honor to meet you, Mr. Velasco." Pormal nitong ani.

"Please, have a sit." Sabi ko at itinuro ang upuan sa gilid namin.

Tinulungan ko siyang hilain ang upuan at hinayaan siyang makaupo. Pagkatapos ay saka ako umikot para umupo sa harapan niya.

Agad naman na may lumapit na waiter para abutan kami ng menu. Mabilis akong pumili ng makakain at gano'n din naman siya. Nang makaalis na ang waiter ay agad na akong nag salita.

"I will take the opportunity to talk about the subject while we are waiting for the food." Sabi ko at inilabas ang tablet sa briefcase na hawak ko.

Inilapag ko sa lamesa ang tablet at hinayaan siya na kunin iyon para tignan ang mga dokumento na nakapaskil sa screen.

"I want you to help me to win that case."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang binabasa ang mga mga nasa screen. Maya-maya pa ay nanlaki ang mata nito at tumingin sa akin.

"H-Hailey?" May halong gulat niyang tanong.

Tumango ako. "She's the infamous serial killer of this generation. I guess you already know that."

"The Modern Medusa, yes, I heard about her. But I don't know that she's Hailey." Hindi makapaniwalang sabi niya habang nag iswipe sa screen.

"Do you have personal connection with her?" Tanong ko.

"N-Not really. But I met her last December."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "May I know the details?"

Inilapag niya ang tablet sa lamesa. "There this gift... I don't know what is it. But my father wants me to give it to this girl." Tinuro niya ang tablet. "I mean that gift wasn't from my father. It's actually from his friend... Mr. Villamente."

Automatic na tumigil ang paghinga ko nang marinig iyon. Umawang ang bibig ko habang pinoprocess sa utak ko ang mga sinabi niya.

Ibig sabihin...

"Who is your father?" Tanong ko.

"His name is Lance Monteras." Sabi niya at agad naman akong tumango.

Napatulala ako sa lamesa habang nag-iisip ng mga bagay bago muling ibinalik ang sarili sa dapat naming pag-usapan.

"Anyway, let's go back to the subject." Sabi ko at pinagdikit ang palad ko na nakapatong sa lamesa.

Muli niyang tinignan ang tablet at tinap ang daliri niya sa lamesa na para bang nag-iisip. Maya-maya ay nagpakawala ito ng malalim na hininga.

"I don't understand, Mr. Velasco. This woman killed a lot of people." Sabi niya.

"And majority is rapist." Sabi ko.

"But she's still a killer. Rapist and killer are both criminals."

Tumango ako ng dahan-dahan ay umayos ng upo.

"She's a rapist' killer, there's a difference."

***

"Asus, Marvin! Ang sabihin mo, nagseselos ka lang." Pang aasar ni Phia.

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon