02:20

45 4 6
                                    

SEE YOU IN THE FUTURE

SHAWN's

Kinabukasan ay muli kong sinundan si Hailey sa University kahit na alam kong tapos na ang trabaho ko sa kanya. Sadyang gusto ko lang malaman kung may suot ba siyang relo. At mas lalong lumakas ang kutob ko na tama ako nang makita kong meron.

Ginawa ko ang lahat para matitigan ang suot niyang relo para ma-scan ng salamin ko. Pero sobrang layo nito.

Bandang hapon ay nakita ko na sinundo siya ng kapatid ni David. Sinundan ko sila at nakitang pumunta sa isang bar.

Nakita ko ang pagdadalawang isip ni Hailey na pumasok sa loob pero nagawa parin siyang hilain ng pinsan niya—o pinsan nga ba talaga niya?

Pumasok ako sa loob at umupo sa counter. Umorder na rin ako ng isang beer.

Nakaupo ang dalawang Fulgerio sa hindi kalayuan kasama ang iba pang mga babae at lalaki na mukhang kaibigan nung kapatid ni David. Hindi kasi nakikihalubilo si Hailey at ngumingiti-ngiti lang.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita kong nagpaalam si Hailey kaya tumayo ito. Pumunta ito sa may restroom. Ako naman ay napatingin sa beer na nasa harapan ko.

What am I doing? Bakit ako nandito? Tapos na ang trabaho ko sa kanya.

Pero yung notebook ko...

Umiling ako at uminom sa baso ko. Naisipan ko na'ng umalis nang may biglang umupo sa tabi ko.

"Why are you following me?"

Nagulat ako nang makita si Hailey sa tabi ko.

"I-I'm not following you." Sagot ko.

"Don't lie. I know when someone is looking at me behind my back." Malumanay niyang sabi na nag patayo sa mga balahibo ko.

Fuck, she looks so calm but her aura is so... Heavy.

And how long did she know that I was following her?

"S-Sorry... I was just... Well... You're gorgeous." Nasabi ko na lang.

Natawa siya ng mahina. "Try better." Tumingin siya sa akin. "Can I ask you a favor?" Tanong niya. "Can you keep me a company? Just pretend that you and I are friends."

"W-Why?"

Tinuro niya yung puwesto ng pinsan niya nang hindi tumitingin doon. "My cousin over there wants me to have an orgy with her friends." Ngumiwi siya.

"Ow..." Nasabi ko na lang. And straight forward naman niya.

Tumingin siya sa akin. "But if you're interested, I can ask you to join them if you want." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Hell no!" Natawa ako ng mahina. "I'm not that kind of person."

Tumango siya. "So... You in?"

"That depends. You're not a serial killer, aren't you?" Tanong ko at pinaningkitan naman niya ako ng mata.

Ito ang unang pagkakataon na nakita at nakausap ko siya ng ganito kalapit. Her aura may be heavy for some reason, but there's still a comfort in her presence. Maybe because of the way she speak. It was so gentle and soft, like an angel is trying to make you fall asleep. And maybe the reason that I can see my old self to her.

"No. Do I look like a serial killer?" Tanong niya niya dahilan para ngumiti ako.

She's funny.

Well, by the looks of her, hindi mo talaga siya mapaghihinalaan ng masama. But I know her family so...

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon