02:12

33 5 7
                                    

THE TOWER PLACE

SHAWN's

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay rinig ko na kaagad ang bangayan ng mga magulang ko. Ito na naman sila. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

"Sam, hindi ako nagkulang ipaalala sayo! Tignan mo ngayon kung anong nangyari, bulok na yung mga karne na pinamili ko kahapon!" Sigaw ni Mama.

"Bakit hindi mo ipaayos sa anak mo?" Rinig kong sabi ni Papa.

"Jusko naman! Ano bang tingin mo kay Shawn? Empleyado mo?"

"Ano ba Abby! 'Wag ngayon, pagod ako!" Sigaw ni Papa at nakita ko siyang naglakad paakyat sa hagdan. "Punyetang buhay 'to!"

Nakita kong napailing si Mama habang nakahawak sa sintido niya. Lumapit ako sa kanya at nang mapansin niya ang presensya ko ay agad siyang tumingin sa akin.

"Shawn."

Kinuha ko ang kamay niya para mag mano. "Ano pong problema?" Tanong ko.

Tumingin siya sa refrigerator namin. "Yung ref kasi anak, kahapon pa hindi gumagana." Sabi niya.

Inilapag ko ang bag ko sa upuan. "Sige po titignan ko."

"Naku 'wag na. Ipapaayos ko na lang kay Manong Gabo. Atupagin mo na lang ang pag-aaral mo. Hindi ba't malapit na ang midterms niyo?"

Naglakad ako palapit sa refrigerator namin. "Ayos lang ma. 'Tsaka kaya ko namang gawin 'to. Mapagastos pa kayo, sayang din." Sabi ko at nag simula nang kalikutin ang refrigerator namin.

Hindi naman kami mahirap, pero ito lang talaga ang problema ng bahay na 'to. Hindi magkasundo ang magulang ko. Kahit sobrang liit na bagay ay pinag-aawayan nila. Tulad na lang nito.

At isa pa, wala naman na kaming aasahan kay Papa. Hindi ko nga alam bakit pinagtitiisan pa ni mama yung lalaking 'yon eh kaya naman namin na wala siya.

***

Nang matapos ang misa ay dumiretsyo si Mama sa mga kaibigan niya para makipag kamustahan. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako sa tore para magpahangin.

Nang maka-akyat sa taas ng tore ay bumungad sa akin ang malakas na simoy ng hangin.

Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang isang kaha ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa at nag sindi. Magkatapos kong ibuga ang usog sa bibig ko ay naglakad na ako papunta sa balkonahe ng tore.

Nang makaikot sa malaking kampana ay nagulat ako nang makita ang isang babae na nakasuot ng pulang bistida at nakatayo ito sa balkonahe. Humarap ito sa akin at mas lalo akong nagulantang nang makita ko siya.

"Shawn?" Tawag niya sa pangalan ko.

Agad kong inalis ang sigarilyo sa bibig ko at tinapon ko iyon sa sahig. Pagkatapos ay tinapakan ko iyon para patayin ang sindi.

"Hey, V-Valerie."

"You're smoking?" Tanong niya habang nakatingin sa sigarilyo na tinapon ko.

"Stress reliever." Sabi ko.

"Oh." Sabi niya at tumango.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at humakbang palapit sa kanya.

"I'm here for the Sunday service." Sabi niya.

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon