02:26

58 8 17
                                    

MORE THAN EVERYTHING

Year 2017

SHAWN'S

Hindi ko maalis ang tingin sa mukha ni Hailey habang nag dradrawing ito sa harap ko. Ako ang sumundo sa kanya ngayon sa University nila at kasalukuyan kaming nasa apartment ko.

Isang buwan na ang nakakalipag simula noong nakiusap ako sa kanya na mag stay na lang dito. Iyon yung araw na dinala ko siya sa dagat kung saan kami palaging pumupunta ni Val noon. Nagkataon naman na inamin sa akin ni Hailey na natatakot siya sa relasyon namin dahil nga magkaiba kami ng timeline.

Pero kung alam lang niya na hindi lang ito ang timeline na kinikita ko siya. And I'm doing whatever I can just to be with her.

Sobrang hirap, inaamin ko. Sobrang nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa. Pero pinipilit kong kayanin kasi ayoko na ng iba.

"Alam kong patay na patay ka sa akin pero 'wag mo namang masyadong ipahalata." Sabi niya habang nakangiti pero nanatili itong nakatingin sa papel sa lamesa.

Natawa ako ng mahina at ibinalik ang tingin sa laptop ko. Nakakaasar at natututo na siyang gumanyan ngayon.

"Bawasan mo kasi 'yang pagiging maganda mo." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Pagkatapos ay tumingin siya sa relo niya. "It's 7 o'clock, hindi pa ba tayo kakain?" Tanong niya.

Tumingin ako sa wall clock dito sa sala. "Gusto mong kumain sa labas?" Tanong ko.

"Sure, let's go." Sabi niya.

Dahil doon ay itiniklop ko ang laptop ko at kinuha ang susi sa drawer ko. Sabay kaming tumayo, at kinuha ko ang jacket ko.

"Look what I draw." Sabi niya kaya humarap ako sa kanya.

Ipinakita niya sa akin ang sketchpad niya at mabilis ko naman iyong kinuha. At bigla na lang natunaw ang puso ko nang makita ang hitsura ko sa papel.

Point of view niya ito kanina habang seryoso akong nakatingin sa laptop ko. Kahit na lapis at ballpen lang ang gamit niya ay sobrang ganda parin ng pagkakadrawing nito.

"Do you like it?" Bigla siyang sumilip sa gilid ko at tinignan ang papel na hawak ko. She looks so happy.

"I love it." Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin bago tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Dahil doon ay mabilis kong inilapag sa lamesa ko ang sketchpad niya at hinabol siya.

Hinigit ko ang maliit niyang baywang para makaharap ito sa akin. Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis kong sinalubong ang labi niya. Kumapit ito sa balikat ko at tinugunan ang halik ko.

Pagkatapos ng ilang saglit ay kumalas ako pero nanatiling magkadikit ang ilong namin. "How about we just order pizza?"

Ngumiti siya sa akin, "Pizza sounds good." Mahina niyang sabi

Dahil doon ay muli kong sinakop ang labi niya. Isinukbit naman niya ang braso sa batok ko para mas ilapit sa akin ang sarili.

Humakbang ako dahilan para mapaatras ito hanggang sa mapasandal ito sa dingding ng sala ko.

Pumunta ang halik ko sa pisngi niya hanggang sa makalapit ang labi ko sa tainga niya. "I'm so glad you choose to wear dress today."

"Yes, but please don't ruin it like the last time." Sabi niya na ikinatawa ko. "I value my clothes more than I value you."

Ngumuso ako, "Oh, really?" Tanong ko sa malalim na boses habang gumagala ang kamay ko sa hita niya. Marahan kong tinanggal ang saplot niya mula roon.

"Yes, really." Mayabang niyang sabi.

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon