02:08

52 7 1
                                    

BACKSTORY

ZACH's

Lumipas ang isang linggo mula noong hinayaan ng DOJ si Hailey na sumama sa mission ng pagpatay sa Knight Reaper. At dahil sa mga ebidensya na nalakap at sa utak ni Hailey ay unti-unti na kaming nagkakaroon ng profile sa suspect.

But since it's Holiday Season ay panandaliang natigil ang investigation. Hindi dahil sa gusto nilang mag bakasyon, kundi dahil ayaw nilang makasama ang isang Psychopath sa mga ganitong ka-special na occasion.

But not me.

Inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa mata ni Hailey para ipakita sa kanya ang magandang tanawin mula dito sa Rooftop ng building. Hawak parin siya ng Mental Institution kaya nandito parin siya.

"What's going on?" Tanong niya habang nakatingin sa baba.

"Just wait." Sabi ko at tumingin sa relo ko.

"Gusto mo ba magkaroon ng take 2 sa pagsakal ko sayo?" Tanong niya.

"Puwede naman. Just make sure you'll succeed this time." Sabi ko.

Lumingon siya sa akin pero mabilis kong hinawakan ang ulo niya at pinatingala iyon.

Pagsapit ng alas-dose ay agad na nag silitawan ang mga makukulay na fireworks sa langit.

"Happy new year." Sabi ko.

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Nanatili lang siyang nakatingin sa itaas at pinapanood ang makukulay na paputok.

Tumabi ako sa kanya at tumingala rin. Walang nagsalita sa amin sa loob ng isang minuto. Parehong ine-enjoy ang...

Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko nang makitang lumuluha ito habang nakatingin sa itaas.

"H-Hailey?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Are you okay?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yeah," Pagkatapos ay pinunasan niya ang pisngi niya. "Napuwing lang." Dagdag pa niya.

Huminga ako nang malalim at humakbang palapit sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya sa ginagawa niya para ako ang magpupunas ng mga luha niya.

Ngumiti ako sa kanya. "I know something that will make you feel better."

Tumaas ang kaliwang kilay nito.

"Hindi pa ba ito 'yon?" Tanong niya.

Umiling ako at agad siyang hinila paalis ng rooftop.

Mabilis kaming nakapunta sa floor kung saan ko siya gustong dalhin. Walang masyadong tao ngayon dahil nasa Therapy Area ang mga pasyente kasama ng ibang mga nurse para samahan silang abangan ang bagong taon.

"Are we supposed to be here?" Tanong ni Hailey nang makarating kami sa Discussion Room.

"Yes. Nagpaalam na ako." Sabi ko bago itapat ang ID ko sa scaner.

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon