02:22

35 3 1
                                    

MOVING FORWARD

SHAWN's

Hailey Margallo Fulgerio. That's what David named her. And even she don't have a mother, David did a pretty good job on raising her.

She's now four and she seems like a normal little girl who loves to draw. David treat her like a princess and spoiled her with love. Umabot sa punto na kinaiinggitan ko na ang bata dahil mayro'n siyang ama na hindi siya pinapabayaan.

I know we're not connected or something, but I'm just curious about her. And I still have the question in mind of why did I gave her my notebook?

What did I see in her? What's special about her that made me want to trust her with my invention?

At bakit siya nasa taong 2017 at nagpapanggap bilang pinsan ng Papa niya.

I've been skipping the months so I could observe her while growing. Hanggang sa makarating ako sa taon kung saan anim na taong gulang na siya at...

"Kawawang bata. Papa na nga lang niya ang meron siya." Rinig kong sabi ng isang ginang sa libing ni David.

Lahat ay nakasuot ng itim na damit habang may hawak na itim na payong sa gitna ng ulan. Nasa unahan si Hailey na nakatulala lang sa kabaong ng kanyang ama habang hawak ang litrato nito.

Nang matapos magsalita ang Pari sa harapan ay sinimulan na nilang ibaba ang kabaon sa ilalim ng lupa. Lumapit ako ng kaunti para makita si Hailey. Nanatili itong nakatulala at tahimik.

Nakaramdam ako ng kirot habang nakatingin sa kanya na pinapanood na ibaba ang kabaong ng kanyang ama. Wala siyang katabi at nakatayo lang sa gilid. Wala man lang nag tangkang humawak sa kamay niya o kahit man lang tumayo sa tabi niya.

Natapos nang tabunan ng lupa ang puntod ni David ay isa-isa ng umalis ang mga tao. Pero nanatili paring nakatulala si Hailey sa lupa.

May lumapit sa kanya na isang babae na mukhang kinukumbinsi siya na sumama sa kanya. Pero umiling lang si Hailey.

"H-He will come back." Garalgal ang boses niyang sabi.

Dahil doon ay tuluyan nang umalis ang babae at mga kasama nito. Pagkatapos ay nakita ko si Hailey na naglakad papunta sa puntod ni David nang wala man lang dalang payong.

Nakaupo lang siya doon habang nakahawak sa lupa. Maya-maya ay nakita ko ang paggalaw ng balikat niya dahilan para mapagtanto ko na umiiyak na siya.

Ang tahimik na hikbi at unti-unti nang naging malakas hanggang sa naging isa itong hagulgol.

"Y-You said... Y-You said you w-won't leave me." Sabi nito sa gitna ng iyak niya. "Y-You're such a liar d-dad."

"I-I don't k-know what to do now. P-Please come back. I-I need you."

Tila ba'y nanumbalik ang sakit na nararamdaman ko noong nalaman ko na wala na si Val habang pinapakinggan ang sinasabi ni Hailey sa puntod ng Papa niya.

That's exactly the words what I used to say to Val years ago. When she died and I'm so messed up because I don't know how to stand up without her. Sobrang denial ko rin at umaasa na babalik siya kahit alam kong wala na.

"A-Ayoko ng ganito Dad. Mag-isa na lang ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya. "B-Balik ka na po please. Dad please, b-balik ka na."

Para bang pinipiga ang puso ko habang paulit-ulit na naririnig ang pagmamakaawa niya sa Papa niya. She's so broken.

Humakbang ako palapit sa kanya para isilong siya sa payong ko. Hindi ko siya hinawakan, hindi rin ako nag salita. Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat. But I stood there beside her to lessen the heavy clouds pouring on her.

THE GUY WHO'D SEEN IT ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon