Dismayado ang tatlo, dahil hindi pumayag ang matanda sa binabalak nila. Ngunit hindi ito nabale ang kagustuhan ni Benson na balikan sa polo Ang mga kasama. Gamit ang di sagwan na bangka ni Amir, pumuslit ito at naglayag na mag isa, huli na nang makita ito nina Nicolo at Tony. Sinubukan pa itong languyin ni Tony para habulin ngunit malayo na ito.
Nakita ito ni Amir, kaya naki gamit din ito ng bangka para sundan sana si Benson,ngunit pinigilan ito ng matanda.
"Huwag mo nang dagdagan ang problema Amir, hayaan mo siya ginusto niya iyan. Hindi makakatulong Ang padalos dalos na desisyon. Hindi niyo alam ang kinakalaban niyo." ayon pa sa matanda.
Papasikat na ang araw sa dagat at tanaw na ni Benson ang ulo ng polo. Kinakabahan man ito sa kanyang gagawin, nag aalala naman ito kay Angel at sa mga kasamahan nila. Hindi naman ito umalis na walang dala, bukod sa bangka, nagpuslit din ito ng dalawang baril mula sa mga tinatago ni Amir. Papalapit na si Benson sa polo nang may namataang ito na patungo sa kanyang direksiyon. Dalawang bangkang di motor ang mabilis na umuusad pasalubong sa kanya.
Wala na itong oras pa para umiwas pa, alam ni Benson na nakita siya ng mga ito at siya ang talaga ang pakay ng mga sakay dito. Kumalma si Benson at mahinahon na nag sagwan, sinalubong ang mga ito. Nang makadaupang palad na nito ang dalawang malalaking bangka na may mga sakay na armadong kalalakihan na hindi banana sa apat bawat Isa ang sakay, yumuko lang si Benson.
"Sa Buras ka ba galing?" tanong ng isang lalake kay Benson.
Tumango lang si Benson at sinabing patungo ito ng Isla.
"Mukhang nahuli ka yata? " Sabi pa ng Isa.
"Nasira kasi Ang makina ng bangka ko, kita niyo naman de sagwan lang itong dala ko." tugon pa ni Benson.
Hindi na inusisa pa ng mga ito si Benson. Nakahinga ng maluwag si Benson. Mabilis agad itong nag sagwan hanggang sa marating nito ang polo. iniwan nito ang bangka sa batohan. Kinabahan ito ng hindi na nakita doon si Angel. Inisip na nitong baka nahuli na ng mga taga polo ang kaibigan.
Nang bigla na lang may humatak sa kanya mula sa pinagtataguan nitong bato.
Pabalik sa Isla, paksa parin ng dalawa Nicolo at Tony sina Benson at ang mga kasamahan nila. Hindi na rin ng mga ito maiwasan ang magalala sa mga nangyayari sa kanila na para bang pinaglalaruan lang ang mga ito.
"Kung ganito rin lang , wala ng dahilan para manatili pa dito. Mas nanaisin ko pang mamatay na lumalaban para sa buhay ko. At tama sina Benson, kung hindi tayo kikilos, baka maging laruan na lang talaga tayo ng kung sinong may kakagawan nito sa atin." ayon pa kay Nicolo
"Tama ka, kung hindi tayo kayang tulungan nina Amir, tayo na lang ang kikilos. Gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito. Na mimiss ko na ang normal kong buhay, ang buhay natin dati. Siguro nga ako talaga ang may sala sa kapahamakan na nangyari sa atin. Kung hindi ko na inerekuminda at pinilit ang Isla Libugates, siguro magkakasama pa tayo." Sabi pa ni Tony.
"Kung hindi pa natin magagamit ang bangka, magnakaw na lang tayo ng masasakyan. Huwag na natin ipaalam sa kanila. Malapit lang naman daw dito ang nasabing polo." ayon pa kay Nicolo.
Nang araw din na iyon nag plano ang dalawa. Batid naman nina Amir na hindi talaga titigil ang mga ito hanggat wala silang napapatunayan. Maging si Amir man tila nabuhayan ng lakas dahil nakatagpo ito ng mga tao na may katulad na layunin sa kanya. Ilang taon din pinaghandaan ni Amir ang maipaghiganti ang pagkawalay nito sa magulang lalo na sa kanyang ama.
"Naiintindihan kita, kahit na Ako, gusto ko ding ipaghiganti Ang mga nangyari sa akin, At ilang beses ko na tinangkang gawin iyon. Pero tumanda na lang Ako, nariyan parin ang kasamaan nila. Nauulit lang sa paglipas ng panahon. Para na kitang anak Amir, kayo ni Dantoy ,kayo na lang ang pamilya ko. Ayukong may masamang mangyari sa iyo, sa Inyo." Ayon pa sa matanda.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...