Hindi pa nga sumisikat ang araw lumipat na ng puwesto si Amir. Binaybay nito ang daan papunta sa kabilang bahagi ng Isla. May kadiliman pa sa mga sandaling iyon kaya nangangapa pa ito. Napadaan ito sa isang maliit na lawa sa gitna ng Isla. Nang may naaninag itong anino na umahon mula sa tubig.
Huminto si Amir at nagkubli sa isang puno habang nakatingin lang doon sa lawa. Pinangingilagan ang umahon doon sa tubig. Napansin nito na nakatingin sa kanyang direksiyon ang tao na nasa lawa. Kaya isiniksik ni Amir ang sarili sa mga halaman na nakapalibot sa puno na iyon. Nag-hintay ito ng ilang minuto bago sumilip. Ngunit nagtaka ito nang wala na Ang taong nakita niya.
Naging palaisipan ito kay Amir, dahil malabong Isa sa kanila ni Nicolo at Tony iyon. Dahil kitang-kita pa nito ang dalawa na mag katabing natutulog bago ito umalis doon.
"Kung gayun totoo ang sinabi ni Tony na may nakita siyang ibang tao dito sa Isla. Pero sino kaya iyon?...si Claudio kaya?" sambit na tanong pa ni. Amir sa sarili.
Nag-hintay pa ng ilang sandali si Amir bago ito kumilos.Bumalik ito sa pinang galingan para siguraduhing hindi nga sina Nicolo at Tony ang nakita niya.
Laking gulat na lang nito nang makitang may nakasakay na sa bangka nila at papaalis na ito.
Hoy! Ang bangka namin ibalik mo!!! Tang ina!" sigaw ni Amir na patakbong lumalapit sa dalampasigan para habulin ang bangka.
Nagising sina Nicolo at Tony sa sigaw ni Amir. Sinubukan pang langoyin ni Tony ang dagat mahabol lang ang bangka, ngunit mabilis ang pag sagwan ng taong tumangay nun. Huli na para maabutan pa ni Tony ang bangka.
Bumalik ito sa dalampasigan na galit na galit. Pinag sisipa nito ang alon at nagmumura.
Binalingan nito si Amir at pinaratangan na kasabwat ng taong tumangay ng kanilang bangka. Akma nitong susugurin si Amir nang pumagitna si Nicolo para pigilan ito.
"Hayop kang gago ka, pasigaw-sigaw ka pa, eh kagagawan mo din naman ito. Aminin mo na kasi na may masama kang binabalak sa amin." bulyaw pa ni Tony kay Amir.
Hindi na pinatulan pa ni Amir si Tony at umiwas na lang ito. Lumayo muna ito sa dalawa.
"see, nag walk out ang gago kasi nga guilty! Now what?! pati ang tanging paraan natin para Maka alis dito nawala na! Buwesit na buhay ito." Ang nanggagalaiti paring si Tony.
"Puwede pa kumalma ka muna. Hindi tayo makakaisip ng solusyon dito kung ganyan ka." saway ni Nicolo kay Tony.
"Do you think kakalma pa ako after what happened? Nic ,sinabi ko na kahapon, may ibang tao dito sa Isla. Pero you didn't even care. Mas naniniwala kapa sa gago na iyon na umaarte lang Ako." Sabi pa ni Tony.
"Then tell me kung ano ba talaga nangyari, bakit bigla ka na lang nawalan ng malay pagkakita namin sa iyo kahapon." tugon ni Nicolo na nalilito na rin sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...