Nawawalan na ng hininga si Banjo sa kawalan na ng oxygen sa loob ng tunnel na iyon na puno ng tubig. Nang bigla na lang umalimpuyo ang tubig hanggang sa unti-unti na itong bumaba. Mabilis ang pagbaba ng tubig. Habol-habol ni Banjo ang hininga nito nang tuluyan ng bumaba hanggang binti ang tubig. May kutob si Banjo na mino-monitor ang kanyang galaw sa tunnel na iyon. Hinanap nito sa paligid ang mga posibleng kamera, muli nitong binagtas ang kahabaan ng tunnel.
Bigla na lang pumalya ang mga ilaw sa tunnel. Nagpapatay sindi ang mga ito. Nakaramdam ng kaba si Banjo, napatigil ito sa kanyang paglalakad. Tahimik sa loob ng tunnel at tanging ang mga hingal lang ni Banjo ang bumabasag sa katahimikan doon.
Balak na sanang bumalik ni Banjo ng may narinig itong malakas na pagtampisaw sa tubig sa bandang unahan lang nito. Nakita pa ni Banjo ang pag alon ng tubig, sa lakas ng vibration dulot ng kung ano mang bagay na bumagsak sa roon.Napaatras na si Banjo bago pa nito naaninagan ang kanyang narinig. Napamura na lang ito nang umangil ang isang malaking buwaya na mabilis na gumagapang papunta sa kanyang direksyon.
Hirap man sa pagkilos si Banjo batid na nito ang panganib na naka-amba sa kanya sa mga pangil ng buwaya na papasugod sa kanya. Sinikap nitong makatakbo sa abot ng kanyang makakaya. Kinakailangan niyang maka layo roon. Wala itong lingon-lingon na tinutumbok ang labasan ng tunnel, nang mapagtanto nito na sarado na pala iyon.
Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Banjo. Kinuha nito sa kanyang pantalon ang isang patalim na kanyang dala. Wala rin namang saysay ang tumakbo dahil wala rin itong takas. Malaki ang buwaya ngunit sa isip ni Banjo kaya niya itong tapatan. Kailangan niya lang ng magandang stratehiya kung paano niya mapapatay ito. Huminto sa kanyang pag takbo si Banjo, hinarap nito ang papalapit na buwaya habang hinahanda ang sarili sa pag atake nito sa kanya. Gamit ang patalim, pinunit nito ang isang bahagi ng kanyang pantalon. Ginamit nito ang tela upang ibuhol sa kanyang kamay ang patalim. Siniguro ni Banjo na mahigpit na naka tali ang patalim na hawak sa kamay nito.
Mukhang gutom ang hayop kaya alam ni Banjo na madugong wrestling ang mangyayari sa pagitan nila ng buwaya. Mababaw na lang ang tubig at tanaw na tanaw ni Banjo ang kabuohan ng buwaya.
Napadasal na lang sa kanyang kaligtasan si Banjo.
Samantala habang nangunguha ng mga tuyom sina Migz at Amir, bigla na lang napasigaw ng tulong si Manuel habang akay-akay sa kanyang mga kamay ang isang lalake na tila naghihina. Napakunot na naman ng noo si Migz nang mapansin si Manuel na may tinutulungan na namang tao.
"Hayaan mo siya, hindi natin kilala kung sino na naman ang dinampot niyan. Baka isa na naman iyan sa magpapahamak sa atin." Pag pigil ni Migz kay Amir.
"Titingnan ko lang, mag iingat ako." Tugon ni Amir at nilapitan si Manuel.
Hindi na nagawa pang pigilan ni Migz si Amir. Agad na lumapit si Amir kay Manuel at nagulat ito nang makilala ang taong kasama ni Manuel, si Benson. Dinala nila si Benson sa ginawa nilang balsa at doon pinahiga. Puno ng pasa, galos at mga sugat sa katawan at mukha si Benson. Mga bakas ng paghihirap na kanyang sinapit sa mga kamay ng humuli sa kanya. Hinang-hina ang lalake na halos hindi pa makapag salita, ngunit mababanaag sa mukha nito ang galak ng makita muli sina Amir at Manuel. Pinag pahinga ng dalawa si Benson. Binalikan agad ni Amir si Migz na sa puntong iyon balot na naman ng mga pagdududa at pag aalinlangan dahil sa panibago na namang sampid sa kanilang plano na pagtakas sa isla.
"Kaibigan siya nina Nicolo, kasama niya si Angel ng lisanin nila ang isla upang iligtas sana ang mga kaibigan nila sa polo. Pero sa tingin ko, tulad natin ganun din ang naging kapalaran niya. " Wika ni Amir.
"Wala akong pakialam kung kaibigan pa siya ng mga iyon. Basta wala akong tiwala sa kanya. Saan ba iyan napulot ni Manuel? Tinanong niyo ba kung paano iyan napunta dito? " Tugon ni Migz na diskumpyado na sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...