Naharap sa ginawa nilang siga sina Manuel at Banjo. Unang gabi ng dalawa sa Isla na iyon. Ngunit agad silang nagkapalagayan ng loob.
"Tulad mo may mga napadpad din sa pinagmulan kong Isla. Hindi ko lang alam kung saan o anong Isla sila nanggaling. Hindi rin kasi Ako masyadong nakikipag-usap sa kanila. Pero ayon dati sa isa, tumakas lang daw sila noon sa Isla nang abutan sila ng bagyo sa dagat. Kaya sila napadpad sa Isla namin." bungad na kuwento ni Manuel kay Banjo.
"Malakas ang kutob ko na mga kasamahan ko nga sila dati. Sana maayos lang sila ngayon. Ikaw paano ka ba talaga napadpad dito? Ano ang dahilan bakit ka nila dinukot?" tugon na tanong ni Banjo.
"Iyon ang hindi ko alam. Hanggang ngayon palaisipan para sa akin kung bakit nandito ako." sagot pa ni Manuel.
"Sabi mo minsan ka na pumupunta noon sa Santuwaryo. Ano ang ginagawa mo doon? Ang alam ko mga bihag lang ang tanging naroon sa pasilidad na dinudukot upang gawing libangan at laruan ng Black Pearl." ayon pa kay Banjo.
"Nakakahiya mang aminin, ngunit Isa Ako sa mga naging parausan ng mga guwardiya doon. Kapalit ng proteksiyon mula sa kanila. Noong una, labag sa loob ko dahil sa ideyang makikipagtalik ka sa kapwa mo lalake. Ngunit sa katagalan, nasanay na Ako hanggang sa nagustuhan ko na ang ginagawa ko." Kuwento pa ni Manuel.
"Lahat ba kayo sa Isla, parausan ng mga taga Santuwaryo?"
"Iyong iba. Pero karamihan sa Isla sinasabak sa torneyo. Kaya nga iilan na lang nakakabalik sa Isla. Ikaw paano ka napunta sa Santuwaryo?" sagot ni Manuel.
"Isa ako sa mga tauhan ng Black Pearl. Trabaho ko ang mag hanap ng mga grupo na puweding gamitin para sa isang palabas. Mga inosenteng grupo na magiging bahagi ng isang madugong laro na pinapatakbo ng BlackPearl. At iyon ang Isa mga pinagsisihan ko.Dahil sa akin nagpahamak ang mga kaibigan ko." Ang nanlolomong kuwento ni Banjo.
"Ipinagkalolo mo ang mga kaibigan mo? Sa Anong dahilan? Sa pera?" usisang tanong pa ni Manuel kay Banjo.
"Hawak nila ang buhay ng pamilya ko, kaya Wala na Ako nagawa. Sinubukan kung maghanap ng iba. Akala ko lulubayan na nila Ang mga kaibigan ko. Ngunit nang minsan nag kayayaan kami na mag celebrate ng birthday namin sa isang Isla. Hindi ko alam na ang pagkakataon na iyon Ang gagamitin nila upang isakatuparan Ang balak nila sa amin. Sa simula, hindi ko napansin ang lahat. Hanggang sa may mga nangyari na. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan noon. Dahil Ang alam ko, ibang grupo Ang inalok ko sa kanila. Nagkahiwalay kami dahil doon. Hanggang sa nakabalik ako ng Santuwaryo. At doon ko nalaman na Isa din pala sa mga kaibigan namin Ang may pakana ng lahat." Dagdag pa ni Banjo sa kanyang kuwento.
"Sino? Isa ba sa mga kaibigan mo?"
"Dating kaibigan. Huli ko na nalaman ang lahat. Nakiusap ako sa pinuno ng BlackPearl na pakawalan ang dalawa sa mga kasama ko na dinala nila sa santuwaryo kahit na alam ko na malabo nang mapagbigyan ang pakiusap ko. Ngunit nabuhayan Ako ng loob nang makita ko doon ang dalawa pa sa mga kaibigan ko mula sa Isla. Ngunit tila natunugan nila na may binabalak Ako. Hiniwalay nila ako sa mga kasama ko at napunta Ako dito." Ayon pa sa kuwento ni Manuel.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...