Naayos na nga ni Claudio ang problema sa sakayan Nina Tony, at handa na ito mag layag ano mang Oras. Nagsimula na rin sila mag akyat doon ng mga kakailanganing bagay para sa kanilang misyon.
"Marunong naman siguro kayo gumamit ng baril?" tanong ni Claudio.
"Oo naman , nakakatama din naman kahit papano." tugon ni Nicolo.
"Ngunit hindi lang basta sa putok kayo maalam. Gamitin niyo Ang mga ito." itinapong ni Claudio sa buhangin ang mga patalim. Nagtaka ang dalawa.
"Ano ang gagawin namin dito?" tanong ni Tony.
"Pumili kayo sa mga iyan at sugurin niyo Ako gamit iyan. Siguraduhin niyong masusugatan niyo Ako. Tuturuan ko kayo kung paano dumepensa at lumaban gamit lamang Ang bilis at talas ng inyong mga mata. Kung nais niyong mailigtas Ang mga kaibigan niyo, kailangan bihasa kayo sa lahat ng laban." Sabi pa ni Claudio.
"seryuso ka? hindi ba puwedeng kahoy lang muna gagamitin natin, baka masugatan ka talaga namin." pag dadalawang isip pa ni Nicolo.
"Kung kaya niyo akong sugatan ibig sabihin mas magaling kayo sa akin. At mas mainam na mag practice ng totoo. Ngayon lusob." panghahamon pa ni Claudio.
Mula sa kanyang bangka, tanaw ni Manuel Ang ginagawa nila Tony at Nicolo kasama sina Claudio, nandoon din sina Amir at Tatang. Nakatutok lang ito sa kanila. Nang q ito nang di sinasadya. May nakita itong lalake na pinagmamasdan din sina Claudio. Ngunit nang makita nito na lumingon sa kanya si Manuel, nagmamadali itong umalis.
Hindi naman lahat ng naroon sa Isla ay araw-araw umalis at nag lalayag papuntang polo. May mga iilan din na naiiwan doon upang mag palakas , mag ensayo o di naman kaya nagpapagaling. At kapag wala namang naglayag sa kanila, tsaka lang sila puwersahang susunduin ng mga armadong kalalakihan para ibiyahe sa polo.
Hindi na ito pinansin pa ni Manuel. Naisipan nitong mag ikot-ikot sa Isla. Sakay ng maliit nitong bangka, tinungo nito ang likurang bahagi ng Isla. Mabato ang parte na iyon, kantelado ang tubig at malalakas ang hampas ng mga alon dito dahil nakaharap ito sa open sea. Matagal na sa Isla si Manuel ngunit hindi pa nito nasubukang mag layag sa parte na iyon ng Isla. At habang sinusuyod pa nito ang dagat, may nakita ito na mga bagay na palutang lutang sa may pangpang, malapit sa dalampasigan. Nilapitan iyon ni Manuel at nagimbal ito sa kanyang nakita. Mga bangkay ng tao ang mga nakita nitong lumulutang sa dagat. Sa tantiya ni Manuel mga bago pa lang Ang mga ito doon. Agad na bumalik si Manuel sa pinanggalingan nito.
Kabado naman sa mga Oras na iyon si Angel nang makita na patungo sa tower deck ang mga dumating na bisita ng polo kasama si Lester. Kinukutuban ito na baka pumasok Ang mga ito sa silid na naroon siya. Taranta ito habang nag iisip ng gagawin. Tinawagan nito si Benson, at may pinagawa siy dito.
Biglang nag alarm ang buong paligid at nawalan ng power supply ang buong pasilidad. Nagkagulo ang lahat ,maging ang mga bisita.
"Ano Ang nangyari? Ayusin niyo ito nakakahiya sa mga bisita." utos ng isang lalake na may mataas na posisyon sa polo sa kanyang mga tauhan.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...