Blocked

161 6 3
                                    

Nabahala na si Benson dahil hindi na nito makontak si Angel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nabahala na si Benson dahil hindi na nito makontak si Angel. Hindi na nag re- respond ang signal ng kaibigan. Narating na nito ang tinukoy na silid sa kanila ni Banjo bago pa sila iniwan nito.

Tahimik sa parteng iyon, walang mga bantay sa bahaging iyon. Bagay na ipinagtaka ni Benson dahil ayon kay Banjo at Angel hindi nawawalan ng tao sa bahaging iyon ng pasilidad.

Nagdadalawang isip ito kung tutuloy pa ba o hindi. Nang umilaw ang communication device na nasa wrist nito.

"Angel pare, nasa control room ka na ba? Nasa tapat na Ako ng power room. Angel...Pare?"  tanong pa ni Benson.

Ngunit walang Angel ang sumasagot sa kanya. Gayun pa man ,inakala nitong hudyat iyon ng kaibigan para tumuloy sa kanyang misyon. Gamit ang hawak nitong card key, binuksan nito ang pintuan ng silid. Pagkapasok ni Benson sa loob ,nagulat ito nang bigla na lang nagsara ang pinto. Nataranta si Benson, sinubukan nitong buksan muli ang pinto ngunit hindi na gumagana ang hawak nitong card key.

Kinutuban na ng hindi maganda si Benson. Hinanda nito ang sarili sa posibleng mangyari. Sinubukan nitong tawagan muli si Angel,ngunit hindi na gumagana ang suot nitong device.

Maya-maya pa may napansin na si Benson na usok na lumulukob sa paligid. Huli na nang isuot nito ang mask na dala, nakasinghot na ito ng usok.  Hanggang sa bumulagta na lang ito sa sahig at unti-unti na lang nawalan ng malay.

Pagbalik ng isla kung saan naroon sina Banjo, may isang bagay pa silang napansin na kakaiba sa isla na iyon.

"Ano kaya ang meron diyan? Ngayon ko lang ito napansin simula nang magising ako dito."  Ang sambit ni Manuel nang matagpuan nila ang isang banker na natatakpan ng mga halaman.

"Isa lang ang paraan para malaman natin kung para saan ito. Papasukin natin ang loob." Tugon ni Banjo.

"Paano, naka kandado, wala tayong pangbukas liban na lang kung sisirain ntin ito ng bala." Pansin pa ni Manuel.

"Hindi, huwag nating sayangin Ang mga bala natin dito.Humanap tayo ng puwedeng pambukas dito."  Saad ni Banjo.

Kung ano-ano na lang ang ginamit ng dalawa para masira lang ang kandado ng pintuan ng banker, ngunit subrang tibay nito. Napagod lang sila sa kakapukpok dito pero di manlang na uga ang lock.

Buko ng niyog ang naging hapunan ng dalawa. Doon na sila gumawa ng matutuligan sa tabi ng natagpuang banker.

"Hanggang kailangan kaya tayo dito?" Napabuntong hininga na tanong ni Manuel sa sarili.

"Hindi tayo makakaalis dito hanggat hindi pa nila tayo pinapakilos. Nakamasid lang sila sa atin at nakikinig sa mga bulungan natin." Tugon ni Banjo na nakasandal sa pintuan ng banker.

"Bakit hindi na lang natin sakayan ang palabas nila. Malay natin makakakuha tayo ng pagkakataon para makatakas dito?" Ayon pa kay Manuel.

"Akala mo ba ganun na lang iyon. Diba sabi mo sinasanay kayo dati sa isla kung paano lumaban? Lahat ng iyon paghahanda sa inyo para dito. Kung papalarin at makaligtas kayo, malas mo dahil walang takas ang lahat sa kalupitan ng BlackPearl." Sabi pa ni Banjo.

LANGOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon