Walang natulog ni isa man sa kanila dahil sa nangyari. Pinagtulungan nilang buohin ang mga balsa. Nahati sa dalawa ang grupo. Sina Amir at Migz, sumama naman sina Banjo at Nicolo kay Manuel. Magdamagan nilang pinagpuyatan ang pag gawa ng balsa. Kanya-kanya silang interpretasyon sa mensahe na pinarating sa kanila. Wala narin silang magagawa pa kung hindi ang sundin at gawin ang nais na ipagawa sa kanila ng kung sino mang nasa likod ng nararanasan nila. Ang nasa isip lang nila, ang malampasan ng buhay ang lahat ng makakaharap nila sa islang iyon.
Inabot na sila ng madaling araw, pero dilat parin ang lahat at abala parin sa pagbuo ng kanilang sakayan.
"Kakailanganin natin ng dagdag na kahoy para maging matibay itong gawa natin." mungkahi ni Amir kay Migz na seryosong nagtatalo ng mga kahoy sa balsa na kanilang ginagawa.
"Ako na ang bahala kumuha ng pandagdag, siguraduhin mo lang na mahigpit ang mga pagkakatali para hindi humiwalay sa isa't isa ang mga kahoy." tugon ni Migz.
"Sasamahan na kita para mas marami tayong makuha." sambit ni Amir
"Pati ba ikaw, nagdududa sa akin?" Tanong ni Migz.
"Hindi na mahalaga sa akin kung sino sa atin dito ang kakampi o hindi, kung sino ang nagsasabi ng kasinungalingan sa totoo.
Ang mahalaga ngayon sa akin ang mabuhay. Ayokong mabaon sa isla na ito na walang ginagawa. Kung mamalasin man, ang mahalaga lumalaban ako. " saad pa ni AmirTiwala naman ang dalawa na walang gagalaw sa kanilang balsa, kaya nagsama ang dalawa sa pag hanap ng kahoy kahit na may kadiliman pa sa paligid.
Napansin naman ni Banjo ang pananahimik ni Nicolo buong magdamag. Pinuna niya ito.
"Kung inaantok ka, maigi mag pahinga ka muna. Salitan na lang tayo. Mukhang pagod narin si Manuel." pansin ni Banjo, kay Nicolo
"Ayos lang ako pare, kaya pa ng mata ko. Kayo na magpahinga ni Nik, hihintayin ko na lang lumiwanag para paghanap ng makakain natin." sabat pa ni Manuel.
Umiling lang si Nicolo bilang tugon sa dalawa, at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Ramdam na ng mga talukap ng mata ni Banjo ang pagod at antok pero pilit niya itong nilalabanan. Ayaw niyang makatulog kahit isang segundo lang lalo na nang mapansin nitong wala ang dalawa sa kanilang lugar. Maging si Manuel, kahit ano'ng laban nito sa antok at pagod,dahil sa malamig na samyo ng hangin, tila dinuduyan na ito para matulog. Pero tulad ni Banjo, ayaw din pumikit ni Manuel kahit sandali lang.
Ngunit kahit ano'ng laban pa ang gawin ng dalawa, ginapi parin ang mga ito ng antok. Napansin na lang ni Nicolo na naka-tulog sina Manuel at Banjo. Matagal munang tinitigan ang dalawa bago ito tumayo at iniwan ang mga ito roon.
BINABASA MO ANG
LANGOY
RandomNang makatakas sina Angel, Benson, Nicolo at Tony isla Libogantes naging tanggulan naman nila ang isa pang isla. At sa tulong ni Amir pansamantalang naging maayos ang lahat. Ngunit lingid sa kanila ang kinikilalang tanggolan ay may kadikit ding kapa...