Game begin

148 5 0
                                    

Ito ang unang araw na nagkatagpo-tagpo ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ang unang araw na nagkatagpo-tagpo ang lahat.
Nang usisain ni Nicolo si Banjo tungkol sa kanila ni Angel at Benson, itinanggi nito na nakita niya ito doon sa polo. Maging ang nangyayari sa kanila ni Kurt at Cris, hindi iyon naikuwento ni Banjo.

May lungkot man na bumabalot sa tatlo dahil sa mga nangyari sa mga kasamahan. Ibang saya naman ang dulot kay Amir at Manuel nang makitang buhay si Migz. Naikuwento pa ng lalake kung paano ito nakaligtas sa isang bagyo matapos ito matagpuan ng mag asawa sa isang isla ng Palawan.

At gaya ng napagkasunduan ng lahat, walang maghihiwalay. Kaya nang gabing iyon magkakasama silang anim sa iisang lugar. Lahat kanya-kanyang bantay sa kilos ng bawat isa.

Habang nag sasalo-salo ang mga ito sa nahuli nilang isda,may nabanggit si Amir sa kanila tungkol sa nakita nitong yate na sandaling tumambay sa isla bago ito umalis.

"Wala akong nakitang tao na lumabas mula sa yate na iyon hanggang sa nakaalis ito. Ngunit alam ko na kinalaman ang mga iyon kung bakit tayo nandito. At kung ano man ang ginagawa nila dito sa isla, May hinala akong hindi iyon pabor sa atin."  ayon kay Amir.

Sumabat naman si Tony na tila pinagdududahan parin ang mga salita nito. "Talaga bang wala kang nakita? Di kaya may mga alam ka pero nili-lihim mo lang sa amin?" ani pa nito.

"Sinabi ko lang ang nakita ko, kung may mga pagdududa kayo, nasa sa inyo iyan. Malalaman din natin kung sino ang may nili-lihim sa ating sekreto dito." Tugon ni Amir na umismid at napadura na lang sa isang tabi, dahil sa pagiging sarkastiko ni Tony.

"Wala na tayong magagawa kung hindi ang magtulungan. Pagdudahan man natin ang isa't isa hindi rin ito makakatulong para maka-alis tayo dito.  Stick lang tayo sa plano. Walang hihiwalay,kung nasaan ang isa dapat nandoon ang lahat." Sabi naman ni Banjo, na kinukutuban din sa mga kinikilos ni Tony.

"Kahit na sa pagdumi? Pila-pila tayo?" natawang reaksiyon ni Tony.

"Kahit na, kung sino man ang humiwalay sa grupo, ibig sabihin, siya ang kasabwat." Sagot pa ni Nicolo.

"Ok fine, walang kakalas , maging sa pagtulog tabi-tabi tayo. " sabay tayo ni Tony , na agad namang tinanong ni Amir.

"Eh saan ka pupunta?"

"Dito lang, iihi. Kung gusto mo , ikaw na humawak ng titi ko para sure ka na hindi ako tatakas." Tugon ni Tony kay Amir.

Sinaway naman ito ni Nicolo, bago pa magkainitan ang dalawa.  Nilapitan din ni Migz si Amir at inilipat ito ng puwesto palayo kay Tony.

"Ganyan ba talaga ang ugali niyan? Noong unang kita namin nagkasapakan din kami ng gagong iyan. Pagbintangan ba akong kasabwat." Bulong ni Migz kay Amir na nakatingin ng matalim kay Tony.

"Hayaan mo na, di naman iyan ganyan noong unang kita ko sa kanila. Pero nang mapadpad kami dito, ako na ang pinag-iinitan niya na may kinalaman sa pangyayaring ito." sagot pa ni Amir.

LANGOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon