Chapter 2

4 1 0
                                    

Zhyn's pov.

Fast forward*

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm na agad ko namang pinatay ito.Bumangon nako para maghanda sa unang araw ko as a college student. Sabay nalang daw kaming tatlo nina avery at delia na pumasok at dadaanan nalang daw nila ako dito.Pagkatapos kong ihanda ang aking gamit ,Bumaba nako para kumain. Nakita ko si mommy na nag lilinis ng bahay at handa na din ang aming almusal.

May bumusinang sasakyan sa labas*

"Zhyn,Lets go" narinig ko ang boses ni Avery kaya napatayo nako at nag paalam kay mommy.

"Wow zhyn blooming mo ngayon ah" bati ni delia

"Agree, lagi naman talagang blooming yang si zhyn e. Kala mo'y walang problema sa buhay. Kaya patay na patay dyan si Crismon" sabat naman ni avery sabay tawa.

Nandito na kami sa may tapat ng school. Bumaba na kami at naglakad papunta sa aming room. Nagtingin tingin kami sa bawat room kung nasaan ang aming pangalan. So yun magkasama kami ni delia at napahiwalay naman samin si avery.

"Ohmygod guys mamimiss ko kayo"-avery

"B*b*ng to yan lang room mo oh,katabi lang" sagot ni delia.

Pumasok na kami sa aming mga room at umupo sempre magkatabi kami ni delia haha. Kakaunti pa naman ang tao dahil maaga pa naman .Mag 7:30 palang pero ang simula ng aming klase ay 8:00. Nag phone lang kami ng nagphone habang naghihintay ng iba naming studyante.

Ring!!ring!!

Tunog ng bell at maya maya pa'y pumasok na ang aming professor.

"Good Morning My College Student, I'm Professor Valdez. Now nagkakaroon tayo ng simpleng orientation para makilala natin ang isa't isa" -Sabi ng aming prof. At isa isa itong nagpatayo ng mga studyante para magpakilala. Mukhang matitino naman ang mga kaklse ko haha.

"Okay next" sabi nito at nakatingin sakin. Tumayo nako para magpakilala.

" Hello everyone, I'm Zhyn Gail Villa. I'm glad to meet you all,Thank you." Pagpapakilala ko at umupo .

"Okay thank you, next "-prof

Halos nag orientation lang kami sa buong oras namin. Automatic walang klase dahil first day palang naman. Maya maya pa'y tumunog na ulit ang bell. Lumabas na kami ni delia at pupuntahan namin si avery at kakain muna kami. Nagpunta kami sa may canteen at andaming tao kaya napagdesisyunan namin na lumabas nalang muna at dun kumain. Mga 1:30 pa naman siguro ang aming balik dun at wala din namang gaanong gagawin.

"Aray"-zhyn

"Sorry miss"Sabi ng lalaking nakabanggaan ko habang pinupulot ang mga gamit niya na nahulog dahil sa pagkabanggaan namin. Bigla naman itong umalis ,mukhang nagmamadali e.

"Sino yun?"-Avery

"Abay ewan ko, Diba pareho lang naman tayong baguhan dito"sabi ko

"Sa bagay,tara na nga"-Avery

Pumunta na kami sa restaurant sa tapat para dun kumain.Habang nag hihintay kami ng food narinig ko na may nag text sakin.

"Nak, wala ako sa bahay umalis ako at may kailngan lang akong asikasuhin. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi.Nakasarado ang bahay kaya kung pwede dun ka muna sa mga kaibigan mo at dun nalang kita susunduin" text ni mommy.

"Oy guys, Wala daw si mommy sa bahay e pwede bang senyo mona ako dumiretso?" Tanong ko

"Tara dun muna tayo kina delia" yaya ni avery

"Anong tayo? Bakit wala din ba tao sa inyo?" Banat ni delia sabay tawa.

Saktong dumating na ang aming food kaya kumain na kami. Nag kwento kwentuhan kami at total mahaba pa naman ang oras napag desisyunan namin na manood sa court ng basketball. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa campos at nag punta na nga kami sa court. Sh*t andaming tao pala dito no. Wala akong ibang naririnig kundi mga sigawan at pag checheer para sa kanilang mga pinapantasya haha. Habang nanonood kami nilibot libot ko ang aking mga mata. Kitang kita dito yung gubat na yun oh anlaki grabe at ang ganda.















*Tapos na yan kaya mag next chapter kana. Go go

Ava's StoryWhere stories live. Discover now