Chapter 7

1 1 0
                                    




Zhyn's pov.



Sinundan ko yung nakita ko kanina hangang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa parteng looban ng gubat. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil naalala ko ang kwento ni delia at lumalalim na din ang gabi. Hindi ko alam kung saan ang daan pauwi kaya tiningnan ko ang aking phone para kontakin sina delia ngunit walang signal sa loob ng gubat. Wala na akong ibang magawa kaya napagpasyahan ko na maglakad lakad muna at mag hanap ng pwedeng paglipasan ng gabi. Habang naglalakad ako nakaramdam ako na parang may tao sa paligid. Ngunit naisip ko pano magkakatao sa lugar na ito sa ganiting oras. Naisip ko na baka yun ang mga nilalang na nakatira dito.


Patagal ng patagal ay nararamdaman ko na andaming gumagalaw sa aking paligid kaya napagpasyahan ko na tumigil sa may ilalim na puno malapit sa Batuhan. Nang biglang may humatak sa akin papasok sa loob ng ng batuhan.Laking gulat ko nang makakita ang ng babaeng bampira.


"Anong ginagawa mo dito ha?"tanong nito sakin ngunit hindi ako nakapagsalita dahil sa hindi kapanipaniwalang sitwasyon ko



"Isa kabang tao ha?Anong ginagawa mo dito? May kasamahan ka ba?balak nyo bang palayasin kaming mga bampira dito?" Wika nito habang nanlilisik ang mata




"Ah eh pakiusap po wag nyo poko saktan, wala po akong balak na masama. Naligaw lang poko dito at hindi kona po alam kung paano bumalik" nauutal kong sagot




"Ibigsabihin tao ka? Kayong mga tao mga wala kayong puso binubulabog nyo ang aming pamumuhay dito kaya hindi kami maaawa sa inyo" sagot nito ng bigla akong kagatin sa parteng leeg . Akala ko katapusan ko na ng biglang parang iba ang naging reaksyon nito.


"Akala ko ba tao ka? Bakit ganon ang iyong dugo?" Sabi nito. Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi

"Pinaglululuko mo bako?" Dagdag nito


"Hindi po tao po talaga ako" sagot ko

"Kung tao ka bakit parang may kakaiba sa iyong dugo?" Tanong nito



"Dumito muna at maraming nagkalat na bampira sa labas baka mapaano ka dun ngayong di ko alam kung ano ka ba talaga" sabi nito. Napaisip naman ako kung bakit ganon.



Ngunit iniisip ko pa din sina mommy panigurado nag aalala na sila sakin. Nalowbat na din ang phone ko .Wala na akong ibang magagawa kundi ang magpalipas ng gabi dito.

Ava's StoryWhere stories live. Discover now