Chapter 4

1 1 0
                                    


Zhyn's pov.

Bumangon nako para maggayak sa pagpasok ko. Gaya ng dating gawi inayos kona ang higaan ko at naligo. Habang naliligo ako napansin ko na may tatlong linya ako sa aking may batok . Dati palang napapansin kona to pero nacucurious ako kung ano kaya ito. Piklat siguro to simula bata ako. Never ko pa itong natanong kay mommy at papa dahil nakakalimutan ko haha. Ang astig lang ng kanyang pagka peklat if ever na peklat to para syang kalmos. Pagtapos ko maligo at magbihis bumaba na ako para kumain. Umupo na ako at kumain. Nakita ko si papa kakalabas lang ng kwarto at dumeritso siya sa cr .


" Ay mhie look oh ang astig ng peklat ko dito parang kalmos" sabi ko kay mommy habang ipinapakita ko sa kanya ito. Dumating naman si papa at tiningnan ito.



"Oo nga no para syang kalmos" sabi naman ni mommy



" Peklat na siguro yan simula bata,Dati palang nakita na namin yan sayo e"- papa

"Ay sya kumain na tayo at baka malate kapa sa school mo" sabi naman ni mommy.


Kumain na kami at pagtapos lumabas na ako para abangan sina avery at delia.Nagpaalam nako kina mommy na umalis para abangan sina delia. Habang nag aabang bigla kong naalala na naiwan ko ang aking baon kaya bumalik ako sa bahay para kunin.


"Hon, Anong gagawin natin pag dumating yung araw na malaman nya-" narinig ko habang papasok ako

"Ah eh nak kala namin nakaalis kana?" Nauutal na sabi ni mommy




" Naiwan ko po kasi ang baon ko e" sagot ko at kinuha ang baon ko at maya maya pa'y narinig ko sina delia kaya umalis na ako.



Hangang sa nakasakay ako iniisip ko pa rin yung narinig ko. Malaman ang alin?May hindi ba ako alam? Napaka seryoso naman ata ng usapan nila.
May tinatago ba sila sakin? Kung meron ano yun?


"Oy zhyn, baka gusto mo ng bumaba " narinig ko muna kay avery. Kaya bumaba na ako at wala pa din ako sa sarili dahil dun.



" Ano ba yang iniisip mo zhyn? Parang napakalalim naman nyan." Sabi naman ni delia.


" Lam nyo maaga pa naman kaya tambay muna tayo dito sa may umbrella at sabihin mo samin yang iniisip mo"- Avery

Pumunta na kami sa may malapit na umbrella at umupo.


"So ano na nga yun zhyn?" Tanong ni delia

" Eh kasi guys kanina nakalimutan ko kasi baon ko tapos nong kukunin kona may narinig akong pinag uusapan nina mommy. Napaka seryoso ng usapan nila e parang may tinatago sila sakin kasi narinig ko sabi ni mommy ano daw gagawin nila pag dumating yung araw na malaman ko"- zhyn


" Ang alin?"- Avery


" Yun na nga ang iniisip ko e kung ano yun" Sabi ko



" Baka naman kasi may surprise sayo para sa birthday mo, ikaw naman kung ano ano naman agad iniisip mo"- delia



" Ay oo nga zhyn, malay mo diba wag kana mag overthink dyan"-Avery




"Sya tara na pasok na tayo malapit na mag time at ikaw zhyn wag mona pakaisipin yun okay"- Delia


Naglakad na kami papunta sa aming room.Umupo na ako at maya maya pa'y nag simula na ang klase.















*Tapos na yan mag next chapter kana. Go go

Ava's StoryWhere stories live. Discover now