Chapter 14

4 1 2
                                    


Ava's pov.

Nandito ako sa labas ngayon para magpahangin. May araw pa naman kaya hindi pa naman siguro delikado. Hindi ko pa uli nakikita si henzel na gala dito gantong oras kasi siya napunta dito. Baka may mga iniintindi lang sa kanilang tirahan.


Malapit nang bumaba ang araw kaya pumasok na ako sa loob. Nagpahinga na ako para makapaghanda ako para bukas. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halong kaba at excitement ang aking nararamdaman. Ngunit hindi ko pa din maiwasang hindi alalahanin sina mommy lalo na't bukas na ang aking kaarawan.




Kinabukasan......



Mamayang gabi daw ang aming punta kina ama't ina. Kaya lumabas muna ako at baka kasaling makita ko si henzel. Sa tagal kong nag iintay sa labas walang henzel akong nakita. Nakakapanibago lang, hindi kaya may nangyaring masama sa kanya? Nakuh wag naman sana. Napaka bait ni henzel. Sa haba ng oras akong nag hihintay hangang sa lumalim nanaman ang gabi walang henzel na dumating.


"Ava tara na baka maabutan pa tayo ng mga kalabang bampira" sabi naman ni tiya lucia. Umalis na kami hangang sa makarating kami sa isang magandang palasyo na yari sa bato. Ito na ata ang aking ama't ina. Nang kami'y makalapit




"Oh lucia anong iyong ginagawa dito?" Tanong ni ama



"Aming hari't reyna, nandito ako sa inyong harapan para dumulog sa inyo. Gusto ko sa inyong ipakilala ang inyong matagal ng nawawalang anak na si ava" sabi ni tiya lucia


" Ha?ano to lucia? Ang aming anak ay namatay dahil sa sunog ano ang iyong pinagsasasabi" sabi ni ina



"Hindi namatay sa sunog ang inyong anak. Nong pinanganak nyo siya nong panahong nagkagulo dito niligtas ko siya. Nilayo ko siya dito, dinala ko siya sa mundo ng mga tao at binigyan ng kapangyarihang mamuhay biglang tao. Nilagyan ko siya ng palatandaan sa likod at iyo siya ngayon" paliwanag ni tiya at kita ko sa mukha ng aking ama't ina na nangingiyak ngiyak at hindi makapaniwala


"Antagal naming nagdusa sa pagkawala mo aking anak" -reyna. Walang ibang nagawa kundi ang yumakap. Hindi kona din mapigilan ang pagiging emosyonal kaya naiyak na din ako.

Ava's StoryWhere stories live. Discover now