Chapter 10

1 1 0
                                    

Zhyn's pov.

"Yang nasa iyong likuran, isa yang palatandaan. Ikaw ang anak ng hari at reyna ng mga bampira" wika nito na nakapagpagulat sakin

"Ha? Ano po? Naguguluhan ako" sabi ko

"Ikaw ang bata na aking iniwan sa tabi ng gubatang ito. Tawagin mo akong tiya lucia. Nong gabing pinasok ng mga tao ang gubat na ito para sunugin at ubusin ang lahi ng mga bampira. Iyon din ang gabing ipinanganak ka . Ako ang nagpaanak sa iyong inang reyna at ako ang nagbigay sau ng palatandaan na yan. Ako ang nagbigay sau ng kapangyarihan upang mamuhay biglang tao ng normal. Ganitong panahon yun at nakatakda na mawala ang bisa nito" pagpapaliwanag niya

"Hindi po, d po yan totoo. Aalis na po ako salamat nalang po" sabi ko ng bigla nyakong hinawakan

"Iha, Hindi ka pwedeng umalis . Ikaw nalang ang pag asa naming mga mahihinang bampira para maisaayos ang aming pamumuhay. Umupo ka at ipapaliwanag ko sayong lahat" sabi nito at umupo kami

"Ang ibinigay ng iyong ina at ama na pangalan ba ay Ava,Nong gabing ipapanganak ka yun na siguro ang pinakamasayang gabi ng iyong ama ngunit yun na pala yung huli. Pagtapos mangyare ng kaguluhan nong gabi na yun ni hindi ka man lang nahawakan ng iyong ama't ina. Nong hinahanap ka ng iyong mga ama't ina inakala nila na namatay ka dahil sa sunog na nangyari. Napuno ng galit ang pamumuno ng iyong ama. Lahat ng lahi ng bampira ay naglaban laban dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng iyong ama dahil sa kasawian sa iyo. Tanging ang iyong ina ang nagtaguyod sa pamumuno sa mga bampira. Siya ang nag ayos at nagpaganda sa gubatan na ito sa kabila ng kanyang pandadalamhati. Kaya ngayon kailngan ka ng buong lahi ng bampira. Kailngan kitang dalhin sa kanila."paliwanag nito sakin. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari pero naguguluhan pa din ako. Hindi kaya ito ang sinasabi nina mommy na dadating yung araw na malalaman ko?

"Kailan ho ba ninyo ako dadalhin sa kanila?" Tanong ko

"Kapag nawala na ang bisa ng kapangyarihan na binigay ko sayo biglang tao. Dahil kapag mayroon kapang halong tao ay magduda sila sayo. Kaya kailngan muna nating hintayin nawala ang bisa nito" sagot niya.

Kung yun lang ang solusyon para sa ikakaayos ng lahi ng mga bampira ,gagawin ko. Gusto ko din makilala ang mga tunay kung magulang. Ngunit nag aalala pa din ako kina mommy. Panigurado nag aalala na ang mga ito sakin.

" Pwede po bang bumalik muna ako sa aking mga magulang sa labas? Panigurado po nag aalala na po sila sakin" wika ko

" Hindi, hindi maaari baka lalong lumala ang sitwasyon at baka may makaalam nanaman na mga tao at tangkain nanamang sunugin ang aming tirahan" sagot nito

Ava's StoryWhere stories live. Discover now