Chapter 11

1 1 0
                                    

Zhyn's pov.


Lumabas muna ako sa batuhan para mag isip. Hindi naman daw delikado para sakin pag gantong may araw hindi lang dahil sa tao pa din ako pero dahil na din walang gaanong nagagala dito sa umaga pero wag daw ako magpapakalayo para pag may mangyare man ay maiiligtas niya ako. Nilagyan din nya ako ng proteksyon para hindi maamoy na may halong tao.Umupo lang ako dito sa may puno at nag masid masid . Iniisip ko pa din sina mommy panigurado nag aalala na sakin yun ng sobra. Hindi ko naman sila macontact dahil walang signal dito atsaka nalobat pa ang phone ko. Wala akong magagawa kundi magtiis muna. Kailngan at gusto ko din makita ang tunay kong mga magulang kaya pinili kona din to. Habang naiisip isip mayroon akong napansin na gumagalaw sa paligid. Tumayo ako at baka kung ano ito. Maya maya pa'y may bumagsak mula sa puno na hindi naman kalayuan sa aking kinatatayuan. Nilapitan ko ito at tiningnan, Isang lalaking bampira ata to ah. Puro dugo ang tagiliran nito at may saksak ng sanga. Hindi niya ito maalis kaya tinulungan ko itong alisin. Pagkaalis nito bigla nalang nawala ang pagkasugat nito.

" Sino ka? bago ka ata dito ah?" Tanong naman nito.  Umalis na ako para bumalik sa aking kinatatayuan kanina. Hindi niya pwedeng malaman kung sino talaga ako.

" Sino ka?Ngayon lang kita nakita dito ah" tanong nito

"Ha, ah eh hindi ,hindi lang sadya ako nag lalalabas" sagot ko at mukhang naniwala naman ito

"Henzel nga pala" sabi nito at ngumiti lang ako.




"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya at naalala ko ang sabi nong babaeng tinutuluyan ko ngayon na Ava daw ang pangalan na binigay sakin ng aking mga magulang.

"Ah eh , Ako si ava" sagot ko



"Ah ganda ng pangalan mo ah, kasing ganda ng iyong itsura" wika nito



"Taga dito kaba?" Tanong niya


"Ah oo, bakit?" Sagot ko


"So isa ka din sa apektado sa mga pinaggagawa ng aking ama?" Tanong niya


"Ha,Saan?" Wika ko



"Halatang hindi ka gaanong nag lalalabas sa tirahan nyo no, yung ama ko kasi ay kalaban ng hari ninyo. Hindi ko alam kung bakit sila naging magkaaway pero ang alam ko ay dati silang magkaibigan na ngayon ay magkaaway na. Ang aming nasasakupan at ang nasasakupan ng inyong hari ay magkalaban at inuubos nila ang meyembro ng magkabilang partido pero wag kang mag alala hindi kita sasaktan lalo na't babaeng bampira ka" paliwanag nito

"Ava" narinig ko mula kay tiya lucia kaya umalis na ako nag nagtungo sa looban














Sa mga next chapter gagamitin ko nang name kay zhyn ay ava haha

Ava's StoryWhere stories live. Discover now