Chapter 15

1 1 2
                                    

Ava's pov.


Agad akong pinakilala nina ama't ina sa iba pang mga bampira. Marami ang nagulat sa kanilang mga nalaman. Nagkaroon ng kasiyahan ang buong palasyo. Ako naman ay nilibot ang buong palasyo . Napaka ganda ng palasyo na to, parang nakikita ko lang to sa mga pinanonood ko tapos ngayon nakikita kona personal. Sa sobrang tagal ng kasiyahan ay nakaramdam ako ng pagod kaya nagpahinga muna ako.

Kinabukasan..........

Nakita ko si ina sa loob ng aking kwarto at hinahawak hawakan ang aking mukha.

"Nagising ba kita anak?" Tanong nito

"Hindi naman po ina" sagot ko. Napansin ko na wala si ama

" Asan po si ama?" Tanong ko

" Mayroon siyang kailngang intindihin e" sagot nito

"Pwede po ba natin siyang puntahan?Gusto ko pong makita siya" wika ko

"Nakuh anak mabuti pang intayin mo siya dito"-ina

"Sige na ina" sabi ko at pumayag naman siya.

Nagpunta kami kung saan nandun si ama. Andaming bampira ang nanduon at mayroong malaking apoy silang nakahanda.

"Ina ano pong meron?"tanong ko

"Susunugin nila ang bampira na kalaban na nakita nila " sabi ni ina. Laking gulat ko ng ilabas ang bampirang iyon.

"Henzel?" Sigaw ko at tumakbo ako papunta malapit kay henzel

"Ava, umalis ka dyan. Ang isang yan ay kalaban" narinig ko mula kay ama

"Ama,ina wag nyo po siyang patayin. Parang awa nyo na." Pagmamakaawa kong sabi

"Kalaban natin siya anak" wika nito

"Hindi ama, niligtas nyako sa kanyang mga kasamahan na balak akong patayin. Opo kasama siya ng mga kalaban pero hindi po siya kalaban. Atsaka isa pa mahal ko siya, Kaya pakiusap pakawalan nyona po sya" pagmamakaawa ko at binitawan nila ito

Ava's StoryWhere stories live. Discover now