Last Chapter

2 1 1
                                    


Author pov.


Nang pakawalan ng hari si henzel , agad siyang nagpaalam si ava para mag usap sila ni henzel. Umalis sila sa palasyo at nagpunta sa dating pinupuntahan ni henzel na paborito nitong lugar.




"Ah eh, Alam mo ava hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko e pero salamat ha kundi dahil sayo baka hindi na kita muli nakita" pagpapasalamat ni henzel kay ava



"Ano ka ba ayos lang yun kundi din naman dahil sayo e baka pinatay na ako ng mga kasamahan mo e"sagot ko





"Pero hindi ako makapaniwala na anak ka pala ng hari at reyna,ikaw pala ang nawala nilang anak. Akala ng lahat habang buhay nang pamumunuan ng hindi maganda ng iyong ama ang mga bampira"-henzel



"Alam mo hangang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyare. Namimiss ko din yung pamilya ko sa mundo ng mga tao at ngayon hindi ko alam kung pano ko sila makikita" wika naman ni ava



"Gusto mo ba silang makita?tara sasamahan kita"sabi henzel

"Talaga?"gulat sa tuwa na sabi ni ava




"Oo pero malayo lang dapat tayo sa kanila at hindi ka nila pwedeng makita" paalala naman ni henzel

Bago sumapit ang gabi ay nagpunta sila sa tapat ng bintana ng bahay nina ava sa mundo ng mga tao. Nakita nila ang mommy ni ava na nasa kwarto kasama ng papa nito na umiiyak dahil sa pangungulila nila kay zhyn na ngayon ay si ava na. Walang ibang magawa si ava kundi tingnan lang ang mga ito.


"Ava ,tara na" wika ni henzel at umalis na sila pabalik sa loob ng gubat. Nagmadali silang pumunta sa pagboritong lugar ni henzel para duon magpalipas dahil may mga bampira na gumagala sa labas. Habang si ava naman ay nalulungkot pa din dahil sa lalo niyang namiss ang kanyang mga magulang sa mundo ng mga tao. Walang ibang magawa si henzel kundi ang yakapin si ava.





"Alam mo kahit malungkot ka ,ang ganda mo pa din" sabi naman ni henzel




"Nambola pa" wika naman ni ava



" Hindi ah, Ganyang ganyang ganda ang gusto kong mapangasawa e" banat ni henzel kaya napangiti si ava



"Oh diba napangiti kita, Naalala ko yung sinabi mo kanina sa harap ng mga bampira at ng hari't reyna. Totoo bang mahal moko?" Wika ni henzel at tumango naman si ava napangiti si henzel at atsaka sinabing.......




"Mahal din kita ava"-henzel










The end................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ava's StoryWhere stories live. Discover now