PANG-APAT

199 10 3
                                    

PANG-APAT na beses na ata akong napanguso dahil sa tampo.

Marami talagang naging biktima ng maling akala at naging isa ako sa kanila. Ang assuming at ang delulu ko na ba kung umasa akong may ibig sabihin ang mga ginagawa niya sa akin. Lalo pa akong umasa nang gatungan ito ng mga kaibigan namin. Sa huli ay nasaktan lang ako sa katotohanang ganoon rin siya sa iba.

He is too caring for my own good.

Ilan rin siguro 'yan sa mga dahilan kung bakit maraming babae pa rin ang nagkakagusto sa kaniya kahit na bakla siya. Kaya minsan hindi ko maiwasang hindi tablan ng selos e.

I guess I am not an exception.

Natapos naman namin iyong performance namin ng walang mali. Nagbunga rin ang aming madugong pag-eensayo. Ang lupit kung magturo ni Shery, hindi kami matatapos kapag hindi namin natama ang sayaw. Hindi naman na kami naging awkward ni Ivan sa isa't isa. Parang ako lang naman talaga ang nakakaramdam nun kasi binibigyan ko ng malisya ang sa amin, siya kasi hindi.

Kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. He can express himself with me freely na. Nalalabas na niya kung gaano siya ka bibo at masayahin. Pero kapag may iba kaming kasama bukod sa friend group namin ay tahimik lang siya. We know each other well now and we will be knowing each other through the years.

"Yuri, you want my ulam?" Alok sa akin ni Barbie.

"Nope, Yuri. You can't eat that." Saway sa akin ni Ivan.

He even knows what foods I will eat and not eat. But he doesn't know that I have feelings for him. Saklap.

"How I wish I can eat all the foods in the world." Ani ko habang tinitignan si Barbie na kinakain ang ulam niyang shrimp.

"Gurl, you can eat that naman kaso nga lang mamatay ka after." Ani naman ni Cristiano kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy ba't ka galit? Relate ka ba? Hindi kaya." Pang-aakusa ni Cristiano kay Ivan. Hindi ko naman alam na tinignan niya rin pala ng masama si Cristiano.

"Ayiee. You hate the mere idea of Yuri dying because of eating the food she's allergic with? Takot ka bang mawala siya sa buhay mo?" Ani naman ngayon ni Prince na naka ngisi, nang-aasar siya. Napakunot naman ang noo ni Ivan sa mga sinasabi ng dalawa. Hindi ako nagsalita kasi gusto ko ring malaman kung ano ang isasagot niya.

"Of course." He said surely while looking seriously at our friends. He then glances at me before saying another statement.

"I will hate the idea of Yuri dying because she's one of my best friends." Of course, that would be his reason. I'm not disappointed of his statement, I am disappointed of myself. Why am I expecting more of him? This situation will wreck me for sure. I looked away because I can't meet him in the eyes. He might see how pathetic I am.

"Why wouldn't I be afraid when she loves me for who I am? I cherish her." Tinignan ko naman siya ulit bago ako ngumiti sa kaniya. I didn't expect that he would say that.

"She has a special spot in my heart just like you guys." Pagpapatuloy niya kaya nag-iwas na ako ng tingin at naka ngiting nagpatuloy na lang sa pagkain ko.

Why does he have to continue saying that? Oo, special ako para sa kaniya pero ganoon din siya sa iba. I must remind myself that I don't have the right to be jealous. I just like him and thats it. Hindi dapat ako mag-expect ng kahit ano.

Ako lang ba ang may gusto sa isang bakla at sa kaibigan ko pa?

I somehow seek sympathy. Kailangan ko ng karamay sa karanasang dinadanas ko. I'm sure hindi lang ako ang nanghihinayang sa mga gwapong lalaki na turns out na bakla pala. Sigurado rin akong hindi lang ako ang tanging tao sa mundo na may gusto sa kaniyang kaibigan. Dahil hilig ko ang pagbabasa nais kung magbasa ng mga kwento na may parehas na sitwasyon sa akin.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na laging nagbabasa ng mga gayxgirl stories sa Wattpad. Iba talaga ang hatid na damdamin kapag nagbabasa ka. I like it every time I feel my heart twitch for pain and feel butterflies in my stomach.

"Yuri, what are you reading?" Alam na kong si Ivan iyon. Sa boses at amoy pa lang, alam ko nang malapit siya sa akin.

"Secret." Mapaglarong ani ko sa kaniya.

Ayokong malaman niyang nagbabasa ako ng gayxgirl stories baka kasi mabuking niya ako. That's the last thing I want to happen between the two of us. I don't want to ruin our friendship knowing that we will not be lovers at the end.

"Nge may tinatago ka sa'kin nuh?" Naka ngising ani niya habang naka taas pa ang kilay. Pinagkrus pa niya ang mga braso niya.

"Sus ngayon mo lang alam? Tagal na niyang may tinatago sa'yo bes." Ani naman ni Marie kaya sinita ko siya. Napatawa naman ang iba naming kaibigan.

Tumabingi naman ang ulo ni Ivan nang tignan ko siya.

"Just don't mind them. You don't wanna know about it naman." Winasiwas ko pa ang kamay ko para bigyan-diin na ayaw kung sabihin sa kaniya iyon. Napakunot naman ang noo niya ngayon.

"Bakit hindi mo na lang sabihin? Baka gusto kung malaman ang tinatago mo." Lumapit naman siya kaya lumayo ako sa kaniya.

"No, Ivan. Huwag kang macurious, it's not that important."

"Hindi daw important." Rinig ko namang ani ni Shery kaya mas lalong nais malaman ni Ivan ang tinatago ko. Lumapit kasi siya sa akin pero nagtago ako sa likod ni Gabriel na napadaan lang.

"Hey, what's happening?" Nagugulat na ani ni Gabriel kaya sasagutin ko na sana siya ngunit sumabat si Cristiano.

"Nagtataguan sila ni Ivan." Makahulugang sabi ni Cristiano na may mapang-asar na ngisi sa labi niya.

"Yuri! Come here!" Bulyaw ni Ivan, ubos na ata ang pasensya niya sa akin. Pero hindi pa rin ako nadala kasi nagtago pa rin ako sa likod ni Gabriel. Sumabay naman si Gabriel sa trip ko kaya napangiti ako sa kaniya.

I didn't know that Gabriel has this cute smile.

"Are you for real? Edi don't." Sumuko na rin siya sawakas. Tumalikod na kasi siya kaya lumabas na ako sa pagtatago sa likod ni Gabriel.

"Thanks sa pagsakay sa tri-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang hilahin ako ng kung sino.

"Now that we're all alone, why don't you tell me your secret." Natameme naman ako sa harapan niya kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Ilang beses kaya akong magpapanggap sa harap niya.

Ilang beses kaya akong iiwas sa pagtatanong niya tungkol sa sekreto ko.

Ilang beses kaya akong magsisinungaling sa kaniya.

At ilang beses pa kaya akong luluha ng dahil sa kaniya.







































• • •
sh_incognito

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon