PANLABING-ANIM

143 10 3
                                    

IKALABING-ANIM na kaming tumigil sa paglalakad dahil sa pagod. Paano ba naman ay napagdesisyunan ng lahat na magcamping. Nagkayayaan ang lahat lalo pa't wala naman kaming ginagawa sa apartment kung hindi ay mahiga o di kaya ay manood ng pelikula. Mainit rin ang panahon kaya minsan nagrereklamo na ang ilan sa amin na kailan kami gagala pero walang nagkukusa. Pero lage ko silang sinasaway na hindi pa muna pwede kasi abala pa sina Barbie, Prince, at Shery sa kanilang Finals. Kaya nang matapos sila ay napag-usapan ng lahat na umakyat ng bundok at doon magcamping.

"Maling desisyon na sumang-ayon ako sa usapan niyo. Akala ko ba camping lang e ba't may paakyat-akyat pa ng bundok." Reklamo ni William na kanina pa naging rason sa paulit-ulit naming paghinto. Kanina pa siya reklamo nang reklamo kung bakit pa kami aakyat ng bundok kung pwede naman daw sa patag na lupa kami magcamping. Mabuti na lang ay paulit-ulit din siyang sinasabihan ni Ivan na gusto naming makita ang paglubog at pagsikat ng araw mula sa bundok pero hindi niya ata iyon maintindihan.

Mas napapagod ako sa kakakuda niya kaysa sa mismong paglalakad namin. May nagsasabi sa aking mauna na kami sa kanila pero hindi ko iyon sinabi kasi mas mabuti kung sabay-sabay kaming makakarating sa paroroonan namin. Mahirap na at baka magkahiwalay kami.

"Malapit naman na tayo kaya gomora na lang tayo so we can finally rest. Hindi lang naman ikaw ang haggardo versoza, kami rin." Hirit naman ni Cristiano na hindi sinangayunan ng lahat lalo na si Prince at Barbie.

"What do you mean haggard?! Where?! 'Cause I can't see it." Ani ni Barbie habang tinitignan ang sarili sa kaniyang maliit na salamin. Ang kapal talaga ng mukha nitong si Barbie. Pero hindi naman siya ganoon ka mali dahil sa totoo lang, maganda pa rin siya kahit na pinagpapawisan na siya.

"Pahiram muna, bwi." Inagaw ni Prince kay Barbie ang salamin at siya naman ngayon ang nananalamin.

"True, asan dito ang haggard. Parang wala naman." Aniya habang sinisipat ang sarili sa salimin. Well, may pagkatotoo naman kasi talagang gwapong bakla naman itong si Prince sadyang hindi namin matanggap ang pag-iinarte niya. Ang cringe niya kumpara kay Barbie na ang cute mag-inarte.

"Kaya pa?" Rinig kong ani ni Castro na laging nasa gilid ko o di kaya'y nasa unahan ko para alalayan ako sa pag-akyat. Naka upo kasi ako, kinuha ko na lang ang pagrereklamo ni William na pagkakataon para makapagpahinga. Tumango naman ako kay Castro bago ko siya sinagot mismo.

"Oo, kaya ko pa." Nginitian ko pa siya kaya ngumiti rin siya sa akin. Binigyan niya naman ako ng bottled mineral water na agad ko ring tinanggap.

"Naku, naku, dumadamoves na naman si papi Castro. Konting push na lang at mahuhulog din yan si Yuri sa'yo." Kinikilig na ani ni Cristiano na inikutan ko lang ng mata.

"Sheesh, acts of service pa naman ang love language na gusto niya sa magiging asawa niya. So, keep it up." Ani naman ngayon ni Marie na malaki ang ngiti. Porke't alam niya kung anong ganap namin ni Castro e sasakyan niya ng sobra. Grabe pa naman siya maka-arte't makapang-asar. Nagtawanan naman ang iba maliban kina Ivan at William.

"Asawa agad? Hindi pwedeng jowa muna?" Hindi ko inaasahang sasabat si Ivan sa usapan kaya napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Nakita ko pa kung paano ngumiti sina Castro at Marie ng nakakaloko.

"E 'don naman talaga mapupunta iyon." Sabi pa ni Castro na bakas pa rin ang ngiti sa labi. Pinagmasdan ko naman ang naging reaksyon ni Ivan. Napangiwi ito at hinila si William para mauna nang maglakad. Nang makalayo sila ng kaunti ay natawa si Castro at Marie na kwenistyon ng ibang natira.

"Mamaya ko na e chichika." Ani naman ni Marie sa katabi niyang si Cristiano na usisero. Magsasalita na sana si bakla para kumontra pero nagmadaling naglakad si Marie para sumunod kina Ivan at William kaya wala siyang naging choice kondi tumahimik at sundan ang babae.

"May hindi ka pala sinasabi sa amin ha. Mamaya ka lang." Ani naman ni Shery bago ito naglakad para sumunod kina Marie. Sumunod naman sa kaniya si Gabriel na nang-aasar pa.

"Patay ka." Ani nito habang iniwasiwas ang kaniyang hintuturo. Nginitian ko naman siya na para bang natutuwa ako sa pang-aasar niya kahit hindi naman talaga.

"I think I already had an idea what's it's all about." Makahulugang ani ni Barbie bago siya sumunod kina Shery at Gabriel.

"Huh? Weh? Chika mo sakin while we're walking." Ani naman ni Prince na sinundan agad si Barbie para malaman kung ano ang nasa isip ng babae. Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila.

"I think it's working. Nakita mo ba ang reaksyon niya. He looked so pissed." Ani naman ni Castro bago niya nilahad ang kamay niya para alalayan ako sa pagtayo na agad ko namang tinanggap.

"You think so? Parang hindi naman. Ang saya-saya nga niya kanina habang naglalakad sila ni William. Parang wala namang nangyayari ayon sa mga sinasabi ninyo ni Marie." Dismayadong kong ani kay Castro na agad niyang itinanggi.

"Yuri, manhid ka ba?" Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako.

"Huh? Ang akin lang kasi, ayokong umasa. Ayokong magconlude ayon sa mga nakikita ko kasi minsan, iyong mga ipinapakita sa akin e hindi ko alam kung bilang kaibigan lang ba or higit pa. Aaminin ko minsan, napapaisip rin ako, hindi ko rin maiwasang hindi mag-assume lalo pa't may mga ikinikilos siya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pero in the end, iniisip ko rin kung ako lang ba ang nakakaramdam o di kaya ay binibigyan ko lang iyon ng malisya lalo pa't gusto ko siya. So tell me, Castro, what do you think should I feel? Or should I do?" Tinignan niya ako na ani mo ay naiintindihan ang mga sinabi ko.

"If he doesn't like me, why did he kiss me? Why does he have to push me away then end up pushing himself on me? Why is he making me think that he's jealous? Why does he have build my hopes up then lose it all again? Why?" Naiiyak kong sabi habang naka tingin kay Castro. Nararamdaman ko naman ang mainit na kamay niyang pinahid ang tumulong luha mula sa mata ko.

"Sana ako na lang ang nagugustuhan mo para hindi ako nasasaktan habang nakikita kang umiiyak."

"I'm sorry, Castro, I couldn't teach my heart to love you instead of Ivan. If I could, I would but unfortunately it's impossible for me to do in this moment." Pinupunasan niya naman ang mga luha ko habang sinasabi ko iyon.

"Don't worry, I'll try my best to make him jealous. Just like this."

"Yuri! Castro! Asan na kayo!" Rinig kong sigaw ni Ivan sa may kalayuan. Lilingunin ko na sana si Ivan kaso nagulat ako nang halikan ako ni Castro. Hindi pala halik kasi hinarang niya ang kaniyang hinlalaki sa pagitan ng aming mga labi.

"Castro! Yu-" Naputol ang pagsigaw ni Ivan marahil ay nakita niya na kami ni Castro.

Lumipas ang ilang minuto ay lumayo na si Castro sa akin. Nahihiya akong lumingon sa kung saan nanggagaling ang tinig ni Ivan kanina.

"He ran away." Pagkasabi ni Castro ay agad kung nilingon kung saan naroon si Ivan na ngayon ay naglalakad na ng mabagal. Sinalubong naman siya nila Cristiano. Agad naman tumingin sa amin sila Cristiano pero bakas ang pagtataka sa mga mukha nila.

Nang makalapit kami sa kanila ay pinaulanan kami ng sermon ni Shery. Pero natigil iyon nang magtanong si Marie kung ano ang nangyari. Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Castro.

"I kissed her."

Tinignan ko naman siya ng masama pero nawala iyon nang mapatingin ako kung saan siya naka tingin. Si Ivan, ang sama ng tingin niya kay Castro. Nagulat naman ako nang pinukol niya na sa akin ang tingin niya.

Why is he looking at me like that?


















• • •
sh_incognito

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon