PANSIYAM

161 7 1
                                    

SIYAM na tao na ang nag-alok na maisayaw ako ngayong gabi.

Kahit ilan katao pa ang humarap sa akin ngayon, hindi ako papayag na hindi si Ivan ang magiging unang sayaw ko. Kahit na hindi ako ang unang sayaw niya ay basta't siya lang ang unang sayaw ko ay masaya na ako. Pwede na akong umuwi pagkatapos. Pero wala ata silang planong tumigil sa pagsayaw ng nobyo niya.

"Hoy, pang-ilang kanta na 'yang dalawang 'yan? Hindi ba sila nawiwili kakasayaw?" Ani ni Cristiano habang hawak ang isang wine glass. Naka all white tuxedo siya pero hindi manly ang datingan. Kasi kita ang katawan ni bakla, see through kasi ito dahil sa mesh na design sa harap. Crop top rin ito kaya kita ang abs niya.

"Kahit ako na batak sa sayawan ay titigil rin paminsan-minsan kapag alam kung pagod na ako pero parang wala ata silang kapaguran sa katawan." Komento naman ni Shery na nasa tabi ko lang. Naka suot siya ng hapit sa katawan na itim na dress. Sleeveless ito at may design na fur sa magkabilang gilid ng dibdib nito.

"Ivan's weird lately. He gave a little to no attention to Yuri. Anyare sa inyo sis?" Komento ni Prince na inilingan ko na lang. Extra rin ang datingan ni bakla kasi naka croptop rin pero mas over ang kaniya kasi kita talaga iyong dibdib niya. Mabuti na lang ay may see through na pangloob ito kaya kahit papaano ay hindi gaano kita ang hinaharap niya. Long sleeve ito, puffy ang sleeves at pawave ang design. Naka maluwang na blue leather pants din siya so all in all, all blue ang outfit niya.

"My ship is sinking! Oh no!" Madramang ani naman ni Barbie. Tinignan ko naman siya, pansin mong para talaga siyang si Barbie. Ang ganda-ganda niya ngayon. Pink ang kaniyang gown at may sparkle ito kaya masasabi mo talagang para siyang nasa isang movie ng Barbie. Kahit na hindi blonde ang kaniyang buhok ay bawi naman ito sa awra niya.

"Ganiyan na talaga 'yan pag may jowa na iyong tao." Madamdaming ani naman ni Marie. She's wearing a long sleeve halter cocktail dress with flower choker. The sleeves have slits starting from the shoulder until above the elbow. It has a plunge neckline so her cleavage is visible.

"Itutuloy mo pa rin ba ang pag-amin mo?" Tanong naman ni Marie. Tinignan ko ulit si Ivan at ang nobyo niya.

"Paano ako makakaamin kung buong gabi na silang magkasama?" Binalingan ko naman si Marie ng tingin bago isa-isa ko silang tinignan. Siguro nga ay halata sa mukha ko ang lungkot dahil nakita ko rin silang sumimangot.

"He said he'd dance with me on the Senior's Ball but I guess he's a liar." Umiwas naman ako ng tingin sa kanila kasi nagbabadya ang luha kong tumulo.

"Sabi pa niya, una niya akong isasayaw." Tinignan ko siya na naka ngiti habang kasayaw ang kaniyang nobyo.

"I tried to ask him to be his partner for tonight but then I found out he already had a partner, which is his now boyfriend." Inalala ko naman kong paano naunsyami ang plano kong maging kapareha siya sa ball.

"Handang-handa na akong umamin sa kaniya pero parang pinipigilan ako ng tadhana."

Tumigil bigla ang kanta kaya nahinto sa pagsayaw ang mga pares na nasa gitna. Isa na roon sina Ivan at ang kaniyang nobyo. Lumingon-lingon si Ivan na ani mo ay may hinahanap. Tumigil ang mata niya sa aming direksyon. Nginitian niya kami at kumaway. Nagtagpo ang mga mata namin.

"I like you." I mouthed the words I wanted to say to him all this time.

He looked puzzled. His eyebrows furrowed as though he didn't get what I've said. I smiled at him before I broke our eye contact.

"Uuwi na ako." Anunsyo ko sa mga kasama ko sa table. Bumalik na rin ang pagtugtog ng mga kanta, mukhang nagkaproblema ata sa sound system kaya natigil kanina.

"Huh? Hindi mo pa nagawa ang plano mo, bakit uuwi ka na?" Naguguluhang ani ni Shery.

"Nagawa ko na."

Nakita ko naman ang pagkalito sa mga mukha nila.

"Ah, basta. I already did it. Uuwi na ako." Tumayo na ako't kinuha ang clutch bag ko sa mesa. Inayos ko muna ang gown ko bago ko inayos ang upuan ko.

"Sinong maghahatid sa'yo pauwi?"

"May sundo ako. 'Wag na kayong tumayo, dito na lang kayo. Enjoy your night." Beneso ko naman sila isa-isa.

Hindi pa rin mawala ang lito sa kanilang mukha gayundin ang pag-aalala. Nginitian ko na lang sila para ipakita na totoo ang nga sinabi ko. Hindi na naman na sila umangal pa kasi naglakad na rin ako papunta sa exit.

I did not dare to look at his direction. Ayaw kong makita kung anong naging reaksyon niya. At tsaka, sigurado ako na sumayaw na ulit sila ng boyfriend niya dahil naayos na ang sound system.

Am I expecting him to approach me after what I've said? Yes, I am.

Why am I expecting? I don't know, maybe because I hoped that he will.

Luminga pa ako pero walang Ivan ang nakita ko. Malungkot na kinuha ko ang cellphone ko sa clutch bag ko at dinial ang numero ni mama.

"Hello, langga."

"Ma, uuwi na ako. Papasundo sana ako."

"Langga, what happened? Nakaamin ka ba?" Ngumiti ako pero alam kung malungkot ako.

"Opo, Ma."

"Pero bakit ang lungkot ng boses mo anak?"

"May boyfriend na siya, Ma." Naluluhang ani ko.

"Sa tingin ko po, hindi niya ko gusto. Hindi na niya ako pinapansin. Kasama na niya lage ang boyfriend niya. Hindi na ako ang kasama niya kumain ng lunch. Sila na ang magkasama mag-aral. Kapag uwian, iba na ang kasama niya umuwi. Kanina nga, ilang kanta na ang lumipas pero magkasayaw pa rin sila. Tsaka sabi niya noon, ako ang iuuna niyang isasayaw pero hindi niya naman tinupad iyon. Sinungaling siya, Mama. Hindi ko na siya gusto. Akala ko hindi siya katulad ni Papa. Ayaw ko na sa kaniya, Mama. Uuwi na ako, Mama. Please."

"Okay, anak. On the way na si, Mama. Huwag ka nang umiyak. Tahan na anak." Rinig ko ang hikbi ni Mama sa kabilang linya kaya tumigil na ako sa pag-iyak.

"Mama, I'm sorry. Don't cry, please." I hate it when my mother cries because she have cried enough in her lifetime.

"Mm-hmm. I'll hang up the phone na, I'm driving."

"Okay, Mama. Be safe. I love you."

"I love you."





































• • •
sh_incognito

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon