PANGALAWA

287 14 6
                                    

PANGALAWANG beses na kaming nagkaroon ng pag-uusap.

Nangyari iyon nung araw na inanunsyo ng aming guro sa asignaturang MAPEH na magkakaroon ng sayawan kung saan ang mga babae at lalaki ay magpapareha.

Kinabahan ako dahil sa anunsyong iyon kasi hindi naman ako ganoon kagaling sumayaw. Mas lalo akong nabahala nang malaman na ipapareha kami sa mga lalaki. Hindi kasi ako komportable na makihalubilo sa mga lalaki.

Iilan lang sa mga kaklase kung lalaki ang komportable ako kasama; sila Ivan, Cristiano, at Prince lang. Mga bakla kasi kaya siguro ganoon. Hindi man nila aminin ay may pakiramdam na ako kung ano talaga sila.

Malayo ang inuupan nila mula sa akin kaya kailangan ko pang pumunta sakanila o sila mismo ang pupunta sa upuan ko. Pero kadalasan e ako talaga ang pupunta kasi sila Marie at Barbie ay malapit lang din sa kanila. Nasa unang column sina Ivan at Marie, naroon sila nakaupo sa pinakalilod. Sina Cristiano,  Marie, at Prince naman ay nasa ikalawang column, naroon rin sila sa likuran. Habang kami ni Shery ay nasa ikatlong column at nasa ikatlong row.

"Ang sasayawin ninyo ay cha-cha, ipapakita ko muna sa inyo ang bidyo ng inyong sasayawin. Pagkatapos ay magbubunot ako ng mga pangalan ninyo na inyong ipapasa mamaya sa isang 1/8 na papel para sa magiging magkapareha. Tandaan ninyo na ito ay isang performance task kaya pag-igihan ninyo ang pag-eensayo at huwag maging pabigat sa inyong magiging kapareha. Malinaw ba?" Malakas na ani ng aming guro. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses niya e ang liit naman niyang babae.

"Sana matino iyong makakapareha ko." Ani naman ni Shery na katabi ko lang.

Tinignan ko naman si Ivan mula sa kinauupuan niya. Nakikinig siya sa guro namin.

Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang maging kapareha or hindi. Baka kasi hindi ako makasayaw ng maayos kapag kaharap ko na siya. Base sa sayaw na sasayawin namin, magkakalapit at magkakalapit talaga ang mga katawan namin. Parang hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon. Nakakahiya. Umiwas na ako ng tingin at baka may makahalata pa sa akin.

"Sana si Ivan maging kapareha mo." At hindi nga ako nagkamali dahil nahalata iyon ni Shery. Alam niyang may crush ako kay Ivan kaya delikado ang lagay ko. Hindi pa naman mapipigilan ang bibig ng isang 'to.

"Shery!" Mahinang saway ko sa kaniya. Sumulyap naman ako saglit kay Ivan pero nanlaki ang mata ko nang magtagpo ang tingin namin. Umiwas naman ako agad at tumingin na lang sa laptop ng guro namin.

"Hala! Napakakumplikado naman niyan, Ma'am!" Komento ng isa sa mga kaklase ko at sinangayunan naman iyon ng iilan sa mga kaklase ko.

"Parang hindi naman. Kinaya niyo ngang kumanta kahit na sintunado kayo ito pa kaya. Kung ikukumpara ang boses niyo sa pagsayaw niyo e mas may pag-asa pang maging magaling kayo sa pagsayaw kaysa sa pagkanta niyo." Natatawang ani ng aming guro.

"Grabe ka naman sa'min, Ma'am." Sabi ni Marie na parang natamaan sa sinabi ni Ma'am. Pinagtawanan kasi siya nung pumiyok siya habang kumakanta. Isa-isa kasi talaga kaming pinakanta ni Ma'am kahit na pangit ang boses namin. Mabuti na lang ay iyong mababa lang na kanta ang nabunot ko hindi iyong may birit na nabunot ni Marie.

"Kung ganon Ma'am hindi niyo na kami pakakantahin sa susunod?" Tanong ng aming sekretarya.

"Hindi–" Nagsigawan naman ang ilan sa amin at isa ako sa nagdiwang ngunit hindi pa ata natapos si Ma'am sa sinasabi niya.

"Hindi kasi sayawit na sa susunod." Ani ni Ma'am kaya halos lahat sa klase ay nanlumo.

"Ma'am maawa ka sa amin huhu." Ilan lang iyan sa mga hinaing ng madla dahil sa sinabi ni Ma'am.

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon