PANG-ANIM

198 12 3
                                    

PANG-ANIM na akong sinaway ng mga kaibigan ko tungkol sa titig ko.

Sino ba naman ang hindi maiinis e harap-harapan kung lumandi iyong taong gusto mo? Ilang beses ko nang gustong sumuka sa harapan nila kung maaari lang. Sala bilang respeto na lang sa damdamin ng iba, diba?

"Selos na selos ang lola mo oh. Sobrang pangit ng mukha." Pahayag ni Cristiano sa lahat. Umayos naman ang mukha ko para hindi mahalata ngunit busying-busy ang bakla sa lalaki niya. Kaya mas lalong sumama ang mukha ko. Narinig ko namang tumawa ang mga kaibigan ko maliban sa dalawa na naglalandian.

"Delicates pa naman magalit 'to si beshy." Mapang-asar na tingin ang pinukol ni Shery sa akin nang sabihin niya iyon.

"Paano ba naman, e hindi pa siya umamin. Tyansa na niya iyon nung prom nung grade 10 pero hindi niya nagawa." Ramdam ko ang panghihinayang sa boses ni Prince. Malungkot kong inalala ang nangyari ng gabing iyon.

"Gaga, diba sabi ni Yuri na inunahan siya ni bakla. Hindi nga lang sa kaniya umamin." Nakasimangot na wika ni Marie.

"Stop na 'yan guys. Ivan might hear us." Saway sa amin ni Barbie.

"Duh, tignan mo nga gurl if nasa atin ang atensyon niyan. Diba wala." Ani ni Prince sa katabing si Barbie.

"Whatever."

"What if e try mong pagselosin si bakla? Baka effective siya ayon sa mga nababasa mong kwento." Napaisip naman ako sa sinabi ni Shery.

"Ang impossible naman nun. As if naman na magseselos siya." Pagdadalawang-isip kong ani.

"Gurl, he is showing signs of being disqualified sa aming pederasyon. Kaya 'wag ka nang mag-alinlangan pa. Sunggaban mo na bago mahuli ang lahat." Pang-iinganyo ni Cristiano sa akin.

"How could you say that to your own kapwa beki? The acidity!" Reklamo naman ni Prince.

"Correction, it's audacity not acidity." Barbie remarks as she gave emphasis to the correct term and the wrong choice of word Prince used. We all laughed as Prince showed his funny reaction after realizing his mistake.

"Sorry, pantat lang. Oh, 'di niyo carry 'yon. Alam mo 'yon?" Mapaglarong ani niya sa amin at lalong-lalo na kay Barbie.

"What's pantat ba?" Nagtatakang tanong ni Barbie sa kaibigan ngunit hambog siyang tinignan nito kaya tumingin siya sa amin.

"Heto! Isda 'yon gurl. In English, it's catfish." Sinagot naman agad ni Marie si Barbie. Tumango-tango naman si Barbie sa sinagot ni Marie sa kaniya.

"So ano na mga be? Tuloy na ba ang oplan making the bakla jelly jelly?" Akala ko nakalimutan na nila iyon ngunit naalala ng baklang si Cristiano. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi.

"'Wag kang pabebe gurl, ita-try mo lang naman e. Wala namang mawawala sa'yo." Pagpipilit ni Prince.

"Wala ngang mawawala pero masasaktan ako." Pagdadahilan ko sa kaniya.

"What if hindi?" Maarteng ani ni Barbie kaya hindi namin mapigilan na matawa.

"What?! Stop teasing me, you guys." Napanguso na siya kaya tumigil na kami. Susunod niyan e luha na kaya tumigil na kami kaso si Prince ay sige lang ng sige sa pagtawa niya. Naka ani tuloy siya ng hampas kay Barbie bago siya tumigil. Tinawanan naman namin si Prince.

Nang tumigil na sila ay bumaling naman si Barbie sa amin. Susuportahan niya ata kung ano man ang sinabi niya kanina.

"If she'll get hurt then so be it-" Iniisa-isa niya silang tinignan bago mapunta sa akin ang tingin niya.

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon