SIMULA

606 13 1
                                    

"Wait lang muna kayo, nagpunta lang saglit si Ms. Yuri sa restroom!" Rinig kong ani ng isa sa mga organizer ng book signing event. 

Lumapit na ako sa mesa ko kung saan naroon ang mga libro ko at pentel pen. Ilang hakbang lang mula sa mesa ko ay ang mga taong gustong magpaperma ng kanilang biniling libro na sinulat ko. Ngumiti ako sa kanila habang sila ay hindi magkamaliw sa pagkaway at pagsigaw sa pangalan ko. 

"Thank you po." Nagpasalamat naman ako sa organizer bago ito umalis para isaayos ang mga taong pumunta ng event.

Hindi ko naman talaga inasahan na marami ang magbabasa sa mga kwentong isinulat ko. Ako rin naman noon ay talagang addict sa mga stories lalong-lalo na ang mga stories sa Wattpad. Isa itong sikat na application na noong elementary ko unang na diskubri. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit lage akong puyat dahil hindi ko mapigilan ang daliri ko na magswipe para mabasa ang susunod na mangyayari. Paniguradong ito rin ang rason kung bakit lumabo ang mga mata ko.

"Hello po, Ms. Yuri. Sobrang ganda po ng mga stories niyo. Nakakakilig at nakakarelate po ako sa kwento ni Isla. Minsan rin po kasi akong nagkagusto sa isang bakla." Tuwang-tuwang ani ng babaeng nasa harapan ko. Kapag naririnig ko ang mga ganitong komento ng mga nakabasa sa storyang iyon ay hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Hindi ko rin maiwasang hindi maalala ang taong gustong-gusto kong makita. 


Naghihintay pa rin kaya siya? 


May kasintahan na ba siya?


Kasal na ba siya?


"Sana magsulat pa kayo ng gayxgirl stories. May crush kasi ako ngayon kaso bakla siya. Pero in fairness nakakuha ako ng ideas sa storya niyo kung paano ko siya maaaproach." Kinikilig na sabi sa akin ng isa sa mga nakabasa sa storyang iyon. 

"I was once like you." Naka ngiting ani ko sa babae. Tumabingi naman ang ulo niya. Siguro inaalam kung anong ibig sabihin ng sinabi ko. 

"May crush ho kayong bakla?" Masiglang ani niya kaya napatawa ako. Nangingiti akong tumango sa kaniya. 

"Talaga po? So, based on true story pala ang storya niyo? Oh my gosh. Kaya pala." Tumatalon pa siya habang sinasabi iyon. Ako naman ay tawang-tawa sa naging reaksiyon niya. 

"Maybe." Mapagbiro kung ani sa kaniya kaya kilig na kilig naman siyang naglakad paalis. May nakasunod pa kasi sa kaniya.

"Narinig ko po iyong usapan niyo kanina nung babaeng nasa unahan ko." Nasasabik na ani ng babaeng kasunod nung babaeng may crush na bakla. 

"Oh, may marites pala akong mambabasa." Pabiro kong sabi sa kaniya kaya napatawa naman siya.

"E ang lakas ba naman ng boses ni ate girl na may crush na bakla kanina, hindi ko tuloy maiwasang marinig ang tsaa. So, Ms. Yuri, kamusta naman kayo ng naging crush mong bakla? naging kayo ba?" Pagmamarites ni ate sa akin kaya hindi ko maiwasang matawa. Mga kalog ata ang mga readers ko dahil maya't maya akong tumtawa.

"Dumadaloy talaga sa dugo mo ang pagiging marites, sis." Tumawa naman siya at may pa hair flip pa si ate kaya napatawa uli ako.

"So ano nga, naging kayo ba? Gwapo ba siya?" Tanong niya ulit habang patuloy pa rin ako sa pagtawa. Natigil lamang ako sa pagtawa nang may makita ako. Isang napakapamilyar na tao sa buong buhay ko. Pinag-uusapan lamang namin siya tapos malalaman ko na narito siya. 

Why is he here?

"Ms. Yuri, yohoo?" Nakatulala na pala ako habang tinitignan ang lalaking or should I say baklang nagugustuhan ko. It's been so long since we last met. 

"I'm sorry, may naalala lang." Naka ngiti kung sabi sa kaniya kahit na may nakita naman talaga dapat imbis na naalala. But looking at him now brings back a lot of memories.

"Ay, nagbalik tanaw si Ms. Yuri. Hindi na ako magmamarites Ms. Yuri basta more stories to come ha for us to be happy. Gusto ko ulit kiligin to the max." Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

"Copy that. Huwag kang mag-alala may sinusulat ako ngayon kaya be patient na lang kayo." Tumatawa kung ani dahil habang nagsasalita ako e todo react naman siya. Kaso nang marealize ko na siya na pala ang susunod na magpapaperma ay nagpanic ako. Hindi ko alam kung ano ang erereact ko. Hindi ko rin alam kung pano ko siya kakausapin. 

"Hi, it's been so long since I last saw you from this close." Oh my, he's still got this effect on me. His feminine side is what I love the most. I've always loved his long hair. Mas maganda pa nga ang buhok niya kumpara sa akin. He is not that feminine though, it was just right. Lage kung sinasabi noon na bagay talaga kami kasi gusto kung maging top or superior paminsan-minsan. I love him when he is submissive to me but I also love him to dominate me. 

"Why are you here?" He looked at me longingly. Gosh, nalimutan ko pa ata iyong pangako ko sa kaniya noon.

"You said you'll come back." Bakas ang emosyon sa kaniyang mga salita. He was so tall so he is towering me. Umiwas ako ng tingin sa kaniya hindi para umiwas sa nakakatunaw na titig niya kundi dahil sumakit ang leeg ko kakatingala sa kaniya. Pero aaminin kung sa tindi ng titig niya e hindi ko maiwasang umiwas.

"When are you coming back to me?" Nang sabihin niya iyon ay bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata ko. Nagulat ako kasi hindi ko lubos naisin na talagang maghihintay siya. 


Gosh! What do you expect? You said you'd come back to him.


But not now that I'm still not over him. That's not what I promised him. 


I promised him that I'll come back with the old me who was not in love with him. 


The girl who's just a best friend of Ivan or Iva. 


The girl who's afraid of being rejected by him.


The girl who's delusional and a hopeless romantic.


I'm Ivan's girl who's addicted to gayxgirl stories.




Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon