PANSAMPU

181 9 2
                                    

IKASAMPU na akong nagpabalik-balik sa baba at taas ng aming inuupahan na bahay.

Ilang araw na lang kasi ay magsisimula na ang klase namin sa kolehiyo. Hindi naman talaga agad-agad na magsisimula ang lectures, sabi ng mga seniors namin ay opening week pa raw. Walang klase ang magaganap. Programs and orientation ang mangyayari sa isang linggo bago magsimula ang lectures.

Nakapasok kami sa gusto naming unibersidad maliban kina Shery, Gabriel, at Barbie. Malayo ang unibersidad namin sa kung saan kami nakatira kaya napagdesisyunan naming lahat na magrenta ng bahay na kung saan kami lahat makakaukupa. Ilang buwan rin kaming naghanap, mabuti na lang at may kakilala si Barbie. Mayaman siya kaya maraming connections ang pamilya niya. Sinabi kasi niya ito sa Daddy niya. Hindi naman sila iyong stereotypical na mayaman na pamilya. Hindi nila nilalantad sa publiko na mayaman sila, laki sa hirap ang mga magulang ni Barbie kaya ganoon. Kaya lang halatang anak mayaman si Barbie dahil sa kung paano siya magsalita, kumilos, at sa itsura niya. Pero hindi naman maarte si Barbie, sa kilos niya lang iyon at pananalita.

Nakakalungkot lang at hindi namin siya makikita sa isang eskwelahan. Gayundin sina Shery at Gabriel. Mag-aaral si Barbie sa isang nursing school, hospital slash school na rin ito. Habang sina Shery at Gabriel ay mag-aaral sa isang Flight Attendant School. May umuusbong sa dalawang iyon at oras lang ang makadidikta sa magiging relasyon ng dalawa. Masaya ako para sa kanila. Iyong planong naming pagselosin si Ivan, wala naman talaga akong plano na gawin 'yon. Kaibigan ko si Shery at alam kung gusto nila ang isa't isa kaya ayokong maging hadlang sa kanila.

True friends don't do that.

"Okay guys! Break time muna! Kumain muna tayo ng lunch!" Anunsyo ni Marie sa lahat. Nasa kusina siya kasama si Cristiano. Sila dalawa ang naghahanda ng pananghalian namin. Marunong naman kaming magluto lahat pero hindi kami ganoon kasarap magluto kagaya nila Marie at Cristiano.

Hininto ko naman ang pag-aayos sa kwarto ng mga babae at lumabas. Bawat isa sa amin ay may naka asang gawain. Kami ni Ivan ay naka assign sa mga kwarto ng babae at lalaki. Habang sa ibang kwarto naman sa itaas naglilinis sina Shery at Gabriel. Sa baba naman naka assign sina Barbie at Prince.

"Kakain na daw." Sabi ko kay Ivan na naglilinis pa rin sa kwarto ng mga lalaki. Nilingon niya ako at ngumiti. Naka dungaw lang ako sa hamba ng kanilang pintuan. Tumayo naman siya sa pagkakaupo. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.

"Mauna na ako, sasabihan ko lang si Shery na kakain na baka hindi niya narinig." Agad naman siyang tumango kaya umalis na ako agad.

"Rinig ko, bes. Ikaw at ng mga rason mo sa buhay." Bulong ni Shery na kinagulat ko. Hinpas ko naman siya kaya napaaray siya.

"Akala ko ba maayos na kayo bakit parang hindi naman." Komento niya kaya napalingon ako sa likod namin at baka marinig ni Ivan ang usapan namin. Hinila ko siya pababa sa hagdan patungo sa kung saan walang makakarinig sa amin.

"Maayos naman kami. Maayos na magkaibigan. I wanted us to stay that way. We will never be more than that. Kailangan kong gawan ng linya ang pagkakaibigan namin dahil hindi naaayon ang mga kilos namin sa estado ng relasyon namin noon. May nobyo na siya, hindi na kagaya noon ang bond na mayroon kami ngayon. He is his priority."

"Pero gusto mo pa rin siya?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Walang nagbago, gusto ko pa rin siya pero hanggang doon na lang iyon. I already confessed so maybe I'll just let things go as it is. Siguro mawawala rin 'tong feelings ko sa kaniya."

"Duda talaga ako sa sinasabi mong pag-amin sa kaniya. E hindi ka nga ni minsan tumayo sa kinauupuan mo noong ball. Paanong nakaamin ka?"

"I mouthed that I like him, that's it."

Ivan's Girl is a GayxGirl Addict (Addict Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon