Nung matapos ang buong performance ng grupo ay agad na nag si takbuhan ang mga estudyante papunta sakanila.
They're famous. Grabe dahil halos mag mukhang baliw ang mga tao rito para lang mapansin sila.
"Tara na, tapos naman na." buryo kong anas dahil sa init. Shit 10 am palang napaka init na agad daig pa ang tanghali. "Gusto ko ng ice cream" I said while checking my sched for the next days.
"Mag tiis ka muna, mamayang 12 pa tayo pwedeng umuwi" bored na saad ni Cali. I hate that she's right. 12 pa tangina.
"Saan tayo after this?" It was Ari na naka nguso na ngayon habang hysterical na nag papaypay dahil sa init. Galang gala naman masyado.
"Uwi na ako deretso" agad naman silang nag react sa sinabi ko. What?
"No that can't be!!" Ari said na bahagyang hinihila ang ilalim ng uniform ko.
"Gala tayo please" It was cali, nakikihila na rin ngayon. Sinamaan ko sila ng tingin at pinalo ko ang kamay nila dahil nagugusot ang uniform ko.
We're now staying here sa bench na nasa ilalim ng mga puno. At some point maaliwalas dito, dahil nga naman sa mga puno.
Talagang malaki ang campus, mukhang di namin kakayanin libutin kapag vacant time namin. Nag kalat sa paligid ang mga estudyante, may mga nag titiktok, may mga nag pipicture, at may iba naman na nag kukuwetuhan. Halos lahat nga ay may sariling buhay.
Inilibot ko ang aking paningin para masanay sa view ng lugar kahit medyo nakakaasiwa dahil may mga mag jowang dumagdag.
Napangiwi ako nang makitang mukhang may nag aaway pa na mag jowa sa katapat namin na bench. Umay naman.
Napalingon ako sa paparating na grupo ng mag kakaibigan. Kapansin pansin sila hindi dahil maganda at pogi sila, kundi napaka ingay nila. Nanliit pa ang akin mga mata na akala mo naman ay matutulungan akong makita ang mga mukha nila.
Napansin kong papunta sila sa gawi namin. Who tf are they? Nangunot ang noo ko at patuloy parin ang panliliit ng aking mata sa kagustuhang makilala sila.
Nung malapit na sila ay tsaka ko lang napagtanto. FUCK! Sila Faith!
Agad akong napatayo sa taranta na ikinagulat namam ni Cali at Ari.
"What?" Takang sabi nila Cali.
"N-naiihi ako.." fuck nauutal ako. Ramdam ko na ang panlalamig ko sa kaba.
Shit. Why are they here? I expected already na mag kikita kita ulit kami, pero hindi naman ganito kaaga.
"Tara na please..." I pleaded in a low voice at mukhang nag tataka naman sila.
"Yung totoo? Natatae ka ba? Namumutla at pawis na pawis ka na oh." Nakangiwing saad ni Aria na tinanguan naman ni Cali. Putangina naman oh. Sana hindi nalang sila ang naging kaibigan ko shit naman talaga.
"Basta! Tara na lang kasi!" Dumiin ang hawak ko sa aking bag ng mapansin na lumalapit na ang ingay nila Faith.
Kahit nag tataka ay tumayo naman sila Cali ngunit masyado na ata kaming nahuli.
"Uy saan ang punta nyo?" Napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses ni Faith sa likuran ko.
Nang idilat ko ang aking mata ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Cali at Ari habang may tinitignan sa likod.
I know he's there. Hindi ako tanga! Alam kong kasama nila s'ya. That explains kung bakit halos lumabas ang puso ko dahil sa pag kabog nito.
Hindi ko sila nililingon. Ngunit hinaplos ko ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tila nag papanic din ito kagaya ko. Kilalang kilala parin talaga ng puso ko kung sinong may ari sakanya.
BINABASA MO ANG
Now and Then
RomanceI'm writing this story for a specific person, and I love him, and I miss him so much :(