Chapter 6

8 0 0
                                    


It's almost 12 nn. Nag sisilabasan na sa school yung iba. Pwede naman na ata lumabas?

"Tara na" I said while frowning. Grabe yung sikat ng araw parang tutustahin na ako sa init.

"W-wait..." Nakangusong saad ni Aria at bahagyang hinila pa ang kamay ko. Hindi naman ata obvious na ganap na ganap talaga s'ya sa Sm Dasma with Theo and friends, ano?

"Don't tell me sasama ka talaga sakanila?" Nakahalukipkip at taas kilay na tanong ni Cali.

"Ihhh kasi naman gusto ko rin gumala eh..." Ari answered with a pout reaction on her face. Arghh this girl!

"Ari can't you see? Kasama natin si Theo ron! Yung ex lang naman ng kaibigan natin! Sasama ka pa talaga?" Inis na saad ni Cali. I held her arm para pigilan s'ya dahil kokotongan n'ya na sana si Ari.

Napabuntong hininga ako. "Tama na 'yan" I said at sinamaan ng tingin si Ari na ikinanguso naman n'ya. "Fine, let's join them pero ikaw magbabagad sa lahat ng gagastuhin namin ni cali ha?" Inirapan ko s'ya.

"Yes ma'am" aniya sa sumaludo pa. Init tangina. Buti nalang may dala akong extra clothes.

"Papalit muna ako" I said at dumeretso na sa cr habang si Ari at Cali naman ay naiwan sa bench na kaning inuupuan namin.

Nag hilamos muna ako at pinunasan ko ang leeg ko ng wet wipes at tissue. Nag palit ako ng nude color fitted plain croptop at choco brown baggy pants. Itinali ko rin ang buhok ko ng pa messy bun at nag lagay na ng sunscreen sa mukha at leeg.

I looked at my self on the mirror. Naninibago akong makitang walang make up ang sarili ko kaya kinuha ko ang pouch ko, kung kanina ay naka full face make up ako, ngayon simplehan ko nalamg dahil mainit. I put some liquid blush on my face, at naglagay naman ako ng liptint sa labi ko, and lastly, I curled my lashes.

Nung palagay ko ay okay na ang itsura ko, nag perfume na ako at lumabas na.

Pag labas ko palang ay dinig na ang ingay na nag mumula sa mga kaibigan ni Theo. Hindi pa nila napapansin na patungo na ako sakanila.

I looked at them, naka uniform pa sila pero si Theo ay nag palit ng polo shirt at pants, yung babae rin na Kath ang pangalan, nag palit din s'ya ng oversized hoodie at baggy pants samantalang ang maikling buhok n'ya naman ay pinanatili n'yang naka lugay.

Malapit na ako kaya napansin na rin ako ni Ari. Kumaway s'ya saakin. "Ganda mo naman miss" aniya at pabiro akong kinurot kaya inirapan ko s'ya.

"Tigilan mo'ko" I said at kumuha ng panyo sa bag ko para punasan ang konting pawis sa leeg ko. Wtf?! Kakapunas ko palang kanina, pawis na ako agad?!

"Tara na guys" sabi nung babae na Zanea ang pangalan pero Zane nalang daw sabi n'ya.

Nung makalabas kami ng campus ay agad naman kaming nag abang ng bus. Sumusunod lang kaming tatlo nila Cali dahil hindi naman namin alam ang lugar dito.

Nung may dumaan na bus ay agad din naman kaming sumakay. Tila nabutas sa inis ang mata ko nung makitang inalalayan pa ni Theo na umakyat si Kath. Wow? Ano 'yan baldado? Pandak yan boi pero 'di 'yan baldado. Napairap nalang ako. Ngunit sa pag irap ko ay narinig ko ang pabirong pag sipol ni Ry(Riley).

"Mas mainit pa sa panahon ang tingin mo ah" aniya at ngumisi bago umakyat ng bus. Palagay ko ay mas lalong sumama ang mood ko sa pang aasar n'ya. Tangina! Nakakainis silang lahat!!

Padabog akong umupo sa tabi ni Zane. Sa gilid namin ay si Cali at Ari na taka akong tinitignan. Sa harap namin ay si Riley at yung kapatid n'yang si Remi, nag bubulungan silang dalawa sabay tawa. Sa gilid naman nila ay si Kath at Theo na kulang nalang ay mag lampungan sa sobrang dikit.

Now and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon