Chapter 9

4 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas. Kaya agad akong bumangon at padabog na binuksan ang pinto.

"Ano ba ang ingay–" agad na naputol ang sinasabi ko nang makita sila Theo sa labas. Tawa nang tawa si Aria na nakabihis na ngayon at mukhang kakatapos lang maligo.

Napalingon sila saakin.

"Hi there sleeping beauty" si Zane na nakangisi. Nag taka naman ako. What? May panis na laway ba ako? Sabog ba buhok ko?

Nakatayo lang ako sa pinto at hawak hawak ang door knob ng kwarto ko. Tiningnan ko silang lahat na nakangisi sakin.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko dahil wala parin nag sasalita saknaila at naka ngisi parin. Nilingon ko si Theo at nahuli ko ang pag tingin n'ya sa kabuuhan ko. Ngayon lang nag sink in sakin.... Shit! Wala akong bra at naka lingerie lang ako.

Fuck! Agad akong napabalikwas at pumasok sa kwarto para mag suot ng bra. Pag labas ko ay sinamaan ko sila ng tingin dahil sa impit na pag tawa nila.

"Bakit kayo andito?" Naka simangot kong saad at uminom ng tubig.

"Mmm, nag bago isip ko." Natatawang saad ni Riley. Ano ba?! 'di ba sila maka move on? "10 am nalang pala, pinuntahan na namin kayo dahil sabi ni Ari, gising naman na raw kayo" aniya at bahagyang napakamot sa batok at nag aalangan na nilingon si Ari.

Nilingon ko si Ari at sinamaan ito ng tingin. Nag peace sign naman s'ya saakin.

Nakita ko ang pag sulyap ni Theo, oh... Andito rin pala Kath. I smiled at Theo nung muli s'yang lumingon. Ikinakunot naman ito ng noo n'ya, napansin ko rin ang pag lunok n'ya.

Napangisi ako nang makita 'yon. I know I still have effect on you, Theo. Mag hahalumpasay ka rin pabalik saakin....

"Mag bihis ka na" sabi ni Ari na tinutulak ako pabalik sa loob ng kwarto.

"Oo na!" Inis na sabi ko sakanya at nag pumiglas sakaniya.

Agad naman akong dumeretso sa cr para maligo. Kakatawa nila saakin, papaghintayin ko sila.

20 minutes nang matapos akong maligo. Nag suot nalang ako ng selftied floral backless dress na almost hanggang talampakan ko ang haba, sa pang baba at nag suot nalang ako ng puting sandals dahil puti naman ang suot ko.

Ibinlower ko muna ang buhok ko para matuyo at plinantsa ito para mag ka style ng kaunti at makita ang shape ng buhok ko.

Napasulyap ako sa salamin at napangiti ng makita ang itsura ko. Ganda ampota.

Nag lagay ako ng blush on at manipis na eyeshadow, nag curl at mascara lang akl at nag pink lipgloss. Kinuha ko ang bag ko at handa ng lumabas.

Nang makalabas ako ay agad na hinanap ng mata ko si Theo, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko s'yang tahimik na nakamasid saakin habang katabi n'ya si Kath.

"Sheeeesh" it was Caleb na sumipol pa. Natatawang napailing nalang ako.

"Nakakahiya naman sayo beh, ayos na ayos ah? Mapagkamalan pa kaming alalay at personal body guard mo" natatawang sabi ni Faith. Nginitian ko naman s'ya.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked them.

"Batangas" ngumisi naman si Riley. Wtf? Ang layo naman.

"Ang layo naman tsaka ank yon issng araw lang tayo ron?" Ari asked, nag tataka rin.

"2 days tayo, until bukas. Don't worry may mga damit na ron. Rest house naman namin ang pupuntahan" he laughed at our reaction. Sinadya n'yang hindi sabihin kung saan para mapapayag kaming sumama na. Napailing ako.

Now and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon