Chapter 13

4 0 0
                                    


Siguro ito na rin ang kailangan namin, tama na siguro 'yon.... All we need is closure, maybe in this way, matanggap ko na hindi talaga siya para saakin.


Loving someone.... shouldn't be scary, you shouldn't feel scared when you're at the right person, you shouldn't be begging, love should bring peace, it shouldn't bother nor hurt you.


To love someone is to let go, we really never know what could happen next. How do we go from making someone our home and then someday, we have to let them go?


Why does letting go has to be the solution when things didn't work out the way it should? why can't we risk to live with pain just to be with the person we love?

I was standing somewhere far at the veranda where I last took a glimpse of someone I love and wished to have. I can't stop the tears from falling... Once again, I fell, not knowing how to stand up again.


I always knew that talking to him again is such a bad idea, alam kong marinig ko lang ulit ang boses niya, makausap ko lang ulit siya saglit... Wala na, hulog na hulog nanaman ako... At hindi ko nanaman alam kung paano bumangon.


But talking to him somehow gives me clarification kung hanggang saan nalang dapat talaga kami. I have to accept that change is the only permanent thing here in this world, unfortunately pati pag mamahal ng isang tao sa'yo... mababago rin, gusto man natin o hindi.


This is it! I should take this situation positively! This should be a sign for me to be better and to move forward... Not to move on, move forward.


Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sinabi kong mag m-move on na ako! Aware ako sa sarili ko na hindi ko siya makakalimutan at habang buhay ko siyang mamahalin, kilala ko ang sarili ko. All I have to do is to start my life without forgetting and unloving him.

Nang magising ako ay may tumatamang liwanag saaking mukha, malamang ay galing sa bintana. Haaaaay! inusog nanaman nila yung kurtina?!

"Gising na!!" Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko nang marinig ang ingay ng bunganga ni Remi. Jusko! Ang sakit sa ulo.


Mayroon siyang hawak na sandok at kaldero, ipinupukpok niya ang sandok sa likod ng kaldero na gumagawa ng nakakabwisit na ingay. Arrrrrgghh!


Ihinagis ko kay Remi ang unan na ginamit ko at agad na tinakpan ang aking tenga. Tangina wala ba siyang balak huminto?!!


"TANGINA NAMAN TALAGA!" It was Zane, dun lang huminto sa pag pukpok si Remi. Bahagya akong natawa nang makitang pinagbabato ni Faith si Remi ng kung ano anong mahawakan niya. Si Zane ay padabog na pumasok sa cr samantalang si Cali at Ari naman ay pumupungas pa dahil sa pag gising.


"Umagang umaga Remi" natatawa kong saad, bahagya naman siyang napahinto na tila ay natulala. What now?


Napakunot ang noo ko sa histsura niya. "Did u just...." aniya na mukhang gulat parin "Laughed?" dugtong niya sakaniyang sinabi, gulat na gulat parin siya, dahilan para lalo akong matawa sa reaksyon niya.


"What?" natatawa kong tanong sakaniya. Napatakip siya sa kaniyang bibig at dahan dahang lumabas ng kwarto, ang tingin na hindi makapaniwala ay hindi parin maalis saakin. Baliw.


Napailing nalang ako, natatawa parin. Agad akong tumayo upang kumilos nang makapag ayos na, napadako ang tingin ko sa mga kasama ko sa loob ng kuwarto, mukhang pati sila ay nag tataka rin sa inaasal ko.


Now and ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon