Nakatulog din ako agad pag balik sa condo at nung magising ako ay almost 7 pm, ang una kong inopen ay ang phone ko. Kaka open ko palang
ay marami na ang nagnotif, from facebook and from messenger galing.Una kong inopen ay ang fb ko, puro tags lang naman ng mga pic namin na kinuha mula kahapon. Lahat 'yon ay nireact-an ko lang. Wala naman bago.... puro mga reacts lang naman ng iba sa mga shared posts ko.
Napagdesisyunan ko nalang na iopen ang messenger ko. BhieLat? wtf is this? napaka ingay, paulit ulit na nag nonotif from messenger kaya inopen ko iyon.
Unang bumungad saakin ay ang mukha at pangalan ni Remi. Gumawa pa pala talaga siya ng gc.
Wtf bakit ba kasi BhieLat ang naisip niyang name ng gc. Parang tanga.
Napailing nalang ako dahil talagang sinabayan din talaga nila ang trip netong si Remi.
Hindi na ako nag message pa dahil ayoko na makigulo sa gc. Pero nung mabasa ko ang mga sumunod na message ay mukhang nag presinta na si Ari para sabihing kasama na ako sa gc.
Andito rin pala si Theo? puro yeah nalang ba ang sasabihin niya habang buhay? Mula kanina sa rest house ay puro siya yeah.
BINABASA MO ANG
Now and Then
RomanceI'm writing this story for a specific person, and I love him, and I miss him so much :(