Padabog akong kumikilos dahil sa imbyerna, kung kelan kasi may pasok at mag sisimula na ang stress tsaka pa ako nag ka regla.
"Ano nanaman problema mo?" Ari asked me when she saw me throwing tantrums infront of our dining area.
"Where's my comb?" I asked as I roam around the dining area. Dito ko iniwan kagabi yun ah?
"Malay namin sa'yo, ikaw gumagamit diba" sagot ni Ari at agad na dumeretso sa kwarto niya para mag ayos.
Natigil ako sa pag hahanap nung tumunog ang phone ko.
Yung Ethan nanaman. Sineen ko lang ang message niya.
Mukhang hindi naman siya bothered dahil hindi naman na siya nag abalang mag message pa.
Madami pa akong kaemehan na ginawa bago ako matapos na mag ayos at bumaba na para pumasok, si Cali may kotse kaya hindi namin need mag commute pa, waze nalang okay na.
Buong biyahe kaming tahimik at nakikinig lang sa kantang tumutugtog, mukhang nabasa rin nilang wala ako sa mood. Eto namang si Ari ay mukhang wala rin sa mood ah?
Nakakapang hinala na talaga sila ni Riley.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong binuksan at bumungad ang gc namin.
Party? Paano nalaman ni Ari?
Nilingon ko si Ari na may binabasa sa email niya. What's that?
Party? I would love to party!
Agad akong nag tipa ng irereply.
BINABASA MO ANG
Now and Then
RomanceI'm writing this story for a specific person, and I love him, and I miss him so much :(