📝Written By:little_angel
🔰🔰🔰Chapter 32- Netholic Continent🔰🔰🔰
🔱🔱🔱Dave's POV🔱🔱🔱
.
.
.
.
Nandiito parin kami ni Silver sa isang silid dito sa Flyn Kingdom at mahimbing parin na natutulog si Silver sa tabi ko at mukhang pagod na pagod ito kaya naman ay pinabayaan ko nalang itong matulog sa mga bisig ko.Napatingin naman ako sa bintana ng silid at nakabukas ito at ngayon ko lang nalaman na magdidilim na pala at nang lumabas ang buwan ay nakita ko na kabilugan pala ng buwan ngayon.
"Kailangan kong makainom ng dugo dahil kung hindi ay manghihina ako!"--saad ko sa isip ko at nataranta ako dahil sa oras na matamaan ako ng sinag ng buwan ay manghihina ako kapag hindi ako nakainom ng dugo.
"Babe! Ang likot likot mo!"--saad ni Silver sa akin.
"Ahhh! Babe! May kailangan kasi ako sayo ehh!"--saad ko naman.
"Ano yun? Babe?"--tanong naman nito at umupo sa kama.
"Kailangan kong makainom ng dugo mula sa mate ko dahil kung hindi ako makakainom ng dugo ay manghihina ako!"--saad ko naman.
"My Godddd! Iinumin mo ang dugo ko?"--tanong nito na parang gulat na gulat at mukhang nawala ang pagod nito.
"Kailangan kasi Babe ehh! Pero kung hindi kapa handa ay OK lang!"--saad ko naman kasi mukhang hindi pa handa si Silver.
"Naku okay lang babe! Diba sabi ko sayo noon na kapag kailangan mo na ay ibibigay ko sayo! Kaya lang na shock lang talaga ako kanina kasi naman hindi mo naman ako dinahan dahan!"--sagot naman nito sa akin.
"Sigurado ka ba Babe?"--tanong ko naman.
"Oo naman! Kaya lang dahan dahan lang ahh! Baka kasi masikit!"--saad naman nito.
"Hindi naman ito masyadong masakit kaya relax kalang Babe akong Bahala sayo!"--saad ko naman.
"Wag mong uubusin ang dugo ko ahh!"--paalala naman nito sa akin kaya naman ay natawa naman ako.
"Ano kaba hindi ko naman uubusin yang dugo mo!"--saad ko naman.
"Cge na umpisahan mo na dahil gusto ko nang matulog!"--saad pa nito.
Kaya naman ay agad akong lumapit kay silver at nang malapit na ako ay naaamoy ko na ang mabangong dugo ni silver kaya naman ay natatakam akong matikman ang napakabangong dugo nito at nang makalapit na ako ay agad ko itong kinagat sa leeg.
"Aaarrrayyyy!"---sigaw ni silver ng tumusok na ang mga pangil ko sa leeg nito at nalasahan ko nga ang kanyang napakatamis na dugo, sinipsip ko ito ng ilang sandali hanggang sa itinigil ko nga ang paginom ng dugo ni Silver.
"Bakit mo naman binigla? Diba sabi ko dahan dahan lang!"--saad ni Silver nakahawak sa leeg niya na kinagat ko!
"Hehehe! Sorry Babe nadala lang ako sa bango ng dugo mo!"--sagot ko naman.
"Tsaka bakit ang talim ng mga pangil mo? Parang dagger sa sobrang talim!"--tanong pa ni Silver.
"Palatandaan yan bilang isang maharlika!"--sagot ko naman.
"Ahhh! Ganon ba yun!"--saad ni Silver.
"Babe may dugo kapa sa gilid ng labi mo!"--saad pa ni silver kay naman ay pinunasan ko ito ng aking damit.
"Maraming Salamat Babe! Cge na matulog kana ulit, babantayan nalang kita habang tulong ka!"--saad ko naman.
"Cge pero wag mo nang sisipsipin ang dugo ko ahh!"--saad ni Silver.
"Hahahah! Nakakatawa ka talaga silver! Wag kang magalala hindi ko sisipsipin ang dugo mo!"--saad ko naman.
"Mabuti naman kung ganon!"--saad naman nito at nahiga na ulit sa kama at maya maya pa ay nakatulog na nga ito.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner Book 1 (Completed)
FantasyIsang Gay na may mga malalakas na spirit na kayang isummon o tawagin at gamitin sa pakikipaglaban. **** halina't ating tuklasin ang paglalakbay at mga pagsubok na kahaharapin ng ating bida na si Silversmith Delgado...... Disclaimer: Tagalog language...