📝Written By:little_angel
🔰🔰🔰Chapter 28- Findara Kingdom🔰🔰🔰
🔱🔱🔱Silver's POV🔱🔱🔱
Nandito pa rin kami sa Garden ng Findara naaliw kasi kami sa pananood ng iba't ibang bulaklak dito.
"Silver! Nakakatakot naman pala ang mommy mo kapag nagagalit!"--biglang saad ni Jasmin.
"Hindi naman! Ganon lang talaga yun kapag nagagalit! Tsaka hindi naman yun magagalit ng ganon kung hindi ako sinaktan ng mahal na Reyna!"--sagot ko naman.
"Ahhhh! Pero sa tingin mo ba ipapawalang bisa ba ng Mahal na Reyna ang batas na magbabawal na magasawa ang magkaibang lahi dito sa Findara!"--tanong ni Jasmin sa akin.
"Sigurado yan! Dahil kung hindi nila gagawin ay hindi babalik agad ang enerhiya ng Prinsessa nila!"--sabat naman ni Shaira.
"Sana nga gawin nila yan! Dahil marami dito ang nagtatago dahil natatakot sila na maparusahan sila dahil lang sa pagmamahal ng ibang lahi!"--nalulungkot na saad ni Jasmin.
"Pwede ba tayong lumabas ng Academy? Kasi balita ko na magaganda daw dito ang mga damit!"--saad naman ni Dave.
"Hindi ko alam kung pwede kasi si Headmaster lang ang pwedeng magbigay ng permiso sa mga estudyante na gustong lumabas ng academy!"--sagot naman ni Jasmin.
"Siguro bukas nalang kaya tayo magpapaalam kay Headmaster dahil maggagabi na rin ehh!"--saad ko naman.
"Mabuti pa nga! Dahil kapag lumabas tayo ngayon baka gabihin tayo sa daan!"--saad naman ni Sharia.
"Ehhh! Ano naman ang gagawin natin ngayon?"--tanong naman ni Lance.
"Ewan ko!"--sagot ko naman.
"Lord Silver pinapatawag po kayo ng Mahal na Hari at Reyna sa kanilang palasyo at pinapasabi po ng Mahal na Reyna na doon na daw po kayo magdinner!"--saad ng isang babae na kararating palang.
"Bakit daw kami pinapapunta ng Mahal na Reyna sa kanilang kaharian?"--tanong ko naman dun sa babae.
"May paguusapan daw po kayong importante!"--sagot naman nito.
"Ahhh! Cge sabihin mo pupunta kami! Magbibihis lang kami!"--saad ko naman dun sa babae.
"Cge po! Magpapaalam na po ako!"--saad naman ng babae.
"Cge maraming salamat!"--sagot ko naman at umalis naman ang ito sa harapan namin.
"Tara na at magbibihis pa tayo!"--saad ko sa mga kaibigan ko at nauna nang malumakad.
Nilingon ko naman sila kung sumusunod sila sa akin! Nakita ko namang nakasunod sila sa akin pero mukhang may kulang at doon ko lang na napansin na si Jasmin pala ang kulang.
Kaya naman ay bumalik ulit ako sa Garden kung nasaan si Jasmin at pagkarating ko dun ay nakita ko si Jasmin na nakaupo sa upuan ng magisa.
"Huyyy! Anong Ginagawa mo dyan?"--tanong ko naman kay Jasmin at mukhang nagulat ito.
"Nakaupo! Ehh! Hindi naman ako kasama sa lakad niyo kaya dito nalang ako sa Academy maghihintay na bumalik kayo!'--saad naman ni Jasmin.
"Sinong nagsabi sayong hindi ka kasama sa lakad natin?"--tanong ko naman kay Jasmin.
"Ibig mong sabihin kasama ako?"--tanong ni Jasmin.
"Oo kaya halika kana baka hinihintay na tayo ng mahal na reyna sa palasyo!"--saad ko naman kay Jasmin tumayo naman ito mula sa pagkakaupo at sabay na kaming lumakad papunta sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner Book 1 (Completed)
FantasíaIsang Gay na may mga malalakas na spirit na kayang isummon o tawagin at gamitin sa pakikipaglaban. **** halina't ating tuklasin ang paglalakbay at mga pagsubok na kahaharapin ng ating bida na si Silversmith Delgado...... Disclaimer: Tagalog language...