📝Written By:little_angel
🔰🔰🔰Chapter 38- Welcome Back Liza!🔰🔰🔰
🔱🔱🔱Silver's POV🔱🔱🔱
.
.
.
.
.
Nandito parin kami sa bulwagan nang palasyo at hinihintay ang pagsapit ng Gabi at ngayon nga ay nakaupo na kami sa trono namin ni Dave at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit kailangan pang hintayin ang pagsapit ng gabi."Dad bakit kailangan pang hintayin ang pagsapit ng Gabi?"--tanong ko kay Dad.
"Malalaman mo mamaya Silver at tiyak akong matutuwa ka!"--saad naman ni Dad.
Dahil sa sinabi ni Dad ay may mas lalo akong nagtaka kung ano yung ipapagawa nila Dad sa amin ni Dave, pero itong si Dave ay nakaupo lang at ang tahimik.
"Babe bat ang tahimik mo?"--tanong ko naman.
"Wala iniisip ko lang Babe kung pagdating ng panahon na tayo na ang namumuno dito sa Sarichia kung kaya ba natin pamunuan ang buong Sarichia!"--saad naman ni Dave.
"Oo naman kaya natin yan basta magkasama tayong dalawa!"--saad ko naman.
"Kung sabagay tama ka naman Babe kailangan lang natin magtulungan sa pamumuno dito sa Sarichia!"---saad naman ni Dave.
"Sumunod kayo sa amin!"--saad ni Dad at bumaba sa kanyang trono ganon din si Mom kaya naman ay sumunod naman kami kina dad.
Hanggang sa nakarating kami sa silid pagamutan at nakita ko dun si Liza na nakahiga kaya naman ay nakaramdam ako ng lungkot ng makita ang katawan ni Liza na nakahiga at nakabalot sa yelo katawan.
"Ano po ang ginagawa natin dito?"--tanong ni Dave.
"Oras na para bumalik sa atin si Liza! Kaya tayo nandito dahil bubuhayin niyong dalawa si Liza gamit ng mga kapangyarihang nasa korona niyo!"--saad ni Dad kaya naman ay natuwa ako dahil sa wakas ay makakasama na namin ulit si liza.
"Totoo po ba yun Dad?"--tanong ko na parang hindi makapaniwala.
"Oo naman!"--sagot naman nito kaya naman ay niyakap ko ito ng mahigpit.
"Mamaya na kayong magyakapang dalawa dahil may gagawin pa kayo ni Dave!"--saad naman ni mom kaya naman ay humiwalay na ako kay Dad.
"Dun ka sa bandang paa ni liza, Dave at ikaw naman silver ay dito ka sa bandang ulo ni Liza!"--saad ni Dad kaya naman ay agad naman kaming pumunta sa itinuro ni Dad na Pwesto namin ni Dave.
"Ngayong nakapwesto na kayo ay sisimulan na natin, dapat sabay kayong magpakawala ng malakas na enerhiya!"--saad ni Dad.
"Handa na ba kayo?"--tanong naman ni Mom
"Opo mom handa napo kami!"--sagot ko naman.
Tumingin naman ako kay Dave at sabay kaming tumango at maya maya pa ay sabay din kaming nagpalabas ng puting enerhiya at nang magtagpo ang pinakawalan naming enerhiya ay napupunta naman ito sa katawan ni Liza kaya lumiliwanag ang buong katawan ni Liza patuloy parin kaming nagpapalabas ng enerhiya at patuloy ring pumapasok sa katawan ni Liza ang enerhiya na pinapakawalan namin hanggang sa pinatigil na kami ni Dad kaya naman ay huminto naman kami ni Dave.
"Dad bat wala paring nangyari kay Liza?"--tanong ko nang makita ko na nakahiga pa rin si Liza.
"Amanda! Labas!"--saad ni Dad at maya maya pa ay lumabas na si Amanda ang isa sa mga spirit ni Dad.
"Bakit po master?"--tanong naman nito.
"Tanggalin muna ang yelong nakabalot sa puso ni Liza!"---saad ni Dad.
"Cge po Master!"--saad naman ni Amanda.
Ikinumpas naman nito ang kamay at maya maya pa ay may lumabas na yelo sa katawan ni Liza hanggang sa biglang bumangon si Liza mula sa pagkakahiga at parang hingal na hingal ito.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner Book 1 (Completed)
FantasyIsang Gay na may mga malalakas na spirit na kayang isummon o tawagin at gamitin sa pakikipaglaban. **** halina't ating tuklasin ang paglalakbay at mga pagsubok na kahaharapin ng ating bida na si Silversmith Delgado...... Disclaimer: Tagalog language...