CHAPTER 22
SELENE'S POV
NAPANGITI ako nang matanaw ang sasakyan ni Czairex na palapit. Mas napangiti pa ako nang tumigil yun sa harapan ko at bumaba siya saka naglakad palapit sa gawi ko. Nakangiti niyang pinatakan ng halik ang sentido ko na naging dahilan ng pag-irit ng kilig nila Alfonso na nasa likuran ko. Natawa ako dahil para silang mga babae ng high school kung kiligin dahil may pahampas-hampas pa ang iba sa kanila.
Hinarap ko sila at nginitian. "Mauuna na kami. Diretso uwi na rin kayo sa pamilya niyo ah?"
"Masusunod, Architect!" Bibong sagot ni Alfonso na tumuwid pa ng tayo at sumaludo na parang magiting na sundalo. Natawa kami.
"Ingat sa pag-uwi, Architect!" Nakangiting wika ng isa pang trabahador na nginitian at tinanguan ko.
"Salamat. Kayo rin, mag-iingat sa pag-uwi."
I waved my hand to all of them as Czairex guided me towards his car. Minsan ko pa silang kinawayan bago sumakay. Mabilis na umikot ng sasakyan si Czairex papunta sa driver seat. Nginitian niya ako bago pinaandar ang sasakyan at pinausad.
Tahimik lang kami pareho sa biyahe. Nararamdaman ko ang panaka-naka niyang pagsulyap sakin kaya nililingon ko rin siya at nagngingitian kaming dalawa sa tuwing magtatama ang aming paningin.
Naging maluwag ang usad ng mga sasakyan kaya napabilis ang aming pag-uwi. Nangunot ang noo ko at nagtatakang nilingon ang asawa ko nang bigla niyang itigil ang sasakyan ilang metro ang layo sa bahay. Ngumiti siya ng matamis at bumaling sa back seat at may kung anong inabot doon. Napagtanto kong isa iyong panyo nang makita kong hawak niya yun.
"Can you close your eyes, baby?" he asked in a tender voice.
"Why?" I asked, full of curiosity.
"Just close your eyes. I have a big surprise for you, and you can't just see it right away. Please, baby, hmm?" he pleaded.
I looked at him for a moment, feeling a bit puzzled, but then I closed my eyes. I felt him approaching me, and then a handkerchief covering my eyes. Czairex carefully tied it behind my head.
"You're going to love this surprise," he whispered in my ear before stepping away.
"What is this for? Why do I need to be blindfolded?" I asked.
"Because it's a surprise, baby," he replied.
"What kind of surprise is that that you have to cover my eyes with this thing, huh?"
"Baby, it's surprise, okay? Kung sasabihin ko sayo hindi na yun surprise, kaya relax lang."
Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik. Naramdaman ko ang muling pag-usad ng sasakyan at kahit walang nakikita ay palinga-linga ang ulo ko. May maliit na liwanag akong nakikita na nagmumula sa ibaba ng panyo na nakatakip sa akin at iangat ko ang ulo para subukang sumilip ay hindi ko pa rin maaninaw kung nasaan na kami.
Naramdaman ko ang pagliko ng sasakyan na sa hinuha ko ay nakauwi na kami. Tumigil ang sasakyan ay kasunod niyon ay ang boses ng asawa ko. "We're here,"
Naramdaman ko ang pagkilos niya. Bumukas ang pinto sa side niya at lumabas siya roon. Naghintay lang ako sa gagawin niya hanggang sa naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa side ko at ang pagtanggal niya sa seatbelt ko.
"Dahan-dahan lang sa pagbaba," he warned as his hands were in both of my waists and guiding ms carefully to get down from the car.
Isinara niya ang pinto niyon at muli akong inalalayang maglakad. Dahan-dahan at maingat ang bawat hakbang ko habang siya ay naka-alalay ang mga kamay sa magkabilang bewang ko.
YOU ARE READING
VB SERIES ONE: CZAIREX DEANDRE [COMPLETED]
General FictionWARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK!