CHAPTER 12
SELENE'S POV
HINDI PA AKO nakakarating ng bahay ay namataan ko na si Manang Norma na kalalabas lang ng gate at bihis na bihis.
Itinigil ko ang sasakyan sa tabi at binuksan ang bintana sa side ko. "Manang, saan ang lakad niyo?"
Bahagya pang nagulat si Manang sa biglaan kong pagsasalita kaya hindi ko napigilang matawa. Ang kamay ay nakahawak sa dibdib niya kung saan ang puso niya at nagugulat akong nilingon.
"Diyos kong bata ka. Huwag mo akong ginugulat at baka atakihin ako sa puso."
"Sorry po. Hindi ko po sinasadya, Manang."
"Bakit ka pala narito? Kukuha ka ulit ng gamit?"
Umiling ako. "Hindi ho. Magpapahinga ho sana ako ngayon kaso nakita ko kayo. Saan pala punta niyo, Manang?"
"Eh mamamalengke sana ako. Paubos na yung laman ng ref."
"Samahan ko na ho kayo." Boluntaryo ko.
"Akala ko ba'y magpapahinga ka?"
"Pwede naman ho mamaya pagkauwi natin."
"Siya, sige. Nang makatipid na rin ako sa pamasahe."
Pagkasakay ni Manang ay agad kong minaniubra ang sasakyan at pinaharurot paalis.
"Kung umuwi ka, sino pala ang nagbabantay sa Tita mo?" Tanong ni Manang habang nasa daan kami.
"Si Tito."
"Hindi ba abala ang Tito mo sa kompanya? Ang balita ko'y bumalik na sa dati ang kompanya."
Itinigil ko ang sasakyan ng magkulay berde ang traffic light. "Kilala niyo naman ho si Tito, kahit gaano ka-busy sa trabaho ay hinding-hindi niya makakalimutan ang maglaan ng oras para kay Tita."
"Kung sa bagay. Patay na patay iyang si Hernando kay Janice. Kahit hindi nagkabunga ang pagmamahalan nila ay lalo lamang minahal ni Hernando ang asawa niya."
Mukhang maraming alam si Manang tungkol kina Tito at Tita. Subukan ko kayang magtanong kung may alam siya sa nakaraan nila Tito bago sila ikinasal ni Tita.
"Manang, hindi po ba matagal na kayong katulong sa bahay?" Tanong ko saka ulit pinaharurot ang sasakyan ng magkulay pula ang traffic light.
"Oo. Bata pa lang si Hernando at ang papa mo ay nagsisilbi na ako sa pamilya nila."
"Edi, alam niyo rin po kung paano nagkatuluyan sina Tito at Tita?"
"Aba'y siyempre. Palaging wala ang mga magulang ng Tito Hernando at Papa mo kaya ako palagi ang kasama nilang naiiwan sa bahay."
Bigla ay mas lalo akong naging interesado ng mabanggit ni Manang si Papa.
"Bata pa lang ay magkasundo na si Hernando at Homer dahil silang dalawa lamang ang magkapatid. Bibihira ko lang din silang makitang nag-aaway. Kahit ang mga kaibigan ng Papa mo ay mabilis na nakasundo ng Tito mo."
Kaya ba ganoon na lang kung magalit sa akin noon si Tito? Kaya ba ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Papa dahil hindi niya matanggap na namatay ang kapatid niya dahil sakin?
Pero hindi ko yun kasalanan.
Tahimik akong bumuga ng hangin para iwaglit ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.
"Sino po ang mga kaibigan na yun?"
"Marami, hija. Halos umabot sila sa bente noong minsang dinala ni Homer ang mga kaibigan niya sa bahay para tumambay. Pero ang natatandaan ko lamang ay ang Tita Janice mo, ang mama mo at iyong gwapong lalaki na may lahing kano. Kung hindi ako nagkakamali ay Gavin ang pangalan niya."
YOU ARE READING
VB SERIES ONE: CZAIREX DEANDRE [COMPLETED]
Narrativa generaleWARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK!