Chapter 1

55 7 0
                                    

Chapter 1

Solaire Amaris Alcaria

Umagang-umaga ay rinig na rinig ko na ang pag-aaway ng mga magulang ko. Pera, pera, pera, iyan nalang palagi ang pinag-aawayan nila. Bahagya pa akong napabuntong hininga nang marinig ko na ring ang bangayan ng mga kapatid ko sa kabilang kwarto.

Hindi ko alam kung maiko-konsidera ko na ba kami na kasali sa "poorest of the poor". Nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, pero hanggang dun lang. Minsan nga ay iyong pagkain namin ay galing lang din sa utang. We couldn't buy the things that we want, halos ang perang naibibigay ni Papa ay para lang sa pangkain namin.

Mabuti na nga lang at wala kaming renta sa bahay dahil sa kakilala ni Papa ang may-ari nito at hinayaan kaming tumira rito. Pero iyong bahay, wala na sa maayos na kondisyon. Halos mawalan na ng kisame ang buong bahay, at butas-butas na rin ang bubong. Palaging may tagas tuwing naulan.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng aming bahay, I don't even know kung matatawag ko ba talaga ‘tong tahanan.

"Ma, alis na ako.", paalam ko kay Mama na nasa may sala. Hindi ko na makita si Papa baka umalis na.

"Hindi ka ba kakain ng almusal?", umiling naman ako saka tuluyang umalis.

Almusal, dadalawang itlog na in-scrambled at paghahatian pa ng anim na tao. Wala na rin akong makitang kape at asukal sa may ref, balak ko nalang sanang mag-kape para magkalaman ang tiyan ko pero h'wag nalang.

Scholar ako sa isang university na malayo-layo rin sa bahay, may allowance ako kada buwan pero ang kalahati ay nautang na ni Mama dahil sa palaging short kami sa pera.

"Solaire!", napatigil naman ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

Napalingon naman ako rito at nakita ko naman si Aling Nene. Iyong kapitbahay naming walang asawa, walang anak. Hindi ko alam kung ba't mag-isa lang siya, or baka may pamilyang nasa malayo. Hindi naman namin ito gaanong close.

"Po?", sambit ko na lamang at may inilabas naman itong kung ano.

Napalingon naman ako dito at nakita kong may hawak-hawak itong isang supot ng tinapay. Iyong mamahalin, napatingin naman ako dito na tila ba nagtatanong kung para saan iyon.

"Hindi ka pa kumakain ng almusal ano? Iyan nalang kainin mo habang nasa biyahe, mahirap mag-aral ng gutom hija.", sabi niya kaya tumango ako saka kinuha ito.

"Salamat po.", sagot ko naman kaya tumango naman ito. Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang maglahad pa ito ng 500 pesos sa akin.

"Baka kulang ang allowance mo, heto oh.", aniya kaya napailing ako.

"Hala h'wag na po. Nakakahiya naman.", sagot ko at umiling naman ito.

"Tanggapin mo na.", pagpupumilit nito kaya wala na akong magawa kundi tanggapin ito. Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin saka nagpaalam sa kanya. Kahit hindi namin ito kaano-ano ay may inaabot ito sa akin sa tuwing nakikita niya ako. Minsan nahihiya na ako pero she's the one who keeps on insisting kaya tinatanggap ko nalang.

Thankful din naman ako since dati isang beses nagastos ni Mama iyong pamasahe na tinabi ko tapos exam day namin nun so bawal um-absent. I was literally crying my heart out nang umalis ako sa bahay nang tinawag niya ako at nag-abot siya ng pang-pamasahe ko raw.

Naglakad naman na ako ulit papuntang highway at agad naman akong napalunok nang makita ang tiyo kong lasing. Kapatid ni Papa na palaging nasa bahay. Yumuko na lamang ako para hindi niya ako mapansin at mas lalong binilisan ang lakad.

Kinain ko iyong tinapay na binigay ni Aling Nene habang nasa biyahe kaya busog na ako pagkarating ko sa university. Pinili kong mag-major ng accountancy since sabi-sabi nila malaki rin ang sweldo nito.

Buti na nga lang at kahit hirap na hirap na ako sa mga subjects ko ay hindi ako nawawala sa dean's list. Noong nakaraang sem ako ang top 1 sa buong department namin.

Ano pa bang aasahan nila? Scholar lang ako rito, kung hindi ko gagalingan eh baka bawiin sa akin ang scholarship. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakali mang mawala pa sa akin iyon.

"Sol!", napalingon naman ako sa tumatawag at napangiti naman ako nang makita ko si Zoe. Isa sa mga ka-blockmates ko.

"Patulong naman sa isang assignment ko oh, ako manlilibre ng lunch mo!", ani nito kaya natawa ako.

"Ako rin paturo, ako mangl-libre ng dinner mo.", bigla namang sumulpot sa kung saan si Sebastian.

"Gaya-gaya oh.", ani ni Zoe kaya natawa nalang ako. Ganyan sila, kapag may gusto silang ipapaturo sa akin eh il-libre nila ako.

Minsan din ay ako na ang nagawa ng assignments nila tapos ay binabayaran nila ako or nil-libre ng pagkain. Ika-nga nila give and take raw. Alam kasi nilang hirap ako sa buhay. Hindi ko tuloy alam kung kina-kaibigan ba nila ako kasi gusto nila or baka dahil sa wala silang taga-sagot. But either way, okay na rin at least nababawasan problema ko.

"Sige, mamaya nalang after ng 1st class natin. Parehas tayo ng sched ngayong araw ‘diba?", tumango naman ang mga ‘to.

- - - -

May 3 hours pa ako before ang next class ko kaya andito ako ngayon sa may dagat, halos 10 minutes lang ang lalakarin mo galing sa university. Hindi ganun ka kalmado ang dagat ngayon. Para siyang nangangain.

What if magpakalunod ako riyan? Matatapos ba lahat? May mababago ba? Napabuntong hininga nalang tuloy ako sa umiling. Napapagod na ako, ayoko na pero paano na sina Mama? Saka iyong mga kapatid ko. Matamang nakatitig lang ako dito nang biglang may nagsalita.

"Magpapakamatay ka ba?", agad naman akong napaligon sa nagsalita.

"Ha?", sambit ko naman kaya napalingon din ito sa akin.

"It was if you wanted to be drown in there.", ani nito saka itinuro ang karagatan.

Masyadong malalakas ang alon at mataas na rin ang tubig. The sea looks very much unstable to the point na parang naakit na akong tumungo rito at hayaang lamunin ako nito.

"Hindi ah, marami lang akong iniisip pero wala akong balak magpakamatay.", sagot ko rito at napangisi naman ito.

"Really?", aniya saka itinuro ang palapulsuhan ko. Napatingin naman ako rito saka dali-dali itong tinago sa bulsa ng hoody ko.

"There are lines, so what do you call those then?", tanong niya pa kaya napahinga nalang tuloy ako ng malalim.

Saka sino ba siya? Feeling close niya naman. Agad naman akong umusog papalayo sa kanya at narinig ko naman iyong napatawa. Ang sama ng ugali, tinatawanan ako.

"Hindi ako masamang tao, I was also trying to see if those waves could kill me.", sabi niya kaya agaran akong napalingon dito.

"Gusto mo subukan natin?", dagdag niya kaya napakurap-kurap ako. Napatitig pa ako sa kanya to see if he's joking but he's not. Mukhang desidido ata ito.

"Gusto mo talaga?", tanong ko pa at nakangiting tumango naman ito. Napalunok naman ako saka in-offer ang kamay ko.

"Tara.", sambit ko sa kanya saka tiningnan.

"Let's do it."

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon