Chapter 9

31 4 0
                                    

Chapter 9

Solaire Amaris Alcaria

Natapos ang school break namin pero hindi pa ulit nagpapakita si Kyrr, it's not like I want to see him.

'You do, indenial ka lang.'

Napangiwi naman ako dahil sa tila ba nakikisingit na naman sa monologue ko iyong epal kong utak. Pero despite of not being physically present, kinakausap pa rin naman ako nito sa chat.

I just don't want to be deemed as 'demanding' or 'what' kaya hindi ko rin siya mismo matanong kung ano nga ba talaga ang ginagawa niya. We just used the word 'enlistment' since mukhang hindi pa naman siya ready sabihin kung anong meron.

'And it's not like you have the right, wala namang kayo.'

Napairap nalang ako, kung pwede lang talagang sabunutan ang sarili ay baka ginawa ko na.

"Anyare sa itsura mo Sol? Parang may internal battle ka yata, malapit ka na bang mabaliw?", turan ni Zoe na siyang nasa tabi ko nga pala.

"Matagal na akong baliw, hindi ko na alam ang gagawin ko sa subject ni Ma'am Rodriguez. Ayaw rin talagang makipag-cooperate nung groupmates ko. Ba't naman kasi dun pa ako napunta eh, ang sarap magdabog.", reklamo ko pa kaya napatawa naman si Zoe.

"Ayaw kang payagang mag-individual nalang?", umiling naman ako.

"Part ko na raw iyon as a leader na pasunurin ang members ko, eh sa ayaw nga nila. Anong gusto niya tutukan ko pa sila ng balisong para sumunod at mag-practice para sa presentation? Ayaw naman na pala nila sa course nila eh, bakit pa sila nag-enroll? Magsipag-dropout nalang kamo sila hindi iyong nandadamay pa eh.", rant ko pa at naramdaman ko namang tinapik ako nito sa balikat.

"Gamitan mo ng potion, or hindi kaya try mo nalang iyong balisong na idea mo. Baka effective iyon.", sabi ni Zoe kaya napabuntong-hininga ako.

"Baka ako talaga iyong problema nila ano? Ganyan ba sila sa iba? Or sa akin lang?", napailing naman si Zoe.

"Walang problema sa'yo, anong p-problemahin nila sa'yo? Eh ang bait-bait mo ngang leader, jusko halos lahat nga ng blockmates natin pinapangarap na maka-group ka man lang kahit once. Ayaw lang talaga nila iyong nasasapawan sila palibhasa may kapit kaya ganyan umasta.", napabuntong-hininga naman ako dahil sa sinabi ni Zoe.

Ilang beses na rin naman akong nag-reach out pero wala pa rin. Ayaw rin namang magpapilit ni Ma'am Rodriguez na mag-individual nalang ako, hindi raw pwede sa field at real world ang basta nalang magd-decide na mag-individual dahil sa hindi nagc-cooperate ang kasama mo. Eh kung sa trabaho lang ‘to, magr-resign nalang ako.

Eh dito sa school? May choice ba ako? Wala naman eh, hindi naman pwedeng bitawan ko nalang iyong presentation pero hindi ko rin naman sila mapilit. Nakakainis talaga kapag may members kang masyadong mataas tingin sa sarili dahil sa alam nilang madadaan lang nila sa pera ang lahat.

Matapos ang class namin ay agad naman akong nag-chat sa gc nung grupo namin. Asking kung nasaan sila or if they could at least spare me some time para masabi kung ano ba talaga ang gagawin namin. Bukas na ang presentation, tapos ko na naman lahat, may script na at visual aids. Hindi ko alam kung ano ba iyong gusto nilang mangyari.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa mukhang wala talaga silang planong siputin ako. Hindi naman kasi sila accountancy major, kaya kahit bumagsak sila sa subject na ‘to okay lang. Pero hindi iyon applicable sa akin, kahit sabihing minor subject lang ‘to, ang daming maapektuhan. Idagdag pang kailangan kong i-maintain iyong gwa ko.

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon