Chapter 6

25 5 0
                                    

Chapter 6

Solaire Amaris Alcaria

Hindi ko alam kung anong meron, but this is really awkward. Parehas lang kaming tahimik habang nagd-drive siya papunta sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin, kung awkward na kami ngayon so ano pa bukas hindi ba?

Pinasadahan ko naman siya ng tingin at saka ko lang na-realized kung ano iyong nagbago sa kanya. Mukhang pumayat ata siya, napakunot noo nalang tuloy ako.

"Nangayayat ka ata? Okay ka lang?", biglaan kong tanong kaya napalingon ito sa akin.

"Ang talas naman ng mata mo, may ginawa lang ako nitong nakaraang linggo kaya ganyan.", sagot niya sa akin kaya napatango ako.

"Pero okay ka lang?", tanong ko naman ulit at nakita ko namang napangiti ito ng bahagya. Ganyan, he's supposed to be like that pero mukhang pre-occupied ang isip ng isang ‘to.

"Okay lang ako, Sol. Ikaw, okay ka lang?", tanong niya naman kaya tumango naman ako.

"Okay lang, nakakaraos naman.", sagot ko sa kanya.

"I was prohibited from using any gadgets nitong nakaraan kaya hindi rin kita na-contact. Plano ko nga sanang manggulo sa messenger mo pero mukhang plano ata ng tadhana na ipag-focus ka sa finals niyo.", aniya naman kaya napatawa ako nang bahagya. Napailing naman ako nang makita kong sinulyapan ako nito.

"So blessing in disguise na rin pala iyong pagbawal sa'yo ng paggamit ng phone. Nag-enlist ka ba sa kung saan para pagbawalan ko?", turan ko at nagkibit balikat naman ito.

"Parang ganun na nga, kunwari nag-enlist nalang ako sa kung saan.", sagot niya kaya napairap ako.

"Ganyan ka na talaga? Like mawawala bigla-bigla?", tanong ko sa kanya at nakita ko namang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha. Tinansya ko naman kung anong klaseng reaksyon ito.

"Hindi naman, sa ngayon lang. Hindi na naman mauulit iyon.", parang pangungumbinsi nito sa akin kaya tumango nalang ako.

"Nagtatanong lang ako ah, kunwari survey lang ‘to. H'wag mong seryosohin.", pabirong sabi ko nalang kaya napatango ito. Sa may plaza nalang ako nagpahatid since sabi ni Mama nandun pa raw iyong isang kapatid ko. Pauwiin ko na raw baka malintikan ito ni Papa.

"Thank you sa paghatid, ingat sa pagd-drive Kyrr.", paalam ko rito at tumango naman ito.

"Tuloy iyong bukas ah?", sabi niya kaya natatawa akong tumango.

"Oo na, ingat!", sagot ko sa kanya. Napahawak naman ako sa dibdib ko saka napahinga nang malalim.

"Ang weird, kinakabahan ako.", bulong ko sa sarili saka sinimulang suyurin ang plaza para hanapin ang kapatid.

- - - - - - - - - - - - - -

'Kulto de Powerpuff'

Zoembieee: free ka ngayon girlalu @Solaire?

Sebong di matanggal: sunduin ka namin oh. gala tayo sa may Pueblo may paganap ata ngayon dun eh kasi malapit na pista eh

Palabas na ako sa subdivision nung pinag-tutoran ko nang magsipag-chat iyong dalawa.

Solsoldalasol: May gagawin ako eh, kayo nalang muna. Friendly date muna kayo ngayon, saka na ako sasama kapag nasa mood na akong maging third wheel.

Zoembieee and Sebong di matanggal reacted 👎 to your message.

Zoembieee: mangilabot ka Sol please lang!

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon