Chapter 5

34 5 0
                                    

Chapter 5

Solaire Amaris Alcaria


Makalipas ang ilang linggo ay hindi naman nagpakita sa akin si Kyrr. I accepted his friend request pero hindi ko naman ito chinat para kamustahin siya. I believe we weren't that close enough yet.

Patapos na rin naman ang sem kaya nag-iisip na rin ako ng pwedeng pasukan kahit papaano. Kinausap din naman ako nung pinsan ni Zoe na may banda. Inaya niya akong ako na raw muna ang mag-stand in as their vocalist dahil may sakit daw ang bokalista nila.

May gig daw sila sa isang restobar hindi kalayuan sa amin, at nag-offer din itong id-drop off nila ako kapag tapos na ang gig since madadaanan lang naman nila iyong amin kapag uuwi na sila. Ibig sabihin hindi na rin ako makakagastos gaano sa pamasahe.

May nakausap na rin akong dalawang kliyente para sa tutoring services ko, kailangan ko nang mag-ipon in advance para naman kapag pasukan na hindi na ako ganun kagipit or may madudukot akong ipon kapag kailangan.

I've already talked about this with my mother at nagdadalawang isip naman ito na payagan ako buti nalang kalaunan ay napapayag ko ito. Kay Mama lang naman ako humihingi ng permiso dahil na rin sa hindi naman kami nagkakausap ni Papa.

Last day na rin naman ng finals kaya naman ay nag-aya sila Zoe na gumala. Hihindi pa sana ako pero nahila na niya ako kaya sinabayan ko nalang. Minsan lang naman. Balak ko pa naman sanang dumaan sa may dagat para sa mag-unwind, ganong klaseng unwind lang naman kasi ang afford ko. Pagkarating namin sa restobar kung saan dun nagp-perform ang pinsan ni Zoe ay lumapit naman ito sa amin.

"Uy Sol, himala ata napasama ka ngayon.", bati nito sa akin kaya nginitian ko naman ito nang bahagya.

"Ah, napilit lang nila ako. Saka sayang din naman, may pa-libreng dinner daw sila eh sulitin ko nalang.", sabi ko kaya napatango naman ito.

"Gusto mong i-try kumanta? Practice?", napatingin naman sa akin sina Zoe na parehas naghihintay sa pagsagot ko. Pinanlalakihan nila akong dalawa ng mata, it was as if they're insisting na um-oo ako. Huminga nalang tuloy ako nang malalim saka tumango.

"Sige, pero isa lang ha?", sambit ko kaya napa-'yes' naman sila Zoe habang si William ay napangiti naman.

"Halika, kilala mo na naman iyong mga kabanda ko hindi ba? I think I've already introduced you with one another dati.", aniya kaya tumango naman ako.

"Oo, isang beses nung birthday ni Zoe.", sabi ko. Pagkarating ko naman sa pwesto ng banda nila ay binati rin naman nila ako. Kinausap naman ni William iyong manager nung bar which is kapatid niya pala. Nagpakilala rin ito sa akin and she's very kind. May itsura rin ito, maganda lahi nila in fairness.

Tinanong naman nila ako nang gusto kong kakantahin kaya sabi ko sila nalang mamili. Maganda iyong opm since chill lang naman iyong vibes dito. Nag-suggest naman iyong manager ng bar na 'Ako Nalang Sana' by Zia Quizon nalang daw. We just did a little run through and sound check and we're good to go.

Nagsimula naman silang tumugtog at hinanda ko naman ang sariling kumanta. When I was about to sing ay may mga pumasok naman na mga customers. Pumwesto naman ito sa may harap namin. Muntikan nang tumaas ang kilay ko nang may makita akong pamilyar na mukha.

'Naghahanap ka ng maaaya
'Pagkat sadyang wala kang magawa'

'Nagsasayang ng bawat oras sa wala, hala
Na search mo na'ng lahat sa internet'

'Naubos na ang load sa kaka-text
Naghihintay ka lang ng may makukulit, ulit'

Nakita ko namang napalingon ito sa gawi namin nang magsimula na akong kumanta. Akala ko pa naman ay nagpunta na ito sa Mars. Kita kong bahagya pa itong nagulat nang makita niya ako.

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon