Chapter 8

22 5 0
                                    

Chapter 8

Solaire Amaris Alcaria


Pauwi na kami nang bigla nalang bumunggo sa akin. Muntikan pa akong mapaupo buti nalang ay nahawakan ako ni Kyrr. Pero nanigas naman ako nang ma-realized kong pamilyar ito.

"Sol?", gulat na ani ni Sebastian kaya napatunghay si Zoe at gulat na gulat din nang makita ako. Pero mukhang mas nagulat pa sila lalo nang makita nila kung sino ang kasama ko.

"Uy, kayo pala iyan.", awkward kong sabi kaya napangiwi naman ito. Sinulyapan ko naman si Kyrr saka siya pinanlalakihan ng mata. Inalis naman nito ang pagkakahawak sa balikat ko.

"Kaya naman pala umayaw sa galaan, may date naman pala."

"Ayaw mag-third wheel kasi may sarili naman palang ka-date. Edi wala na, may nanalo na."

Napairap naman ako dahil sa sinabi nila.

"Mga baliw, pauwi na nga. Dumaan lang naman kami rito uy, ang o-oa niyo. Diba?", palusot ko pa at tumango naman si Kyrr.

"Kaya naman pala ayaw magpa-reto kay Liam, may papables naman pala. Haba ng buhok ah.", pang-aasar pa ni Zoe kaya napairap nalang ako.

"Bahala kayo diyan, malapit na mag-9pm bukas niyo na ako asarin. Enjoy kayo sa date niyo, bye!", sabi ko sa kanya saka dali-dali silang tinakasan. Napa-face palm naman ako nang makalayo na kaming dalawa.

"Nakalimutan kong pupunta rin pala iyong dalawa dito, ang laki-laki naman sana ng Pueblo talagang nakita pa tayo.", sabi ko at narinig ko namang napatawa si Kyrr.

"Mga kaibigan mo iyon?", tanong nito sa akin at tumango naman ako.

"Iyon iyong kasama kong kumain sa may restobar, si Zoe at Sebastian.", sagot ko sa kanya at tumango naman ito.

"They seem friendly though.", aniya kaya napataas ang kilay ko.

"Oh tapos?", sagot ko naman.

"Ikaw kasi hindi, diba sabi nila birds with the same feathers flock together?", turan niya kaya inirapan ko ito.

"Bahala ka nga diyan, sige na ho manong umuwi na tayo. Ay ako lang pala, susunduin ko pa si Mama sa may Cuevas, dun mo nalang ako ihatid on the way okay lang? Or hindi?", sabi ko at tumango naman ito.

"May mga dala raw kasi siya kaya dadaanan ko nalang.", dagdag ko pa at tumango naman ito.

"Okay lang, anong sasakyan niyo pauwi?", tanong niya at nagkibit balikat naman ako.

"Ilang kanto lang naman layo nun sa amin kaya baka lakarin nalang din namin. Mahal na pamasahe sa tricycle ngayon uy, mas mabuting maglakad nakapag-exercise ka pa.", sagot ko kaya bahagya naman itong natawa.

Mabilis lang iyong naging byahe namin, ang ganda rin talagang bumyahe nang gabi lalo na kapag motor. Mabuti na nga lang fresh pa iyong hangin dito sa amin, kaya ma-eenjoy mo pa iyong lamig ng hangin.

"Thank you!", ani ko pagkababa ko.

"Thank you rin.", sabi niya at hindi ko naman mapigilang hindi matawa nang kapwa hindi kami makatingin sa isa't-isa.

"Parang timang oh, mauuna na ako. Ingat ka, sa pagd-drive. Slowly but surely para hindi ka maagang mapunta sa taas.", bilin ko pa kaya napatango naman ito.

"Opo la, salamat po sa payo.", sagot niya kaya tinawanan ko nalang uli ito.

"Bye Kyrr, good night! Nag-enjoy ako, sana ikaw rin!", sabi ko sabay takbo kaya narinig kong natawa ito.

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon