Chapter 7

26 5 0
                                    

Chapter 7

Solaire Amaris Alcaria

Namangha naman ako nang pagkapasok naman dun sa isang cafe ay bumungad sa amin ang interior nilang 'galaxy-themed'.

"Feeling ko may lalabas na black hole dito tas lalamunon ako ng buo.", bulong ko kay Kyrr at nakita ko namang napailing ito.

"Mahilig ka sa ganto hindi ba?", tumango naman ako.

"Binackground check mo ba ako?", tanong ko sa kanya at ngumisi naman ito saka nagkibit balikat. Inilibot ko naman ang tingin at hindi ko talaga mapigilang hindi mapa-wow. Parang sarap tuloy magpa-picture sa bawat sulok.

"Sa rooftop, may telescope sila dun pwedeng gamitin. Maaliwalas naman ang panahon kaya paniguradong may makikita ka ngayon sa taas.", tumango naman ako.

"Sa rooftop ba tayo or dito lang sa loob?", tanong ko sa kanya at nakita ko namang tila ba nagpipigil ito ng ngiti o tawa.

"Hindi naman halatang excited ka, kung saan mo gusto dun tayo. Hindi ka pa ba gutom? Let's order na muna then saka tayo mag-decide if saan tayo kakain.", tumango nalang ako sa sinabi niya.

Since parehas naman kaming busog, well busog naman talaga ako ewan ko nga lang sa kanya. Tig-isang burger tas large fries with extra cheese lang iyong in-order namin. Cookies & Cream na frappe lang ang sa akin habang sa kanya ay nag-soda lang ito.

"KKB tayo ha?", bulong ko sa kanya kaya agad itong napalingon sa akin saka umiling.

"KKB who?", parang baliw nitong sabi kaya nginiwian ko ito.

"Hati tayo---"

"Ako, ako ang nag-aya. O kahit ikaw pa ang mag-aya, ako ang magbabayad.", seryoso nitong sabi kaya pinanliitan ko siya ng tingin.

"Oo na, sige na. Parang konti nalang magdadabog ka na riyan oh.", sabi ko nalang napailing nalang ito. Nagdagdag pa ito ng isang pizza.

Matapos din naman naming mag-order ay hinayaan ko nalang siya sa may counter para magbayad habang ako naman ay naghanap ng pwedeng mapagp-pwestuhan. Medyo puno na naman iyong first floor kaya naisipan kong sa second floor nalang siguro kami.

Muntikan na akong mapapalakpak nang makitang mas maganda iyong second floor kaysa sa first floor. Maaliwalas iyong sa first floor habang itong interior ng second floor para na akong nakalutang sa space. Ang cute pa kasi may mga nakatayong naka-astronaut sa may pinto ang babati sa'yo.

Nang makahanap naman na akong pwesto ay umupo na rin naman ako. Mamaya nalang din siguro kami aakyat sa taas kapag natapos na rin naming kainin ang orders namin.

May mga libro din sa dingding, may parang holder sila na tig-tatatlo or apat na libro ang nakakayang i-hold. Kumuha naman ako roon ng isang libro at nakitang trivias ito patungkol sa milky way.

Masyado na akong engrossed sa binabasa na hindi ko na napansing nasa harap ko na pala si Kyrr. Tinapunan ko naman ito ng tissue nang tumatawa ito habang hawak-hawak ang phone niya. Mukhang kanina pa ata ito tapos mukhang natripan pa akong kunan ng picture.

"Post ko kaya ‘to, tas sasabihin ko na mukha kang kawawa. Alam mo iyong uso ngayon? Kapag mag-isa ka iisipin na nang iba na malungkot ang buhay.", sabi niya habang pinapakita ang picture ko.

"Ulitin mo mamaya, iyong kumakain ako para mas effective. May spark sa mga mata ko riyan, halatang gusto ko iyong binabasa ko hindi ako nagmumukhang kawawa.", sagot ko sa kanya natawa ulit ito.

"Ihahatid nalang daw nila iyong order, maybe a few minutes or so.", aniya naman kaya napatango ako. Tinitigan ko naman siya nang makaupo na ito sa harap ko.

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon