Chapter 2

40 7 0
                                    

Chapter 2

Solaire Amaris Alcaria

"Tara, let's do it.", sambit ko at nakita ko namang bahagyang nagulat ito. Tinatansya kung seryoso ba ako. Napatawa na lamang tuloy ako iilang segundo ang makalipas nang hindi nito tinanggap ang alok ko.

"Ayaw mo na mabuhay, pero at the same ayaw mo ring tuluyang mawala. Ano ba problema mo? Broken hearted ka ba?", turan at nakita ko namang napairap ito. Loh, nagmumukhang bakla oh.

"Do you really think it's worth it to kill yourself dahil lang sa pag-ibig?", aniya at umiling naman ako.

"Hindi, well depende na naman iyan sa tao. Siguro kapag mahal na mahal mo iyong tao mapapaisip ka talaga ng ganyan. Sabi nga sa kanta, hindi ba? Too much love can kill you.", sagot ko sa kanya.

"Pero sa tingin mo ba naiiba rin tayo sa when we ourselves want to cease in existing?", dagdag ko naman kaya napatitig ito sa akin. Pinasadahan ko naman ito ng tingin at napansing agad na anak mayaman ito.

"Anong pinaghuhugutan mo? Halatang may pera ka so hindi problema sa pera ang iniinda mo.", sambit ko.

"I just don't want to exist at all. Iyan lang, walang reasons.", aniya kaya natawa ako.

"May rason iyan kung ba't ganyan ang nararamdaman mo. You're just oblivious to know it.", sabi ko kaya napabuga ito ng hangin.

"Ikaw? Anong pinaghuhugutan mo? Butas na bulsa?", turan niya kaya napatawa ako ng bahagya.

"Halata ba? Pero hindi lang din naman iyan ang pino-problema ko.", sagot ko kaya napatango naman ito.

"I'm Kyrr, ikaw?", pagpapakilala niya.

"Solaire, pwede na ring Sol.", sambit ko saka tinanggap ang kamay niya para makipag-shake hands. Pansin ko namang panay sulyap ito sa suot-suot kong ID.

"Hindi ako nag-cutting ah, may free time lang ako. Nag-aaral akong mabuti.", sabi ko naman sa kanya kaya napatawa ito.

"Wala naman akong sinasabing nag-cutting ka ah.", aniya kaya inismiran ko naman ito.

"Pero kung makatitig ka parang jinu-judge mo ko.", sagot ko kaya napahalakhak naman ito. Ako naman itong napatitig sa kanya dahil sa pagtawa nito. Sa unang titig mo parang okay lang siya, pero if you look into his eyes may mapapansin kang kakaiba.

Or maybe I am just analyzing too much. Umiling nalang ako saka isinukbit ang bag ko sa balikat. Mas mabuti nalang sigurong bumalik nalang ako sa university.

"Balik na ako, it's nice meeting you here Kyrr. H'wag ka tumuloy ah, magagalit si Lord.", sambit ko at nakita ko namang bahagya itong napangiti.

"Sa tingin mo magkikita pa tayo ulit?", napatigil naman ako dahil sa tanong niya.

"Baka, siguro? Pumupunta ako dito kapag marami akong iniisip, minsan din kapag pagod ako. Ikaw?", sagot ko sa kanya.

"Bumibisita minsan kapag may inaalala ako, so probably there's a possibility that we'll see each other again then.", napatango naman ako. Kumaway naman ako sa kanya saka bago tuluyang lumakad paalis.

"Fighting Solaire! Looking forward sa second meeting natin!", rinig ko pang sigaw niya kaya napatawa nalang akong bahagya. Hindi ko alam pero tila ba gumaan ang pakiramdam ko after ko siyang makausap. We even haven't talked to each other that much.

- - - - - - - - - - - -


Mag-aalas otso na ng gabi nang makauwi ako sa amin. Ang dami kasing tinapos, hindi ko na tuloy alam kung alin ba ang masakit. Iyong mga braso ko ba, likod, or balikat, parang buong katawan ko ata ang nananakit eh.

Napapikit naman ako nang mariin nang marinig ko ang lasing na boses ni Papa sa labas ng bahay namin. Umiinom na naman siya pero agad din naman akong napatigil nang marinig ko ang boses ng tiyuhin ko. Dahan-dahan din naman akong napaatras saka naisipang tumungo nalang siguro muna sa plaza.

Naglakad naman ako papunta roon at nakita ko naman ang mga nakahilerang mga stalls ng street foods. Ayokong gumastos pero ayoko rin namang magmukhang tanga na nakatunganga lang sa tabi kaya bumili ako ng palamig.

Dun ako sa palagi kong binibilhan bumili para makahingi ng discount, tig-kinse ang palamig ni Ante Vicky pero dinaan ko siya sa sales talk kaya pumayag siyang diyes nalang ang ibayad ko. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa pwesto ko kanina saka tumingala. Mabuti nalang maaliwalas ang panahon, kaya malabong umulan kung hindi mapipilitan akong umuwi.

Tinext ko si Mama na baka maya-maya pa ako makakauwi dahil sa may dinaanan pa ako. Alam na niya iyan, na iniiwasan ko si tiyo at papa kapag nalalasing. Nakakapagod kasi sila, nakakapagod na nakakatakot.

Naka-quota na ako sa pangongolekta ng mga di kaaya-ayang bagay at memorya sa tuwing lasing sila. Mabuti na nga lang din at iyong mga kapatid ko ay lalaki. Napabuntong-hininga nalang tuloy ako saka dinama ang malamig na simoy ng hangin.

I know that things will get better, I am very much aware of that because that's how life works right? Pero pwede bang paki-fast forward? Parang naka-slowmo ata itong buhay ko, ang bagal naman ata ng improvement.

"Sabi kasi nila you need to learn how to enjoy every moment.", bahagya naman akong napakurap-kurap nang may magsalita. Muntikan pa ako mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko ito iyong isa sa palaboy dito sa amin.

"Ha?", sambit ko naman at ngumiti naman ito.

"I-enjoy mo. You need to learn how to live. Hindi para sa iba, hindi para sa mga mangyayari bukas at sa susunod na mga araw, kundi para sa sarili mo, para ngayon. Sa gayon ay mas makaka-focus ka sa mga bagay na dapat mo naman talagang pagtuunan ng pansin.", napalunok naman ako dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Sige, thank you sa advice.", nginitian ko nalang ito ng bahagya saka tatayo na sana nang naglahad ito ng kamay.

"Pengeng singko oh, bili lang akong tokneneng.", hindi ko naman mapigilang hindi mapa-face palm. Akala ko talaga narinig nito iyong mga naiisip ko eh, kinausap lang pala ako para humingi ng barya.

Hinanap ko naman sa may bulsa ng bag ko iyong baryang inihulog ko kanina saka ito binigay sa kanya. Umalis din naman siya pagkabigay ko kaya napailing nalang ako.

Kung iisipin may point din naman ang sinabi nito pero how do we get to live life? Paano mo nga ba masasabing you're living your life?

Ikaw, alam mo ba?

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon