Chapter 4

33 5 0
                                    

Chapter 4

Solaire Amaris Alcaria

"Nakaka-pressure naman iyan, parang naging responsibilidad ko pang ang pagkakaroon mo ng rason na mabuhay.", pabiro kong ani kaya napangiti ito.

"Your voice, there's emotions in it pero hindi mo pinapakita sa mukha. Subukan mo kayang ngumiti kapag nagbibiro ka.", aniya kaya napailing naman ako.

"Saka na kapag feeling ko may worthy ng ngitian.", sagot ko sa kanya kaya napatawa naman ito ulit.

"Ang dali mong matawa, subukan mo rin kayang tumawa iyong abot sa mata.", puna ko kaya tila mangha ako nitong tiningnan.

"Saka na rin, kapag may worthy ng tawanan nang abot sa mata.", turan niya kaya pinanliitan ko ito ng mata.

"Wala ka na bang class?", tanong niya naman kaya umiling naman ako.

"Kain tayo?", tanong niyang muli kaya naman napatigil naman ako saka napaisip. What if serial killer pala talaga siya tapos sumama ako sa kanya?

"Libre mo?", tanong ko kaya natatawang tumango naman ito.

"Okay, g. Pero diyan lang sa malapit ha, para makatakas ako if ever may plano kang masama.", and for the nth time he laughed. Hindi ko tuloy alam kung natatawa ba talaga siya sa pinagsasabi ko o gusto niya lang patawanin ang sarili.

- - - - - - - - - - - - - -

Pinipigilan ko naman ang sariling ngumiti nang makita kong nakabusangot ito. Gusto niyang dun kami sa may restaurant na mamahalin but I insisted na sa Jolibee nalang. At least makaka-save pa siya.

"Seriously? I really want to treat you into a fine restaurant.", aniya kaya umiling naman ako.

"This is much better than any fine restaurant Kyrr. Kaya h'wag ka na bumusangot diyan, saka maka-fine restaurant ka magmumukha lang akong pulubi dun.", sabi ko naman kaya napatitig ito sa akin. Magsasalita pa sana ito pero isinubo ko na sa kanya iyong chicken joy.

"Kain, masarap iyan. Isinali na rin kita sa prayers ko kanina.", ani ko saka kinuha ang isang kamay niya para ipahawak iyong chicken joy na isinubo ko. Nagsimula rin naman akong kumain and we were like silent for almost five minutes. Parang parehas lang kaming gutom na gutom that we devoured our food within a few minutes. Tiningnan ko tuloy ito at nakitang panaka-naka nalang itong umiinom ng coke.

"See? Mas masarap pa dito kaysa dun sa fine restaurant na gusto mo. Mas mura pa.", sabi ko kaya nag-make face lang ito.

"Hindi ka working student?", tanong niya kaya naman umiling ako.

"Last year, pero nagkasakit ako kaya tumigil din ako. Nagt-tutor nalang ako ngayon, well minsan kapag trip nung mga clients ni Mama sa labada. Ikaw? Hindi ka na ba nag-aaral? Are we even in the same age?", sagot ko sa kanya.

"I stopped schooling, I'm taking a break for a year. I'm 21, supposedly I'm on my 3rd year in college.", napatitig naman ako dahil sa sagot niya. So he's really rich-rich. He can afford stopping school, he can clearly take his time in finishing his degree.

"So we're in the same age then. Anong course mo? Engineering? Engineering kadalasan trip ng mga kagaya mo eh, and you actually have a vibe of being a smarty-pants.", ani ko kaya naman napangisi ito.

"No, I am not taking an Engineering course. Business iyong akin, well I actually want to take an Engineering course but my parents suggested to take a business one, so I did.", napatitig naman ako sa kanya dahil sa sagot niya.

"So I'm wrong with the Engineering course, what about being a smarty-pants?", tanong ko kaya napangisi naman ulit ito.

"Yeah, at least you've got that one right.", hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. I don't know but it feels weird that I am glad that we're getting to know each other.

"So what are your plans afterwards? Like isang taon ka lang ba titigil? Then balik ka na ulit? Or you're actually planning to shift?", tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman ito.

"I still don't know, depende.", sagot niya kaya napatango naman ako.

"Ikaw? Anong plano mo? Do you even like your course? Do you see yourself working in that field?", napatigil naman ako dahil sa tanong niya. Malapit nang matapos ang pangatlong taon ko, magf-fourth year next academic year which a few months from now.

And actually I don't know if gusto ko nga ba talaga ‘to. O hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang gusto ko.

"Natahimik ka.", puna niya naman kaya nagkibit balikat ako.

"Hindi ko rin alam kung anong plano ko, but one thing's for sure. I am going to get that diploma, by hook or by crook.", sagot ko kaya napatango naman ito.

Matapos din naman naming kumain ay may tumawag sa kanya kaya naman ay nagpaalam din ito. He offered on dropping me off sa amin pero inayawan ko ito.

I am still processing the fact that I did talk to someone who I barely knew and even have a meal with him. Not just that, ay nagpalibre pa ako. Pero napaisip din talaga ako sa tanong niya, those questions actually crossed my mind pero I didn't ponder on it that much.

Pero ngayong iba na ang nagtanong, it strucked me hard. Ano nga ba talaga iyong gusto ko? Ginusto ko ba talaga ‘to? Sa pagkakaalala ko I took accountancy kasi iyon ang sinuggest na course ng guidance counselor sa school ko dati.

May dala-dala akong limang yum burger at dalawang large fries na iuuwi ko sa mga kapatid ko. Actually, si Kyrr ang nag-order nito kaya naman pala nagtanong ito kung ilang magkakapatid kami kanina. He was actually about to order a chicken joy bucket at family size na spaghetti buti ay napigilan ko ito.

Wala si Papa pagkauwi which for me, is a good thing. I could freely do things around the house. Binigay ko naman sa kanila ang pagkain na dala ko saka nagbihis ng damit pambahay. Napakunot noo pa ako nang mapansin kong may kakaiba kay Mama.

"May nangyari ba?", tanong ko sa isang nakababata kong kapatid matapos bumalik ni Mama sa may likod bahay.

"Nag-away sila ni Papa.", sagot niya kaya naman napatango ako saka chineck sila isa-isa.

"Hindi naman kami sinaktan ni Papa.", aniya nang mapansin niya ang ginagawa ko.

"Si Mama lang.", pahabol niya kaya napahinga nalang ako nang malalim.

"Sige, kain nalang muna kayo riyan. Kakausapin ko na muna si Mama.", sabi ko saka sumunod sa may likod bahay.

"Ma?", tawag ko sa kanya at nakita ko namang agad-agad ito pinahiran ang kanyang mukha. Nailing pa ako nang marinig ko ang pag-ingos nito.

"Wala namang naibibigay si Papa sa'yo, sa ngayon ikaw naman itong bumubuhay sa amin, sa atin, pwede naman tayong umalis dito Ma. Kaya kong maghanap ng malilipatan natin at pwede rin namang bumalik na ako sa pagt-trabaho. Pwede namang mag-sideline ako.", sabi ko pero umiling naman ito.

"Sol, okay lang ako. Okay na iyong ganto, baka mas lalong gumulo kung papalakihin pa natin ‘to. Alam mo naman ang nangyari dati hindi ba?", napatitig naman ako dahil sa sinabi nito. Napabuntong-hininga nalang ako saka umiwas ng tingin pinipigilan ang sariling umiyak.

"Pero alam mo namang hindi tayo pwedeng ganto nalang Ma hindi ba?", tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Pagka-graduate mo anak, okay na.", aniya kaya naman napapikit ako nang mariin.

"Okay Ma, pagka-graduate ko.", sagot ko at lumapit naman ito sa akin saka ako niyakap.

Meant For You (Short Story Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon