-----------------------------------
A/N: Si Namae po ang nasa picture.
I'm not sure with the other artists that I pictured how my characters looked like yet. Except those I posted their photos. Ang mga pictures po na ginamit ko ay kinuha ko lamang po sa google.
_____________________WALA na yata akong ibang magawa kundi maghikab ng maghikab. Pinipilit ko na hindi makatulog, baka makita ako ng guro namin pero kahit ano yata ang gawin ko, nakakaantok pa rin. Kahit kailan talaga parang napakaboring ng Math. Sa mga sinabi ni Shan, wala talaga akong maintindihan. Si Shan kasi ang reporter ngayon, paborito kaya siya na gawing reporter ng guro namin, kawawa naman.
Lumilingon-lingon ako sa paligid upang titignan ang mga kaibigan ko. Tinignan ko ang seatmate ko na si Cael na may dinodrawing ata. Si Namae naman na nasa unahan ko ay nagsusulat, kinokopya ang mga solutions na nasa visual aids ni Shan at si Ziel na katabi ni Namae ay tahimik lang na nakikinig. Buti pa sila kahit na nabobored, hindi pa rin inaantok pero ako gusto ko na talagang matulog. Lumingon muna ako sa bakanteng silya sa kanang bahagi ko bago inilagay ang ulo ko sa armchair at nakaharap ako sa kanan. Makapag-idlip nga muna.
...
...
"Psst. Mihr."
Kainis naman oh, kita niyang natutulog ako, inistorbo pa ako.
"Mihr, si sir, nakatingin sayo."naring kong sabi ni Namae sa isip ko.
Nagmulat agad ako at tumingin sa guro namin na totoo ngang nakatingin ng masama sa akin. Patay na.
"Yes, Ms. Hayle?" sabi ni Sir Dolta.
Patay na talaga ako. Bakit kasi nakita pa ako, na nasa huli ako nakaupo. Bahala na nga.
"Pardon me, sir." sabi ko nalang pagkatapos kong tumayo. Tumingin ako kay Shan na nasa harapan para sana humingi ng tulong.
"As I said, ano ang sagot mo sa..."
"Excuse me Mr. Dolta, may ipapasok lang ako ng mga bagong estudyante." putol ni Mrs. Garusto sa tanong sa akin ni Sir.
Yes! Buti nalang talaga dumating si madam. Kahit di ko siya gusto okay na rin atleast naligtas ako sa bingit ng kahihiyan.
Pumasok na ang mga new students. Sa pagkabilang ko sa kanila, apat sila, dalawang lalaki at dalawang babae. Humarap sila sa amin ng biglang nagkatama ang mga mata ko sa mga mata sa isa sa mga new students. Ang ganda ng mata niya. Hindi ko alam pero parang nagtitigan lang kami hindi ko tuloy napansin ang iba. Siya ang unang pumasok kaya siya iyong unang nag-iintroduce sa sarili niya.
"Hi! I'm Icen Klint Plenilunio."
Sa pagsabi niya sa pangalan niya, bigla akong napahawak sa hips ko para bang malalaglag ang panty ko. Napaka gwapo kasi ng boses niya. He sounds so calm, confident and collected. Kung makakapagdala siya sa sarili niya parang alam niya na gwapo siya pero hindi niya pinahahalata na alam niya. Ah, so Icen pala ang pangalan niya. Tunog gwapo. Pero bakit kaya parang ako lang ang kausap niya?
"Ms. Hayle, pwede ka nang umupo." narinig kong sabi ni Sir Dolta.
Pagkasabi niyang iyon, na realize kong nakatingin na pala sa akin ang mga kaklase ko pati ang mga new students at kahit si Mrs. Garusto. Kahihiyan tuloy ang inabot ko. Bakit pa kasi hindi ako umupo? Mukha tuloy akong sira. Pero siya kasi eh. Ang gwapo. Hahay. Makaupo na nga.
"Mihr, tumutulo laway mo." bulong sa akin ni Cael.
"Sira! Gusto mo sapakin kita. Kita mo na ngang nalagay ako sa kahihiyan na sitwasyon, dinagdagan mo pa." Tinignan ko ng masama si Cael kaso ngumiti lang ang loko. Napakahilig talaga niyang mang-asar. Kung wala lang sigurong guro baka nasapak ko na siya.
Lumingon ako sa kaliwa ko upang iwasan si Cael ng mukha ni Icen naman ang nakita ko. Grabe, katabi ko pala siya hindi ko man lang namalayan na umupo siya sa tabi ko. Buti nakatagilid siya upang mas masilayan ko ng hindi niya alam.
Tiningnan ko siya ng maigi imbes making sa mga natitirang new students sa unahan na nag-iintroduce parin. Ang haba pa kasi ng speech, eh. Sinali pa ang hobbies at interests. Buti pa itong gwapong katabi ko. Walang arti sa katawan.
Medyo inilapit ko pa ng konti ang mukha ko sa kanya para matitigan siya ng mabuti. Ang gwapo pala talaga niya parang ang perpekto. Matangos na ilong, mahahabang pilik mata na sigurado akong maraming naiingit na babae, magagandang labi at kutis na parang wala man labg history ng acne o pimples.
Sinusuri ko ang mukha niya ng maigi ng bigla siyang humarap sa akin. Nagbawi ako ng tingin at humarap ako sa kanan ko. Mukha naman ng nakangising si Cael ang tumambad sa akin at sabay thumbs up.
~~~~~~~~~~~~~~~~
PAGKATAPOS ng klase, lumabas agad ako at naglakad papunta sa locker. Hindi ko maiwasan na isipin pa rin ang mga nangyari kanina. Nakikita ko pa rin sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Hindi iyong tinawag ako ng guro at napahiya ha, pero buti nakalimutan niya akong tanungin ulit. By the way, ang ibig kung sabihin ay iyong part na nagkatinginan at nagtitigan kaming dalawa ng bagong seatmate ko.
"Tsk. Kahit na sa labas na ng classroom ay kinikilig pa rin." rinig kong sabi ni Cael nasa likod ko lang.
"Sino naman Cael?" tanong ni Shan.
"Eh, sino ba ang malagkit kung makatitig kay Mr. Plenilunio." si Namae ang sumagot.
Grabe talaga itong mga kaibigan ko, at pinariringgan pa ako.
"Hoi! Huwag niyo nga akong pag-usapan sa likod ko!" saway ko sa kanila.
"Sige sa harap mo na lang kami mag-uusap." sabi ni Cael.
At talaga naman, oh. Pumunta pa talaga sa harapan ko.
"Grabe talaga guys, napakalagkit talaga niyang tumingin."
"Baka ginawa na niyang ulam sa isipan niya."
"Tumutulo pa talaga ang laway kung makatingin."
"Nakita kong nakanganga rin siya."
"Sobra kayo, hindi naman totoo iyan" kontra ko na, baka kasi saan-saan pa mapunta ang usapang ito.
"Ay ses, halatang guilty. Hindi naman ikaw ang pinariringgan namin." sabi sa akin ni Ziel.
"Makaalis na nga. Uuwi nalang ako, nasisiraan na ako ng bait sa inyo. Bakit kasi naging kaibigan ko pa kayo?" pagdadabog ko.
"Sorry na, biro lang naman. Ikaw kasi pikon ka agad." hinging paumanhin sa akin ni Namae.
"Gusto mo lang yata ilibri kita, kaya ka nagsosory." mga kaibigan ko talagang ito. Ang gulo-gulo.
"So ililibri mo kami ngayon?" tanong ni Shan
"Bukas na lang. Antok na antok na ako. Sige, baboosh na sa inyo." makauwi na nga, baka asarin pa ako ng mga ito lalo.
Nagpaalam na kami sa isa't isa ng may inihahabol pa sa akin si Cael.
"Huwag mo siyang isipin masyado! Baka hindi ka na makatulog!"
At talaga naman, oh. May inihahabol pa talaga sa akin. Humanda talaga ang babaeng iyan, darating rin ang panahon ng ako naman ang mang-aasar sa kanya ng sobra-sobra.
"Huwag mo na siyang paglalawayan!" at nilakasan pa talaga. Kainis talaga. Ano kaya akala nito sa akin, walang hiya sa katawan? Kahit makapal pa ang mukha ko ay may pagkakataon naman na nahihiya pa rin ako, no. Tao rin lang naman ako...
...sa ngayon.

BINABASA MO ANG
TIED BY FATE ( Magical Night University)
FantasyMagical Night University is a school for UNIQUE individuals and for SUPERNATURAL beings pero pinaganda lang ata nila MONSTERS pa rin naman ang tingin sa amin ng iba. ~~~~~~~~ Mihr: What can I do if the person I love is the person I can not trust? Is...